Luke's POV
"Cap, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Teban. Tumingin lang ako sa kanya. Ako, okay?
Hindi ko alam!
Sa lahat ng sinabi ni Corin kagabi. Ako magiging okay? Inisip ko ng inisip ang sinabi niya. Ina-analyze ko inenterpret ko. At isa lang ang naging sagot ko. Sinungaling sila! Tsk! Umasa ako! Naniwala ako! 'Tapos ano, viola! Hindi pala totoo ang engagement namin!
Ang tanga ko kasi!
Alam ko pa lang simula pa lang nung sinabi sa akin ni Sab kung ano ang rason niya kung bakit niya akong gustong pakasalanan. Bigyan ko daw siya ng easy life. Siya ang magiging first lady ko dahil sisiguruduhin niyang magiging CEO ako ng kompanya ng magulang ko! Tsk! Hindi kapanipaniwala! Sinong matinong tao ang mag-iisip ng ganun? Buhay niya ang nakasalalay at pagkatao niya! Wala din ang pamilya niya ng araw na 'yun! Well, I thought wala na siyang magulang pero meron pala. May mga kapatid nga siya eh! Pamangkin nga din meron siya!
Pero bakit naniwala ako sa sinabi niya? Bakit pinanghawakan ko 'yun?
I just couldn't help myself!
Parang may bagay kasing nagtutulak sa akin na gawin 'yun, ang maniwala sa kanya.
And then, nakasama ko siya. Nakilala ko kung sino si Sabrina Xenon Leron Buenavista! And I did enjoy her company. Yeah she is mataray at palautos pero may something sa kanya na hindi ko mawari kung ano.
I wanted to walk next to her, watching her smile hear her incredible and out of the world punchlines! And then, I just found myself, falling in love with her.
I never felt this feelings to Leila before. Its strange! Ilang taong kaming magkakilala at isang taon kaming nagkasintahan pero iba 'yung nararamdaman ko kay Sab.
But this is so one-sided and it is really sucks!
Napangiti na lang ako ng mapakla.
Kung pinakita ko ba sa kanya na gusto ko siya, may magbabago ba? Tsk! Hindi pa nga ako nakakagawa ng move, talo na ako eh!
Mas magmumukha lang akong tanga kapag ginawa ko 'yun! Bakit, hindi nga totoo ang engagement diba? At isa pa na-realize ko, laro lang pala 'tong lahat kay Sabrina! Why? Dahil kung seryoso siya sa sinabi niya noon, why would she let Corin enter our life? Ginulo niya ang buhay namin! She distract me from my studies and higit sa lahat, kung totoo ang sinabi niya, bakit, kahit kailan, hindi siya lumapit sa akin at nagtanong tungkol sa wedding namin!
Malapit na akong grumaduate. Ilang araw na lang. Dapat busy na siya sa engagement preparation. Pero baki ganun, habang palapit na palapit ang araw, tumataliwas ng tumataliwas ang sitwasyon namin at lumalayo sa salitang kasalanan?!
Love really sucks huh!
At para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko, why begin it with paglayo kay Sab... Dun na muna ako mag s-stay sa condo ko.
-----------
Sab's POV
"Sab!" gulat na bati sa akin ni Mel. Wow! Nakilala niya ako. I am wearing a bandana kasi 'tapos naka sun glasses pa ako! Nahihiya kasi ako, baka may makakita sa akin at masabihan pa akong may something wrong sa utak ko. Alam niyo na, sakit ng pinoy. Magpa-counseling lang, baliw agad! Diba pwedeng naghahanap lang ng matinong advice na hindi kayang ibigay ni google! Tsk! By the way, Mel is our butler before. At ngayon isa na siyang pyschologist! Yup! Magpapa-counseling ako-halata naman! At nandito ako para klaruhin ang takbo ng utak ko!
"Hello." seryosong sabi ko sa kanya. Binuksan niya ang pinto ng clinic-clinic ba ang tawag nito?! Kasi diba kapag nasa school sila, guidance office ang tambayan nila pero wala kami sa school eh, kaya siguro clinic nga! Pumasok ako at nagmamadaling umupo sa may upuan. Tinanggal ko ang bandana ko pati na sun glasses ko. Ghad! Ang init pala kapag gumet-up ka ng ganito!
