Chapter Eighteen

4K 104 9
                                    

"Akala ko ba ka-department lang na 'tin ang kasama, bakit nandito kayo Stanly at Jules?" tanong ko agad sa kanila pagkababa na pagkababa nila sa kotse ni Steven. Ang kapal talaga ng mukha ng dalawang 'to! Kainis!

Nasa loob lang ng kotse nya si Steven na tingin ko ay may pinapanood. Napailing na lang ako!

"Well, pinasama kami ng mga dyowa namin..." nakangiting sagot ni Stanly. Ahh Ganun?! Napaupo na lang ako sa harapan ng kotse ko. Bwisit! Gusto ko pang matulog! Inaantok pa ako! Matagal kasi akong nakatulog kagabi, Sino ba kasing makakatulog sa sinabi ni Sabrina?

'Someone to destroy'

Palagi 'yang nagpe-play sa utak ko kagabi kaya mga ala-tres na nga yata ako nakatulog dahil doon. I'm not scared sa pinaplano ni Sabrina... I'm scared na baka mapahamak sya sa pinaggagawagawa nya pero alam ko naman na kung pipigilan ko sya, kakalabanin nya ako. Kaya ang dapat gawin ko na lang ay suportahan sya... At i-secure ang kaligtasan nya... Kainis! Parang tumutunog gangster kaming dalawa ah!

Sya ang boss ako ang butler nya! Kainis!

"Cap, wala na ang nanay mo?" tanong sa akin ni Stanly... Napakunot naman ang noo ko sa tinanong nya.  Agad na napalingon ako sa kanya. Nasa tabi ko na rin kasi sya at nakasandal sa kotse ko...

"Paano mo  nalaman na nandito ang mommy ko?" tanong ko sa kanya. Wala naman kasi akong na-kwento sa kanila na nadito si mommy... Atsaka Wednesday pa lang kaya ngayon kaya hindi sila pwedeng pumunta sa bahay namin. Kasama kasi 'yun sa condition ng kontrata nila bilang isang katulong namin!

Tumingin lang sya sa akin "FB!" sagot nya. "Post kaya ng post ang mommy mo..." Ah ganun? May FB pala ang mommy ko... Hindi ko alam 'yun ha...

But, speaking of mum, isa rin sya sa dahilan kung bakit wala talaga akong tulog... Ginising nya kasi ako kanina mga alas kwatro ng umaga para ihatid sya sa airport. The hell! Akala ko 3 days ang stay nya dito... eh 2 days pa lang naman sya nandito eh. Sinabi nya kasi pinapasunod na sya ni Daddy sa Singapore kaya ayun hinatid namin sya ni Sabrina sa airport.

Oo kaming dalawa ni Sabrina!

Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa utak ng babaeng 'yun at sumama-Ay tama! Alam ko pala! Alam ko kung bakit sya sumama sa akin. Pumunta kasi kami sa isang maliit na tindahan kanina malapit sa isang malaking mall 'tapos may kinuha syang mga gamit doon. Tinanong kung ano 'yun... Pero tinitigan lang ako ni Sabrina 'tapos tinaasan ng kilay kaya ayun! Hindi ko alam kung ano 'yun.

Hindi naman literally na kinuha, binigay sa kanya nung isang matandang lalaki! Hindi ko alam, basta ng pagkababa na pagkababa nya sa kotse agad na lumapit 'yung matanda sa kanya kasama 'yung isang babae na parang kasing edad ng mommy ko 'tapos binigay sa kanya 'yung maliit na maleta...  

"Cap, ang tagal ni ga--" agad na tinitigan ko ng masama si Stanly kaya hindi nya natapos 'yung sasabihin nya... "Sabrina..." nakangiting dugtong nya. "Ang tagal ni Sabrina..." sabi nya ulit. Umalis sya sa kotse ko at tumabi kay Jules na ngayon ay busy sa pagte-text!

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon