Chapter Sixty-one

1.1K 30 3
                                    

AN: Sorry for typos error at wrong grammar




Luke's POV

"AALIS NA AKO....."mabilis na napatingin ako sa daddy ko nang sabihin niya 'yun. Aalis? Saan?

"Aalis ka na, hon?" tanong ng mommy ko, "Hindi mo pa nga nauubos ang pagkain mo eh..." sabi ng mama ko. Sunday ngayon at kumakain kami ng breakfast. Nang maging CEO kasi ako, nakaugalian ko na umuwi dito sa bahay. Sunday is our family day kaya bakit aalis si daddy. At parang nagmamadali siya ha.

"Sorry, hon. May meeting kasi ako." Hinging sorry ng daddy ko.Kumunot naman ang noo ko. Meeting? Parang wala naman yata. Atsaka, linggo ngayon. Noon pa man, sinabihan niya ako na Sunday, rest day at family day ang araw na 'yun pero ano 'to? Paulit-ulit na lang ako ha! Hinalikan niya ang ulo ni mommy ko 'tapos tumingin sa akin. "Alis na ako 'nak..." sabi niya sa akin. Tumango lang ako kahit naguguluhan ako sa kinikilos niya.

"Nak, may tanong ako, may mi-meeting ba na naka-khaki short at plain t-shirt na black?" matamlay na tanong ng mama ko. Tumingin ako sa kanya. Nakita ko siyang nilalaruan ang pagkain niya.

"My, baka sa mag go-golf lang si dad kasama ang kaibigan niya 'tapos may business sila na pag-uusapan..." sabi ko sa kanya. Gusto kong pagaanin ang loob niya. Atsaka, bakit ba gumaganito ang mommy ko. Hindi ako sanay! 'Yung mommy ko kasi, aside from being judgemental, masyado siyang hyper. Palaging nakangiti kasi masayahin siya at minsan lang nagagalit. Kaya hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Kapag ganito kasi siya si lolo lang at si daddy ang nakakapagaan sa loob niya. Kainis kasi din 'tong si daddy eh! Sabi niya Sunday is a family day 'tapos aalis-alis siya!

"Tingin mo.... Kasi ako, hindi 'yun ang tingin ko." Matamlay na sabi niya at tumigil siya sa paglalaro sa pagkain niya at inilayo 'yung plato sa kanya.

"My..." tawag ko sa kanya.

Tinitigan ako ni mama at biglang humikbi. Nataranta bigla ako. Mabilis na lumapit ako sa kanya at yinakap siya.

"My ano bang problema?" tanong ko sa kanya. Hindi naman siguro dahil sa umalis si daddy kaya umiiyak si mommy ngayon. Ang lame naman kasi nun. Yinakap naman ako ni mama. "May, masakit ba sa 'yo? Bakit bigla ka na lang umiiyak?" tanong ko at hinaplos ang buhok niya. Baka may sakit na tinatago ang mommy ko. Pero impossible! My diet na sinusunod ang mommy ko na galing sa kaibigian niyang doctor. Nag-angat ng mukha ang mama ko.

"Anak, feeling ko may babae ang tatay mo..." napa-freeze ako sa Sinabi ni mommy.

"A-ano?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Si dad my babae? That's impossible! Ngayon pa talaga siya magloloko?! Ang tanda na niya ha!

Kumalas siya sa yakap namin at pinagsiklop niya 'yung kamay niya 'tapos inilagay sa lap niya.

"Napapansin ko kasi na palaging may ka-text ang tatay mo 'tapos ngumingiti pa siya kapag nakaharap sa phone niya." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni mom. Kapag ba ngumiti si dad sa cellphone niya na mag-isa, babae agad, hindi ba pwede joker lang talaga ang ka-text niya? Seriosusly mom?! "Kaya noong isang gabi, nang natutulog na siya, kinuha ko 'yung phone niya para malaman ko kung sino 'yung ka-text niya at ganun na lang ang gulat ko nang makita kong may passcode ang phone niya!" sigaw ng mommy ko at umiiyak na naman siya. "Hindi naman siya ganun eh! Trinay ko 'yung date ng anniversary namin, birthday ko, birthday niya, birthday na tatay niya, ng mama niya,birthday mo pati na rin nga date kung kailan finound ang mga negosyo nila pero hindi ko ma-open. 'Tapos may nag text sa kanya na ang pangalan 'my love', eh hindi naman ako 'yun! Kaya sino! Sino ang taong 'yun!"galit na dugtong niya at hindi ako makagalaw ng sabihin 'yun ng nanay ko. Impossible! I mean si dad... Hindi ako makapaniwala! Ang daddy ko may kabit? Pero...

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon