Years Ago
"HOY bata!" napatingin ako sa likuran ko ng may biglang sumigaw. Nakita ko na naman sya. Si Sebastian Jude Endonable Buenavista. Nakausap ko sya kanina sa loob ng mansion ng mga Qantana at kinulit ako. Tanong kasi ng tanong kung bakit pang-waiter ang suot ko. Sinabi ko naman dahil trabaho ko ang pagiging waiter pero hindi sya naniniwala at nag recite ng Article tungkol sa Children's Right!
Pambihira!
Edi sya na ang matalino!
Umalis na nga ako para hindi ako makita ng tatay-tatayan ko na nakikipag-usap sa lalaking 'to! Oras ng trabaho kaya dapat lang na magtrabaho ako. Eh, sumunod naman sa akin 'tong batang 'to dito sa kusina.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Hindi kasi sya pwede dito. Kapag nakita sya ng tatay-tatayan ko dito. Lagot na naman ako! Papaluin na naman ako nun!
"Sinundan kita!" cool na sagot nya. "Pwede ba iwan mo na lang 'yang trabaho mo at kausapin mo na lang ako buong gabi?!"
"Hindi pwede! Magagalit sa akin si pa- Sir Qantana!" inis na sagot ko sa kanya.
"Bakit sir ang tawag mo kay Sylvestre? Diba tatay mo sya?" nagulat ako sa tanong nya. Paano nya nalaman?
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
"Adopted nya lang ako..." sagot ko sa kanya. Kaya 'Sir' ang dapat na itawag ko sa kanya. Hindi naman kasi nya ako inadopt dahil gusto nya ng anak, gusto lang nya na maipakita sa buong mundo na RESPONSABLE syang tao. Na kaya nyang maging ama at magaling na businessman.
"Eh?!" hindi naniniwalang wika nya. "Bakit 'yung kakambal mong si Stephan tawag sa kanya daddy?" tanong nya ulit.
Napatitig ulit ako sa kanya. Bakit ang daming alam ng batang 'to?! Oo bata! Siguro mga apat na taon ang tanda ko sa kanya. At kanino nya naman siguro nalaman 'yun? Ang bata-bata nya pa para maging tsismoso!
"Gulat ka no?" nakakalokong tanong nya. He smirked. "'Wag kang mag-aalala hindi ko sasabihin na may kambal si Sephan at isa syang waiter!" nakangiting sabi nya pero mabilis din 'yung nawala at biglang nagseryoso. "I have an offer to you..." Napatitig lang ako sa kanya.
Bipolar yata 'to eh!
"Ano?" wala sa sariling tanong ko sa kanya.
"I have a little sister her name is Xenon... She is three years old now..." sabi nya. Pakialam ko sa kapatid nya.
"Ano naman ang kinalaman nya sa offer mo?" tanong ko. Kinuha ko 'yung tray na lalagyan ng baso na may lamang wine. Kaysa makipagkwentuhan ako sa batang 'to, gawin ko na lang 'yung trabaho ko.
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
Chick-Lit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
