"SAB gising..." mahinang bulong ng kung sino mang alien ang nasa may kanan ko. Kainis! Hindi ba nya nakikitang natutulog ako?!
Kinuha ko na lang 'yung maliit na t-shirt ko at itinakip sa mukha ko. Sabi kasi ni Kento na dapat suotin ko 'yun kapag malamig lalo na at ganito ang suot ko! Nakakatanga nga 'yun eh! Kasi tingin ko hindi naman 'yun t-shirt na pwedeng panlaban sa lamig kasi sobrang nipis 'tapos ang dami pang butas! Pero ano ang magagawa ko, sabi sa akin ni Kento na suotin ko daw 'yun...
Ganito daw kasing damit ang sinusuot sa mga ganitong lugar na tulad nito...
Kento is my personal stylist. Sya ang nag-aayos sa akin at... ng mommy ko din pala. Kaso tinanggal ko sya bilang stylist namin at ginawa ko syang secretary... Mukha lang tanga 'yun, pero sobrang galing nyang secretary at sobrang loyal sa akin kaya kahit na alam nyang bawal akong lumapit sa mga kumpanya namin ngayon, dahil tingin nila sa akin ay isang malaking THREAT ng dahil sa pesteng 100 million na 'yun... Nakalapit pa rin ako sa kumpanya namin. Amin kasi 'yung mall na nasa tabi nung maliit na tindahan. Ay correction! Kay kuya Sebastian pala 'yun! At may kaunti akong share doon na hindi ko pwedeng galawin... Utos ni daddy!
Natatakot kasi sila na baka ibenta ko na naman 'yung share ko sa mga alam nyo na... 'Kalaban nila sa negosyo'
Pero may maganda namang nangyari dahil doon eh, si Kento na ngayon ang gumagawa ng lahat ng trabaho ko! Diba ang saya?
Kainis! Hindi na ako inaantok!
Dahan-dahan ko na lang dinilat ang mata ko at sumalubong sa akin ang nakangiting--alanganing ngiti ni Luke. Agad na sinampal ko sya. Wala lang gusto ko lang syang sampalin. Mahina lang naman 'yun pero dahil mabigat ang kamay ko, masakit 'yun para sa kanya!
"Aray Sab! Para saan naman 'yun?!" inis na tanong nya. Napangiti lang ako. Umupo ako ng maayos at inayos 'yung buhok ko na nagulo. Tinanggal ko 'yung rubber band at inilugay 'yung buhok ko. I love my hair lalo na 'pag nakalugay 'yun. Napatingin ako kay Luke na ngayon ay nakahawak sa pisngi nyang sinampal ko. Well, sinusubukan ko lang naman kung binabangungot ba ako o hindi? O nanaginip ba ako o hindi?. But then, umaray sya ng sinampal ko sya kaya hindi ako nanaginip at binabangungot! I'm awake!
"Wala lang!" nakangiting sagot ko sa kanya. Tinulak ko sya palabas ng kotse nya at agad na bumaba sa kotse. Paharang-harang kasi eh! Tiningnan ko sya na ngayon ay naniningkit na nakatingin sa akin... Nginitian ko lang sya ng matamis!
Napikit ko ang isang mata ko at napahwak sa buhok ko ng biglang humangin ng malakas. Kainis! Parang tinalo ko pa yata 'yung mga babaeng commercial ng PHcare! Buti na lang talaga at hindi ako nag-skirt ngayon! Kainis! Saan ba kasi ako dinala- I mean saan ng lupalok ng Pilipinas ang outing nila Luke! Inis na napatingin ako sa harapan ko. Agad na nabitawan ko ang pagkakahawak sa buhok ko at namangha sa nakita ko!
OH MY GOSH!
Ang ganda!
Iba talaga 'yung picture na dagat kaysa sa totoo! Malayo pa kami sa dagat pero kitang-kita ko na 'yung pagkakakulay blue nya. Gusto kong mapaiyak pero naalala ko nandito pala sa tabi ko si Luke. Kung ako lang mag-isa o 'di kaya katulong ko sya o 'di kaya butler ko sya iiyak talaga ako sa tuwa but then, he's not! He is my fiancee kaya agad na humarap ako sa kanya at nagmamadaling lumapit sa kanya. 'Tapos yinakap ko sya ng sobrang mahigpit!
![](https://img.wattpad.com/cover/30835980-288-k588216.jpg)
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
Chick-Lit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...