Sabrina's POV
"Hoy! Papasok ka ba o hindi?" inip na tanong sa akin ni Lass. Tinitigan ko lang sya ng masama. Bwisit to!
"What?!" natatawang tanong nya sa akin. "Mukha kang tanga eh!" sabi nya sa akin sabay gulo ng buhok ko.
"What the hell Lass?!" inis na sabi ko sa kanya sabay tapik ko sa kamay nya na nasa ulo ko. Kainis naman kasi eh! Nag-ayos ako para sa araw na 'to 'tapos guguluhin lang nya ang buhok ko?! Gago ba sya?! Aish! Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa building na nasa harapan ko.
"Wag kang pakalat-kalat sa opsina ko!" napailing na lang ako ng maalala ko 'yun. Bwisit! What if nasa loob si Spencer? Ano ang gagawin nya sa akin?! Kainis naman kasi si kuya eh! May bahay naman sila, pero bakit umuuwi pa rin sya sa bahay namin? Kaya ito ngayon ako, nandito sa harapan ng building nila at hinihintay sya. Hindi ko sya nakita kagabi sa bahay nila eh, si Lass lang. Kinuha nya kasi ang bobong 'to bilang bodyguard nya.
"Xenon..." nanigas ako bigla ng may tumawag sa pangalan ko. No! No! No! Napalunok ako! Wrong timing!
"Hala! Si ma'am Storm...." rinig kong sabi ni Lass.
Ate Storm?
Napangiti ako bigla. SAVIOR!!! Akala ko kasi si mama 'yung tumawag sa akin hindi naman pala!
Yes !
Hay... Nakakahiya ako! Hindi ako pamilyar sa boses ng sarili kong nanay ! Tsk ! Tsk!
Nakangiting humarap ako kay ate Storm, ang asawa ng magaling kong kuya Skylar. "Ate..." nakangiti kong bati sa kanya sabay takbo palapit sa kanya 'tapos yumakap ng mahigpit.
"Xen..." natatawag sabi nya. "Nagkakalaman ka na..." sabi nya sa akin habang pinisil-pisil ang braso ko. Napangiwi naman ako sa sinabi nya. So ano ang tingin nya sa akin noon, payat? Tss! Hay! Hay... Kainis! "Napasyal ka yata sa opisina?" tanong nya bigla sa akin sabay haplos sa buhok ko.
Napalunok ako.
"Ano... Kasi..." kumalas ako sa yakap nya at nahihiyang tumingin sa kanya-Pero sa loob ko, ngumingiti ako ng bongga! Ito ang tinatawag na ASSURANCE! Hahaha! Gagamitin ko si ate Storm para kumbinsihin si Kuya na gawin ang lahat ng GUSTO ko!
Kinagat ko ang ibabang labi ko at 'nagpakaawa-awa' look.
"Gusto kong makausap si Kuya..." nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Gosh! Sinungaling na nga ako, 'tapos ngayon, manggagamit pa. Hay... Bahala na nga. "Kaso... Si Spencer pinagbantaan nya ako na 'wag daw akong pakalat-kalat sa opsina nya..." sumbong ko sa kanya. Ngumiti lang sa akin si ate Storm.
"Well, Sabrina Xenon this is your lucky day!" masayang sabi nya. Eh? Bakit? "Spencer is not around. May lakad sila nila Miranda..." napakunot ang noo ko.
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
ChickLit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
