Sabrina's POV
Inis na napalingon ako sa likuran ko ng biglang tumawa si Corin. Bwisit! Hindi ba nya ako dadamayan? Itapon ko kaya sya pauwi sa mansyon namin?! Kainis 'to!
"Rina-sama joke po 'yun noh?!" nakangiting tanong nya sa akin. Tinuro nya pa ako. Inis na tumayo ako at lumapit sa kanya. Binatukan ko sya ng sobrang lakas. Naiinis na ako sa kanya ha! Gagang 'to!
"Corin Smashfield! Tingin mo, iiyak ba ako kung hindi ako seryoso?!" galit na tanong ko sa kanya.
Bwisit! Bwisit! No! Ayoko! Ayokong umuwi ng bahay! Ano na lang ang mukhang ipapakita ko sa mama ko?! Asar! Ayoko talagang umuwi! AYOKO!
Kasi naman si Lukas eh! May deal pang nalalaman! Kaya ito ako ngayon! KAINIS! BWISIT!
Kasalanan ko rin naman eh! Nagmamagaling kasi eh! Aish!
Hinawakan ni Corin ang ulo nya at binelatan ako. Napasinghap ako Aba't! "Hindi ako naniniwala na uuwi tayo eh! Kasi bakit naman po tayo uuwi? Dahil ba may tinatakbuhan ka? Eh hindi naman po tayo runner? Hindi tayo si Mayweather!!" Napatitig ako sa mukha nya.
Runner?
Ako?
NO WAY! I'm just... Ano nga ba?
"Atsaka isa pa, Rina-sama, kailan pa po ba kayo naniwala kay Lukas?" inosenteng tanong nya. Napalunok ako sa sinabi nya. Tama sya! Kailan ba ako naniwala sa matandang yun? Maybe I was his vice president. Pero matagal na panahon na 'yun. At ngayon, ang bagay na nagko-konekta sa amin ay si Luke!
"Baka ma-Mayweather na naman tayo dahil kay Lukas, Rina-sama ha! Kasi hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa nya noong nasa Las Vegas tayo. Ikaw 'yung naka-close ng deal, pero sya ang naging sikat! Kaya 'wag po kayong maniwala doon!" nakangiting sabi nya! Habang winagayway ang kamay nya. Kainis! Parang pinapangaralan nya ako ha!
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
Chick-Lit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
