Chapter Thirty

3.1K 69 12
                                        


Luke's POV




~ "Mother finger,mother finger, where are you? Here I am. Here I am. What should I do?"~ I just rolled my eyes. Nakakarindi! Ilang beses na 'yang kinakanta ni Corin?! Hindi ko alam kong bakit, pero naiinis na ako! Gusto ko syang itulak palabas ng kotse ko!


Napatingin ako kay Sabrina ng bigla nya ang hinila ang dulo ng t-shirt ko.


"Hmm?" Tumingin ulit ako sa kalsada baka mabangga kami. At wala akong balak mamatay kasama si Corin?! Baka hindi kami sa impyerno o langit mapunta, sa MENTAL! Ikukulong kami doon dahil hindi kami makakapasa sa dalawang lugar na 'yun!

"Hindi 'yan titigil hangga't hindi tayo makakarating sa pupuntahan na 'tin." Sagot nya sa akin. Bigla nyang nilagay sa kanang tenga ko 'yung earphones nya 'tapos tumingin sya sa kalsada. Napangiti na lang ako.


Hindi ko alam kong bakit ako napangiti. Dahil ba sa tugtog nyang pangsimbahan na ang title ay 'Hosana' o dahil sa ginawa nya.. o 'di kaya both! Pero, thanks, dahil dun, kahit kaunti ay nabawasan ang inis na nararamdaman ko kay Corin.



Hindi ko kasi masakyan ang trip nya!




Papunta kasi kami sa bahay ni Corin. Yup! May bahay ang babaeng 'to! Nag-suggest ako na doon na lang sa bahay nina daddy at mommy tutal wala naman sila doon. Nakakatakot kasi sa bahay na tinitirhan namin ni Sabrina. Baka bigla na lang may mahulog doong kahoy at maging sanhi pa ng kamatayan namin.


Pero hindi pumayag si Corin dahil gusto daw nyang ipakita sa 'Rina-sama' nya ang bahay na pinaggawa nya! Gusto daw nya kasing patunayan na pwede na syang mabuhay mag-isa! Na hindi ako naniniwala na pwede syang mabuhay mag-isa! Kaya eto kami ngayon!



Nag-ro-roadtrip!



Nag-ro-roadtrip sa kawalan! Puro kahoy at talahib lang ang nakikita ko eh! Asar! Sa loob ng APAT NA ORAS na pagbyahe namin, nagbabyahe pa rin kami! Siguro, dalawang araw pa kami mag ro-roadtrip bago kami makarating sa bahay nya na tingin ko ay gawa-gawa lang nya!



Hindi sa wala akong tiwala sa babaeng 'to, pero kanina pa ako drive ng drive at 'pag tinanong ko kong malapit na ba kami sa bahay nya, sagutin ba naman ako 'I don't know, mag-drive lang po kayo, nasa tabi-tabi lang 'yung bahay ko.'


ASDFGHJKL!



Napahinga na lang ako ng malalim. Naalala ko tuloy 'yung sinabi ni Sabrina.



'Magaling mag-track si Corin...'



Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon