Chapter Eleven

4.5K 120 7
                                        

"Babye..." nakangiting paalam ni Sabrina sa kanila.

Kumaway lang sila sa kanya at agad na tumalikod at lumabas ng gate namin. Napailing na lang ako. Mga baliw talaga sila. Agad namang tumalikod si Sabrina ng makaalis na sila. Hinawakan nya ang kamay ko 'tapos hinila papasok sa bahay.

"Helper...Check!" rinig kong sabi nya. "Every Saturday lang sila maglilinis sa bahay kaya..." Huminga ng malalim si Sabrina. "Ako 'yung maglilinis!" nakatinging sabi nya sa akin. 

"Plinano mo talaga 'to no?" nanghihinalang tanong sa kanya.

Tumingin sa akin si Sabrina. Then she smirked. "Hindi naman..." sagot nya. "Ipapatikim ko naman talaga sa kanila ng specialty ko..."

Napa-smirk rin ako sa sinagot nya. Nagluto kasi sya ng isang Italian food kanina, hindi ko alam kung ano ang pangalan nun. Wala kasi akong ganang makinig sa usapan nila kanina. Tungkol lang naman kasi kung ano ang oras sila manglilinis, magkano ang sweldo nila, at  kung saan sila maglilinis. Agad kasi silang tinanggap ni Sabrina eh. 

"You are lying..."

Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng loob ko ngayong kalabanin sya. Kasi siguro, tingin ko, sumusobra na sya. Pinaglalaruan nya kasi ang mga kaibigan ko. Alam nyang may gusto ang mga kaibigan ko sa kanya kaya ginagamit nya 'yun para gawin nila ang gusto nya.

Nakakalokong nginitian nya ako. Lumapit si Sabrina sa akin. Huminto ito ng isang metro ang layo nya sa akin. Hinila nya ang colar ng t-shirt ko para magkalevel ang mukha namin at inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko na parang isang dangkal na lang ang layo... "You are right! Pero ano ang magagawa mo? Sila na mismo ang nag-volunteer na maging helper na 'tin. Atsaka hindi naman libre 'yung serbisyo nila, may sweldo sila." binitawan nya ang collar ko at tumalikod sa akin. Umupo sya sa isang upuan at tinitigan lang ako.   

"Bakit mo 'yun ginawa?" may bahid ng galit ang boses ko.

"Nakita ko kasi 'to..." pinakita nya sa akin ang test paper ko sa Math 501. Saan nya nakuha 'yun. Iwinagayway nya 'yun 'tapos hinulog sa mesa. "Diba nag-promise ako, na mawala na 'yung second deal na 'tin, pag nakapasa ka sa exam mo? Well, hindi lang naman kasi pasa ang ginawa mo, na-perfect mo ang exam..." seryosong sabi nya "Kaya alangan naman na ako ang gagawa ng mga gawaing bahay kaya nag-post ako sa labas ng 'WANTED: Helper' sa labas, malay ko ba na mag-aaplay ang mga kaibigan mo..."

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon