{AN: Guys please bear the typos error at wrong grammar! Phone kasi ang ginamit ko sa pag-upload eh! Bakit kinakabahan ako sa update na 'to?!}
"So here are the mechanics of our peace treaty agreement!" masayang anunsyo ni Miranda. Bakit ganun, diba ang mga abogado, mga seryosong tao, bakit si Miranda hindi? Para ngang pinagtitripan lang niya ang dalawa. At ang dalawa namang 'yun ay game na game sa trip ni Miranda! Tsss! Napatingin ako sa kanila. Grabe! Sila na talaga ang mga weirdo! Sino kaya sa pamilya nila Sab ang hindi weirdo? Baka 'yung mga kuya niya? Siguro. Hindi ko pa naman sila nakikilala eh... Kailan ko kaya sila makikilala? Malapit na kaya akong grumaduate. Pero okay lang din sa akin na hindi ko sila makilala baka ayaw pa nila sa akin at gumulo pa ang sitwasyon...
"Pabilisan lang naman 'to eh..." nakangiting sabi ni Miranda. Tinaas niya ang dala niyang laruang baril-barilan at ngumisi kina Sab. "May isang magazine kada isa sa inyo at kailangan 'yung makapagtumba ng limang ewang figure na nasa booth na 'to!" Napangiwi na lang ako. Ewan talaga? Tiningnan ko 'yung nagbabantay kong na-offend ba siya, pero parang nag-eenjoy naman siya eh sanakikita niya eh! "Okay lang ba sa inyo 'to?" tanong ni Miranda sa dalawa. Tumango lang sila na mas lalo kinawingi ng mukha ko. Kinuha nila 'yung mga baril-barilan kay Miranda.
"You first Spencer..." sabi ni Sab.
"Scaredy cat?" nakangising tanong ni Spencer sa pinsan niya. Umiling lang si Sab.
"Nope!" nakangiting tanong ni Sab. "I'm confident na matatalo kita, kailan ba kasi ako natalo sa inyong tatlo?" nakangising tanong ni Sab sa kanila. Nawala ang ngisi ni Spencer at napailitan ng seryosong mukha.
"Ngayon pa lang..." sabi niya sabay harap dun sa booth at nagsimula ng bumaril.
"Go Rina-sama!" masayang cheer ni Corin. Napangiwi na lang ako sa narinig ko kay Corin! Kita niya nga si Spencer ang tumitira eh! Tsk! Makapang-asar lang talaga 'tong isang 'to!
"Seryoso ba sila?" tanong ko kay Jack na nasa tabi ko. Tumingin lang siya sa akin.
"Dude, maniwala ka, mukha lang silang mga sira tingnan pero seryoso sila sa pinaggagawa nila..." sagot niya at tumitig sa akin na para bang may dumi sa mukha ko. Na-conscious tuloy ako.
"What?" tanong ko sa kanya. Huminga muna siya ng malalim bago sagutin ang tanong ko.
"Sigurado ka na bang pakakasalan mo ang pinsan ko?" tanong niya sa akin sabay tingin dun sa dalawa.
Napatitig ako sa kanya ng tinanong niya 'yun. Anong ibig niyang sabihin sa sigurado? Siguradong oo o hindi? Ano ba ang ibig niyang sabihin?
"Go, Among tunay!" rinig kong sigaw ni Corin.
"Rin, don't cheer for her!" rinig kong saway ni Sab
"But Rina-sama, kawawa naman si Among tunay walang nag che-cheer sa kanya, silent lang si Jack eh..." nang-aasar na sabi ni Corin.
"I don't need your pity, pathetic living creature!" sigaw naman ni Spencer! Hindi siya
"Just don't! Ako lang dapat na i-cheer mo." mahinahong sabi ni Sab.
"Okay..." sagot ni Corin.
Rinig kong bangayan nila! Pasimpling tumingin ako sa kanila at nakita kong ngumiti si Spencer dahil may natamaaan siyang teddy bear! Ika-lima na siguro niya 'yun.
"Pwede ka pang bumack-out?" mabilis na napatingin ako sa kanya. Bumack-out? Hell no! "Kasi ang pinsan ko..." Tumingin naman ulit siya sa akin pero seryoso na ang ekspresyon ng mukha niya. "Walang planong paka--

BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
Чиклит"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...