"Bakit ka nandito?" magalang na tanong niya sa akin. Napangiti ako. Tama ang naging desisyon kong magpunta dito! Siya lang kasi ang masasabi kong matino sa mga butler namin dati!
"Expert ka ba sa love?" walang paligoy-ligoy na tanong ko sa kanya. Napatulala lang siya sa akin at tumitig sa mukha ko. Parang gulat na gulat siya ah!
"Love?" ulit na tanong niya. "Inlove ka?" tanong niya. Nanlaki ang mata ko at padabog na tumayo 'tapos hinampas ang mesa niya! Nagulat siya sa ginawa ko.
"Hoy, hindi!" mabilis na sabi ko. "My new found friend is." ngumisi lang ang isang 'to! Damn! Mali yata ang naging desisyon ko! Tiyak na pag tsi-tsismisan ako ng mga butler ko dahil dito! May contact pa kasi sila eh!
"Sino naman ang new found friend mong 'to?" nakangiting tanong niya. Damn! Napasapo ako sa noo ko. I made a wrong move! Bakit ba kasi rumeact ako ng ganun? 'Yan tuloy, nabuking! Tss! Pero, hindi ko aaminin noh! Mamatay na ang lahat, basta hindi ko aaminin sa kanya! Atsaka, HINDI NGA AKO INLOVE! Bwisit!
"Kalimutan mo na lang ang sinabi ko..." sabi ko sa kanya sabay tayo at tumalikod sa kanya. Damn! Walang matino sa kanila! Walang matino sa mga butler namin! Nakakainis sila! Asar!
"Sab!" tawag sa akin ni Mel. Napatigil ako at lumingon sa kanya.
"What?" hindi siya sumagot imbes ay may tinapon siyang isang maliit na notebbook. Kinatch ko 'yun!
"Ano 'to?" tanong ko sa kanya.
"It is a guide para malaman ng kaibigan mo kung inlove na ba siya." sabi niya. Tsk! Tiningnan ko ang loob ng notebook at ganun na lang ang pagkagulo ko sa nakita ko.
1. Denial
2. Anger
3. Bargaining
4. Depression
5. Acceptance
Maang na napatingin ako sa kanya.
"Stages of loss and grief to ha..." sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at tumango. Tsk! Ano bang tingin niya sa akin, mukhang namatayan? Confuse lang ako? Confuse? Tama ba ang word ko? Asar! Nabobo na yata ako! Argh! Nakakahawa siguro talaga ang pagiging bobo! Lumalyu-layo nga ako kay Corin!
"Listen to me, Sabrina Xenon Endonable Buenavista..." tawag sa akin ni Mel. Tumingin ako sa kanya. "Goodluck sa kaibigan mo..." nakangiting sabi niya.
"Asar ka!" inis na sabi ko sa kanya sabay irap sa kanya. Why my mother hired them? Wala naman silang ginagawang matino! Kaya nga siguro may saltik kami sa utak dahil iba't ibang ugali ang nakakasalamuha namin at nahahawa kami sa kabaliwan nila! Asar!
Mabilis na umalis ako clinic niya.Napatingin ulit ako sa notebook na binigay niya. Binasa ko ulit ang laman nun.
1. Denial
2. Anger
3. Bargaining
4. Depression
5. Acceptance
'Yan ang nakasulat sa first page. Inilipat ko sa ibang page pero nakakainis walang laman! Inis na pumunta ako sa huling page at may nakita akong isang note-mga tanong pala
Mahal mo ba talaga siya?
Kaya mo bang makitang may kasama siyang iba maliban sa 'yo?
Ano ang pipiliin mo, pangarap mo o siya?
Ipagpalagay mo, hindi ka niya mahal anong gagawin mo?
Kung mahal mo siya, ano ang gagawin mo para mahalin ka rin niya?
Tsk! Ang daming arte! Bahala nga siya! Wala akong maintindihan sa sinulat niya!
"Wala bang matinong tao ang pwedeng mag-advice sa akin kung ano ang inlove na 'yan?!" inis na tanong ko!
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
ChickLit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
