"Hey, soul sister..."
Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses na 'yun. Galing sa movie room. Pumasok ako sa movie room at nakita ko ang amo ko. Nasa harapan sya at nanonood ng video nila 'nun. 'Yung panahon na uhugin pa silang apat nina Skylar, Sebastian, Sab. Napakunot ang noo ko ng bigla nyang pinindot ang pause kaya dumikit ang mukha ni Sabrina sa screen na nakahawak ng gitara. Napailing na lang ako. Martyr! Gusto nya talagang masaktan!
"Spencer..." mahinang tawag ko sa kanya.
Dahan-dahan naman siyang lumingon sa akin. Binigyan nya akong ng matipid na ngiti. Nginitian ko na lang rin sya at naglakad palapit sa kanya 'tapos tumabi ako ng upo sa kanya.
Kinuha ko 'yung remote at ini-off 'yung screen 'tapos humarap sa kanya. "You miss them..." It's not a question it is a f@cking statement! Kahit naman hindi nya sabihin sa akin hindi naman ako manhid atsaka obvious na obvious naman.
Tumingin sya sa mga mata ko at umiling.
Pinigilan ko ang sarili ko na 'wag syang sakalin. Magsi-sinungaling pa eh! Pero ano kaya ang nakain ng babaeng 'to at nag e-emo sya! Si Jack siguro ang may dahilan nito kasi isa pa 'yung madrama sa buhay 'tapos palagi pa silang magkasama dahil wala lang... Trip lang ni Spencer na isama si Jack.
"Liar..." seryosong saad ko na lang sa kanya.
Ngumiti lang sya sa akin at tumingin sa screen sa harap namin.
"Miranda..." mahinang tawag nya sa pangalan ko. "Am I..." hindi nya natuloy ang sasabihin niya at bigla nya akong yinakap ng mahigpit. Narinig ko siyang napahikbi habang humihigpit 'yung pagkakayakap nya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako. KADRAMAHAN!
"Shhh... Tahan na..." alo ko sa kanya habang hinahaplos ang buhok nya.
"Miranda... I miss them..." parang batang sabi nya. I want to scold her. Pero mas nangingibabaw ang awa ko sa babaeng 'to. "I miss mommy-nanay at daddy-tatay pati na rin 'yung tatlong engot nyang mga anak." Humihikbing sabi nya.
I just rolled my eyes sa sinabi nya. 'Yun lang ba ang inaarte nya?! Kasalanan rin naman nya ang bagay na 'yan eh. "Spencer, kung babawasan mo ang mataas mong pride..." hindi ko na lang tinuloy ang sasabihin ko dahil ayokong mas lalong umiyak 'to. May meeting pa sya mamaya at ayoko na namamaga ang mga mata nya habang nakikiusap sa mga taong 'yung atsaka sobrang mahalaga ang meeting na 'yun para sa kanya at isama na natin 'yung tatlong engot na sinasabi nya. Pati na rin pala 'yung sampid na si Jack!
"Pero kasi si Sebastian... Pagtatawanan naman kasi ako ng isang 'yun kung gagawin ko 'yun..." Kahit hindi ko nakikita ang mukha nya alam kung nakanguso sya. "Atsaka si Sab... malalaman nya ang totoo..." mahinang saad nya. Nagdugtong tuloy ang kilay ko. Sabrina na naman!
"Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang totoo?" seryosong tanong ko sa kanya. Naiinis na rin ako kay Sabrina ha! Isipan ba ng masama ang amo ko? Alamin nya kaya lahat ang nangyari bago sya mag-isip ng kung ano!
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
Chick-Lit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
