"SAB, seryoso ka ba talaga dito?" kinakabahang tanong ko sa kanya.
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin 'tapos tinitigan ako. Maya-maya lang ay ngumiti siya sa akin. "Don't tell me, natatakot ka?" natatawa niyang tanong sa akin.
"No!" mabilis na sagot ko sa kanya sabay iling at tumingin sa gate na nasa harapan namin. Ako, takot? Tumingin ako sa naglalakihang aso na nasa loob ng gate. Napalunok ako. Well, sort of! Kasi naman, what if lapain kami ng mga aso na 'yan?! Damn it! Damn it! Note to myself, 'wag painumin ng nalalasing na inumin si Sab. Kung anu-ano kasi ang trip!
Saan kami ngayon?
Well, nasa harapan kami ng bahay ni Spencer ngayon. Yup! Si Spencer na pinsan ni Sab! BUT! Hindi ako ang may kasalanan nito. Promise, hindi ako nagsulat sa pangalan ni Spencer sa 'naughty list' niya... Napatingin ako kay Sab. SIYA ang may sala! Siya kaya ang nagsulat sa mga papel na 'yun. Yeah! Siya! Wala kasi akong naiisip na pwedeng isulat sa mga papel na 'yun-Actually, meron pero hindi ko sinulat. Call me stupid, dahil may chance akong gantihan ang mga taong nanakit sa akin, pero hindi ko grinab ang chance na 'yun! Oo ako na gago!
But Sab, in the other hand, na ewan kong saan-saan nakukuha ang mga bagay na naiisip niya. Ayaw talagang magpaawat. Sabi niya kung wala akong maisulat, siya na lang daw kasi may mga tao siyang pasasalamatan at gagantihan 'tapos may gagawin daw siya ngayong gabi. Hindi na niya sinulat sa mga papel ang gagawin niya o sino ang mga taong pasasalamatan niya basta pinabitbit niya sa akin ang sako na nasa likuran namin.
"There she is..." rinig kong sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Nakita ko siyang nakangiti habang titig na titig sa may harapan niya. Tumingin ako sa tinitingnan niya. Nakita ko si Spencer na kasama si Miranda'tapos may sumunod pang isang babae. "What the hell?!" sigaw ni Sab kaya hindi nakapagtataka na tumingin iyong tatlo sa amin.
Mabilis na hinila ko siya pababa!
"Damn it! Damn it! Anong ginagawa niya dito?!" rinig kong sabi niya. Napahawak siya sa magkabilang pisngi niya at umiling-iling. Hey... Anong nangyayari sa kanya? "Nailigpit ko na siya ha!" dugtong niya "Peste ka talaga Kim!" inis na sabi niya sabay sabunot sa buhok niya at kalmot sa psingi niya.
"Sab!"dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Damn! She looks terrible! Para siyang nag-board exam na hindi nakapasa! Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi at inalis doon. Napatitig siya sa akin. "Anong nangyayari sa 'yo?" concern na tanong ko sa kanya.
"Bumalik ang dating maid ko..." mahinang sabi niya. Huh? Dating maid? Teka matingnan ulit... Sisilip sana ako para matingnan ang isa pang kasama nina Spencer na maid daw ni Sab dati ng biglang hinawakan ni Sab ang kamay ko at hinila ako paalis dun. Hindi ko alam kung bakit ang bilis naming makabalik sa kotse ko. Knowing na sampung minuto ang pagpunta namin dun. "Baliw ka ba?!" inis na tanong niya sa akin. Napatitig ako sa kanya. "If Spencer... If Spencer saw you, alam mo ba ang gagawin niya?!" sigaw na tanong niya sa akin sabay suntok sa dibdib ko 'tapos tumalikod sa akin.
"Sab..." tawag ko sa kanya.
"Spencer will ... She... Tatawag siya ng pulis at sasabihin niya stalker ka 'tapos sisiguruduhin niyang magmumukha ka talagang stalker at tingin mo, hindi niya ako idadamay?" lumingon siya sa akin at nag-pout.
"Sasabihin niyang inutusan kita na i-stalk siya kaya wala akong magagawa kundi ilaglag ka at sabihin hindi kita kilala..." naka-pout na sabi niya. Napanganga ako sa sinabi niya. Iiwan niya ako sa ere? No! Ilalaglag daw niya ako! Humarap siya sa akin at pinameweyngan ako. Wow! Unbelievable! I thought... Aish! "Luke, you have to know..." sabi niya kaya tumingin ako sa kanya. Nakita kong nakataas ang kanang hintuturo niya. "Spencer, may look an angel but she's not." Tsk! Well, I know. Hindi ko makakalimutan ang ginawa niya noon ha! NAKAKADALAWA NA NGA ANG BABAENG 'yun sa akin!"Lastly, may tatlong uri ng tao ang nakatira sa bahay namin, mga taong mukhang mabait pero hindi, matutulungin pero hindi at higit sa lahat, sinungaling kaya be careful to Spencer kasi ang mga taong tinutukoy ko ay 'yung mga taong nasa paligid niya...." at doon ako napatitig sa kanya. Mga taong nakapalibot sa kanya? You mean... mga butler nila? O baka pati rin siya...
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
Romanzi rosa / ChickLit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
