Luke's POV
"AHERM!" napakunot ang noo ko ng marinig 'yun. Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko at ganun na lang ang gulat ko ng makita ko si Corin na nakasuot ng kulay white dress na hanggang tuhod niya t anong tawag sa bulaklak na nasa ulo niya na parang head band. "Luke, what do you think sa suot ko?" nakangiting tanong niya. Tinitigan ko lang siya ulo hanggang paa at tumingin sa mukha niya.
"Okay lang..." sagot ko sa kanya. Mukha kang tao... Sarap idugtong! Tumitig lang siya sa akin at ngumiti ng matipid.
"'Yun lang..." dry na sabi niya. "Wala ka na bang ibang sasabihin?" tanong niya sa akin at ngumiti ng tipid 'tapos ay seryosong tumingin sa akin. Napatitig ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Bakit parang may pinupunto siya sa sinasabi niya at may inaasahan siyang bagay sa akin? Tsk! Baka ako lang ang nag-iisp nun! Tumingin kay Corin ulit. Nakatitig siya sa akin habang nakangiti! Creepy! Ano naman kaya ang iniisip nito? Napabuntong hininga na lang ako.
Umiling lang ako at narinig ko siyang huminga ng malalim. Tsk! Ano ba ang gusto niyang marinig sa akin? Psh! Wala kaya akong oras sa kanya. Kasi, hanggang ngayon hindi pa umuuwi si Sab. Asan na kaya ang babaeng 'yun? Nakainom pa naman 'yun? Baka na-ape na 'yun! Damn it! Sab! Kinuha ko ang cellphone ko. Tsk! Hindi man lang nag reply sa mga text ko! Galit pa rin ba siya sa akin? Nakakainis ha! Ano ba kasi ang nagawa ko?! Napatingin ako kay Corin. Baka ang isang 'to alam kong saan pumunta si Sab!
Kumunot ang noo ko ng bigla siyang ngumuso at parang may binubulong. "I think, hindi mo alam... Baka!" malungkot na sabi niya sabay yuko. Kung gaano kabilis ang pagyuko niya ganun din ang pag-angat ng mukha niya at tumingin sa akin. "Si, Sab, saan siya?" nakangiting tanong niya. Napatitig ako sa mukha niya.
Sab?
Dahan-dahan nanlaki ang mata ko!
Shhhhhhhhhhhhhhhhhhhhiiiiiiiiiiiiittttttttttt!
What the hell?!
Sab?
Tama ba ang rinig ko?
Sab ang tinawag ni Corin kay Sab?!
"I miss Sabrina..." mahinang sabi ni Corin. Damn! "Asan na ba kasi siya Luke?" pang batang nag tatantums na tanong niya sa akin. Napatitig ako sa kanya. Luke? Okay. May pinaplano yatang hindi maganda ang babaeng 'to! The last time na ganito ang tawag niya sa amin ni Sab, inuto niya ang mga kaibigan ko para maubos ang ticket na binebenta niya... I need to be..... vigilant?
"Sa lugar na wala ako..." alanganing sagot ko sa kanya. Well, 'yun naman ang sinabi niya kagabi eh!
"Talaga?" malungkot na tanong niya sa akin at tumingin sa gilid niya. Ako lang ba o ako lang ba talaga, I'm having a normal conversation with Corin?! As in normal conversation with Corin Smashfield a.k.a. tanga, eng-eng, baliw na maid ng fiancée ko?! "Isasama ko pa naman si Sabrina sa lakad ko ngayon..." Nanlaki ang mata ko. The hell! Sabrina talaga ang tawag niya! Ano kaya ang nakain niya at hindi na niya nilalagyan ng 'sama' sa hulihan? Siguro na-realized na mukha siyang engot kapag sinasabi niya 'yun! Like, hello! PILIPINO siya hindi JAPANESE!
"Ahmmm, ano, Luke..." tawag niya sa akin kaya tumingin ako sa kanya. "Malayo ba ang lugar na wala ka, pwede bang puntahan na lang natin si Sabrina?" inosenteng tanong niya.
ASDFGHJK!!
Napamaang ako sa tinanong niya!
Hindi rin! Hindi kami magkakaroon ng normal na usapan ni Corin.... Baka ano, may sakit lang ang eng-eng na 'to kaya mukhang nomal!
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
ChickLit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
