Luke's POV
"Nawe-weirduhan ka ba sa pamilya ko?" tanong sa akin ni Sabrina. Napatigil ako sa paghiwa nung sibuyas at tumingin sa kanya. Naghihiwa sya nung karne ng baboy. Magluluto daw kasi sya ng adobo.
Nasa kusina kami at nagluluto ng tanghalian. Hindi na ako pumasok sa eskwalahan. Napagdesiyunan ko kasi na tulungan sya sa pagluluto kaysa naman si Corin ang tumulong sa kanya. Baka ano pa ang ilagay ng eng-eng na 'yun sa iluluto ni Sab kaya hindi lang dapat na magpatulong si Sab sa kanya.
'Yung mga bata at 'yung kasama naming isip bata? Nasa sala sila at naglalaro ng tag and kill. Oh diba ang saya ng laro nila at rated G pa?!
Peste!
Ngayon ko lang narinig ang larong 'yun. Hindi ko nga alam kong paano nilalaro 'yun eh! Ang napansin ko lang sa larong 'yun para lang syang habulan na may twist. Kasi 'pag nahuli ka nung taya, papaluin ka ng dos por dos ni Briseis. Tsk! Grabe! Sila na talaga! Sila na ang mga weirdo!
Huminga na lang ako ng malalim bago ko sagutin ang tanong ni Sab. Kasi naman! Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya, 'YUNG KATOTOHANAN. Magsinungaling na nga lang ako. Tutal hindi naman nya malalaman.
"Hi—
"'Wag kang magsinungaling!" putol nya sa isasagot ko. Tumigil sya sa paghihiwa nung karne at humarap sa akin. Sinamaan lang nya ako ng tingin. Ngumiti lang ako sa kanya ng alanganin. Paano nya ba kasi nalaman? O kaya naman talaga na aminado sya sa ka-weirduhan ng pamilya nya?
Lumapit sya sa akin at inapakan ang isang paa ko 'tapos binatukan nya pa ako. Sakit! Ang SADISTA nya!
"Aray!" sigaw ko. Bakit ba ang hilig nilang mamisikal?! Asar! Hindi ko alam kung ano ang hahawakan ko? Ang paa ko ba o ang batok ko... Parehong masakit eh!
"Liars go to hell kaya, baka 'yung tanong ko pa ang maging dahilan kung bakit mapupunta ka sa impyerno!" inis na sabi nya sabay balik sa paghiwa nung karne. "Nga naman!" bigla nyang sabi sabay tingin ulit sa akin. "Sabi ko naman sa 'yo na umalis ka na dahil hindi ka na makakapunta sa eskwelahan mo, hindi ka nakinig ..." naka-ismid na sabi nya sa akin at nag cross ng arms.
Napakamot lang ako sa ulo ko. "Kasi naman, kawawa ka dito..." mahinang sabi ko sa kanya. Totoo naman kasi! Sya lang ang mag-isa dito kasama 'yung mga ewang bata at baliw na isip bata. Baka mapano sya kaya sasamahan ko na lang sya dito.
"Ano?!" hindi naniniwalang tanong nya. "Bakit naman ako kawawa?! Kung iniisip mo dahil sa mga pesteng batang 'yun, sinasabi ko sa 'yo..." bigla syang nag-iwas ng tingin sa akin at kumuha ng bawang. "Tama ka..." mahinang sabi nya sabay balat nung bawang at hinugasan nya 'yung bawang.
"Kasi naman eh!" banas na banas na sabi nya. Tumingin sya sa akin at inismiran ako. Problema nya! "Thank you na lang sa pagsama sa akin dito..." sincere na sabi nya. Napangiti na lang ako sa sinabi nya at napailing.
"Welcome..." nakangiting saad ko.
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
Chick-Lit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
