Chapter Twenty Four part 1

3.8K 85 14
                                    

"Rina?" masayang bati ng kuya Skylar ko! Psh! Ano kaya ang ginagawa nya dito? Nasa canteen kasi ako ng companya ni lolo at busy sa pagkain nitong menudo. Kasama ko kanina si Corin pero umalis ang babaeng 'yun. At feeling ko mamaya pa 'yun babalik! Namamasyal pa siguro 'yun sa building na 'to!

Hindi ko sya pinansin. Bahala sya! Bakit ba lumalapit ang lalaking 'to sa akin? Kahapon lang pinagsisigawan nila ako ni mama 'tapos ngayon... Asar!

"Rin?" tawag nya ulit. Hindi ko ulit sya pinansin. Hindi nya ba nararamdaman na hindi ko sya gustong makausap?! "Princess?" napatingin ako sa kanya. Nakangiti sya sa akin. I glared at him. "Buti naman at pinansin mo na ako princess..." parang natatampong sabi nya.

Nag-iwas lang ulit sa kanya ng tingin. Narinig ko syang bumuntong hininga.

"Sabrina Xenon, look hindi ko alam kong ano ang dapat kong sabihin sa 'yo. I know na kahapon ay umalis ka ng bahay. Nagkasagutan tayo but princess, alam mo naman na mahal na mahal ka namin nila papa, Bash at mama diba?" tanong nya.

Tumingin ako sa kanya at tinitigan ko lang sya.

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!" sagot ko sa kanya at binalik ko 'yung attensyon sa pagkain.

"Xenon!" galit na sabi nya sa pangalan ko. "Wa--

"Shut up!" putol ko sa sasabihin nya. "We both know that I am not your sister anymore! You heard it from mom!" dugtong ko.

Tinitigan nya ako ng masama. "Oh yeah? We both know that she didn't mean it!" he said in a British accent. "Nasabi lang 'yun ni mama, Xenon dahil galit sya." malumanay na sabi nya. "Please Sab, umuwi ka na." pagmamakaawa nya.

"Ayoko!" sagot ko sa kanya.

"You have no idea Sabrina Xenon, kung ano ang kaya kong gawin para iuwi ka sa bahay?" pagbabanta nya sa akin.

Matapang na hinarap ko sya. "Wala ka ring ideya kong ano ang kaya kong gawin para hindi ako makauwi sa bahay..." sabi ko sa kanya.

Napagitla sya sa sinabi ko at kumunot 'yung noo nya.

"Ano ang binabalak mo?" tanong nya sa akin.

"Papalitan ko ang middle name ko!" nakangiting sabi ko sa kanya. "I will make it Leron! Para sa gayon, ang tingin ng tao, tita nyo ako ni kuya Sebastian at kapatid ko si papa." Ininom ko 'yung tubig na nasa baso ko. "Inisip ko 'yun ng mabuti kagabi. Sinabi ko na 'yun kay lolo at tinanong nya kung 'yun ba talaga ang gusto at sinagot ko sya ng malutong na 'oo' kaya gagawin daw nya 'yun." gusto kasi isipin nila na seryoso ako sa desisyon ko.

I saw him gritted his teeth. Naikuyom din nya ang kamay nya.

"Tingin mo hahayaan ko 'yun?" galit na tanong nya sa akin.

"Kailan nyo ba hindi ginawa at binigay ang lahat ng gusto ko?" sagot na tanong ko sa kanya. Nginisihan ko sya.

"Ngayon pa lang!" nakangising sagot nya. Bakas pa rin ng galit ang boses nya. Napaka-high temper talaga namin.

I made a face at nagkibit balikat sa kanya. "Eh si papa, tingin mo kaya hindi nya gagawin 'yun para sa akin?" tanong ko sa kanya.

Biglang nag dilim ang mukha ng kuya ko. Gotcha! Wala kang panama sa akin hoy! Biglang tumayo ang kuya ko. Tumalikod sya sa akin. Alam naman nya kai na lahat ng hilingin ko, ibibigay ni papa.

"Xenon, Natatakot akong baka masapak kita kaya aalis na lang ako para maiwasan ko 'yun. But remember this, mahal na mahal ka namin kaya hinahayaan namin 'yang pag-uugali mo pero sinagad mo na ako princess..." Humarap sya sa akin at matiim na tinitigan ako. Napalunok ako sa wala sa oras. "Kaya makikita mo ang hinahanap mo! Galit ka sa amin, so be it! Kinakalaban mo kami, pwes makikita mo kung ano ang nangyayari sa mga taong kumakalaban sa amin..." madiin na sabi nya.

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon