Chapater Fifteen

4.4K 106 10
                                        

Kunot ang noo ko habang nakatitig doon sa maliit na banner sa may activity area. 'Do you really know each other?' 'tapos ang daming heart na design doon.... Is this a dat-- 

"Seriously?!" rinig kong sabi ni Sabrina. Napatingin ako sa kanya. She look so pissed. "Nakakaawa sila!" Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. "'Pag nagkita kami ni lolo, sasabihan ko syang magbigay ng kalendaryo sa mga tulad nila... March na kaya ngayon, pero may ganito silang pauso! Psh!" and she rolled her eyes. "Luke umalis na tayo dito..." sabi nya pa.

"Pero 'yung posas?" tanong ko sa kanya. Tumingin sya sa akin.

"Well, we just need to call Corin again. She's good in this..." sabi nya 'tapos tinaas ang kamay nyang may posas. What? Magaling 'yung katulong nya sa mga posas? 'Tapos 'yung mga gawaing pambahay hindi kayang gawin...

Anong bang klaseng katulong meron sya? Now, I'm so curious...

Sh*t!

Baka naman gangster si Sabrina? At 'yung mga katulong nya... Pero impossible eh! Sabi ng lolo ko before na ang mapapangasawa ko ay galing sa angkan ng mayayaman at mararangal. 

Kaya impossible talaga!

At ang naalala ko pa, sinabi nya rin na may-ari ng malaking paggawaan ng gamot daw sila kaya halos nung mga myembro ng pamilya nila ay doctor. Pero 'yung sumunod na generation, ayaw daw na maging anino ng angkan nila kaya  they work so hard to have their own identity sa business world...At 'yun daw ang nanay ni Sabrina. 

Kaya hindi daw talaga basta-basta sila Sabrina!

Kaya nga nakapagtataka... Hindi ba sya namumuhay bilang prinsesa sa kanila kaya gusto nya pang mapangasawa ako para bigyan sya nun? 

"And kailangan na nating kumain... I'm so hungry na!"  rinig kong reklamo ni Sabrina. Napangiwi na lang ako. Pagkain na naman!

Naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay namin. Hinila nya ako paalis doon ng may biglang humarang sa amin kaya napahinto kami. May nagsalita doon sa harap. 

"Hindi po kayo pwedeng umalis..." sabi ung babaeng humarang sa amin.

"At bakit?" mataray na tanong ni Sabrina doon sa babae.

Binigyan lang kami ng alanganing ngiti nung babae bilang sagot sa tanong nya. 

"Kayong dalawa dyan, come here in the stage..." sabi nung... Kung sino man ang may hawak ng microphone. Kami siguro 'yung tinutukoy nung nasa stage.

"Paano kung ayaw namin?" nakakalokong tanong nya doon sa babaeng nasa harapan namin.

"Miss, please pumunta na kayo doon..." pagmamakaawa nung babae sa amin. "Miss nagmamakaawa ako, dapat kasi noong february pa dapat ang activity 'to pero dahil nagkasakit 'yung kaibigan namin kaya hindi namin 'to nagawa, kaya please miss... Sa projet kasi namin 'to eh..." naiiyak na sabi nung babae.

Bloody MarriageMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon