Chapter Fifty-two

1.1K 32 7
                                    


"Rina-sama!" sigaw ni Corin sa baba ng bahay ko! Inis na tiningnan ko kong saan nagmula ang boses niya! Damn it! Ilang beses ko bang sinabi sa kanya na kapag ala-una na ng hapon hanggang alas-singko, bawal akong istorbohin?! It's my watching teleserye time! Bwisit! Umirap lang ako kahit wala siya dahil nasa baba siya-nasa labas ng bahay ko at nagwawalis! Hindi ko alam pero something's change to Corin. Kasi, sa pagkakatanda ko, hindi naman siya nag-cle-clean ng bahay kapag hindi pay day... Well, kung ano man ang nakain niya, I'm thankful. Hindi na ako maghahanap ng magta-trabaho sa trabaho niya.  Nice!

Tinuon ko na lang ulit ang atensiyon ko sa telesryeng pinapanood ko. Fuck! Ang tanga nung girl! Hindi niya ba napapansin, niloloko siya nung boy?! Argh! Mamatay sana silang dalawa!

"Oh my God!" sigaw ko ng makita kong sinundan nung babae ang boyfriend niya. Ha! Humanda ka ngayon lalaki, malapit ng matapos ang masasayng araw mo at ng bwisit mong 2nd girlfriend! Hindi ko alam na magusgutuhan ko ang mga 'to! Ang gusto ko ay 'yung mga mystery, suspense at horror hindi ganitong mga peste!

"Argh!" inis na sigaw ko ng biglang lumabas ang mukha ni Alden Richards at pesteng prino-promote ang Neozep! Damn it! "I will kill you Alden!" inis na sigaw ko sabay sipa nung TV ko. Buti lang talaga at hindi China made ang TV ko kaya yumugyog lang siya at hindi nasira! Inis na nilipat ko sa ibang station ang channel. Well, kung commercial pa, pwede kong panoorin 'yung pinapanood kong teleserye sa kabilang istasyon! 


"Rina-sama!" napatigil ako sa paglipat ng channel ng marinig ko 'yun. Again? Aish! Napapiling na lang ako at tinuloy 'yung paglipat ng channel! "Rina-sama! Yuhoooo, Rina-sama! Rina-sama ko! Rina-sama...." Napapikit ako sa inis! Shit! Corin!

"Rina-sama!" sigaw niya ulit. "Rina-sama, Rina-sama, Rina-sama, Rina-sama, Rina-sammmmmmmmmmmmmaaaaaaa!" Padabog na tumayo ako at pumunta sa teresa 

"What?!" inis na sigaw ko sa kanya. Tumingala lang siya sa akin.

"Ah, nandito si Luke-sama kasama 'yung mga pesteng kaibigan niya, papasukin ko ba sila?" tanong niya. Napakunot ang noo ko.

"Bakit nandito ang mga kutong lupa na 'yun?" tanong ko sa kanya. Hindi naman nakapapagtaka na pupunta si Luke dito dahil bahay naman niya 'to. Pero may klase ang gagong 'yun at kasama niya pa ang mga pesteng nilalang na 'yun na pumunta dito! Don't tell kuma-cutting class ang lalaking 'yun!  Humanda talaga siya sa akin!

"Sabi ni Louie,  kailangan daw nila ng tulong mo..." sagot ni Corin.

Huh? Ano? Tulong ko? Ano naman ang matutulong ko sa kanila? Don't tell me magpapatutor sila sa akin? Malapit pa na naman ang Final Exam nila 'tapos, Mock Board Exam na nila bukas kaya  baka nga 'yun ang sadya nila!

"Papasukin mo sila..." sabi ko na lang sa kanya kahit gulung-gulo ako sa pinagsasabi niya.


********************************************


"Anong  sadya ninyo sa akin?" tanong ko agad sa kanila.

"Hi, Sab..." masayang bati sa akin ni Kyle. Tumingin lang ako sa kanya. "Long time no see..." nakangiting sabi niya. Inirapan ko lang siya. Wala akong balak makipagplastikan sa kanila! It's my watching telesrye time 'tapos ano, sisirain nila?!

"Asan si Luke?" tanong ko ng mapansin kong wala siya. "Diba kasama niyo siya?" tanong ko kay Stanly.  Umupo ako sa isang bakanteng upuan ng hinanda sa akin ni Corin. Wala si Corin dahil inutusan ko siyang maghanda ng meryenda sa mga lalaking 'to, nakakahiya naman kasi sa kanila! Baka sabihan pa akong masamang tao!

"Ahmmm, tinawagan siya ng Dean namin may sasabihin daw sa kanya kaya ayun, bumalik sa school." sagot nung kambal ni Stanly. Napatango na lang ako.

"Ano nga ulit 'yung sadya niyo sa akin?" tanong ko sa kanila.

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon