TWO YEARS LATER
Luke's POV
"AMY, please cancel all my appointments today." Utos ko sa sekretarya kong nasa may harapan ko. Tumitig muna sa akin si Amy na para bang seryoso ako sa sinabi ko. Well, marami akong meeting ngayong araw at importante daw ang mga iyon pero wala ako sa mood na makiusap sa kanila. Nang masiguro niyang seryoso ako, tumango na lang siya.
"Okay sir." Magalang na sabi niya at tumalikod siya sa akin 'tapos umalis sa harapan ko.
Napasandig ako sa upuan ko at tumingala sa may kisame. Damn! Nakaka-stress pala ang trabahong 'to! Ngayon alam ko na kong bakit minsan bad mood sila papa at lolo kapag umuuwi sila ng bahay noon. Yup! I'm the the new CEO of my father's company. Three months pa lang ako sa posisyong 'to and the hell, mababaliw na yata ako!
Tumingin ako sa mesa ko kung saan nandun ang picture ko at mga magulang ko noong graduation ko. Graduate na ako, CEO na ako at maayos na ang buhay ko pero bakit ganun, parang may kulang?
Pamilya ko? Napailing na langa ko. Gago! Wala nga akong girlfriend eh, kaya sino ang pakakasalan ko?
'Makinig ka kutong lupa, akin ka--
Nawala ang ngiti ko ng biglang pumasok ko ang itsura niya at ang sinabi niya noon. Naikuyom ko ang dalawang kamay ko. Damn! Bakit naiisip ko pa rin siya? Sa ginawa niya two years ago? Napapikit na lang ako at umiling.
Dapat kalimutan ko na siya diba? Bakit naiisip ko pa rin siya? Well, maybe dahil sa galit ko sa kanya. Dahil hindi ko makalimutan ang panloloko niya! I don't deserve it! Wala akong ginawang masama sa kanya! I asked my parents kung may alam ba sila sa plano ni Sab, and guess what, wala silang alam but ang lolo ko, may alam! Bwisit! Silang dalawa, mga manloloko! Hindi ko alam kong ano ang ginawa kong masama kay lolo para gawin niya 'yun. Apo niya ako pero... Naikuyom koa ng kamay ko.
2 years Ago
"LOLO may alam ka ba sa mga nangyayari ngayon?!" tanong ko agad sa kanya ng makapasok ako sa opsina niya. Matapos kung makita 'yung nasa TV mabilis na pumunta ako rito sa kompanya niya. I want to know what's going on?! Baka pala, hindi totoo 'yung nasa TV-Damn! Hindi tototo? Sino bang niloloko ko! Pero kasi... Asar!!! Hindi ko na alam ang dapat isipin ngayon! Halo-halo kasi ang emosyong nararamdaman ko ngayon! 'Tapos hindi ko pa makontak si Sab para marinigan ang side niya! Atsaka, gusto ko ding itanong sa lolo ko kong nasaan si Sab, baka alam niya kong nasaan siya! At 'yung sinabi ni lolo kanina, para ba 'yun ngayon? DAMN!!!!!! Bwisit!
Tumitig muna ang lolo ko sa akin at bumuntong hininga. "So alam mo na..." mahinang sabi niya at tumingin ulit sa akin 'yung walang kaemosyon-emosyon. Damn it! "Sinong nagsabi sa 'yo, si Spencer ba, si Jack, si Sebastian, si Skylar o di kaya si Sab?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. No... Bakit kilala niya ang mga taong 'yun? Don't tell me, alam niya? Alam niyang mangyayari 'to? Anong ibig sabihin nito?
No! Hindi kayang gawin ni lolo 'yun! I mean I know he can be ruthless in terms of business pero hindi naman niya ako, hindi naman niya siguro ako... "Atsaka, ano ba ang alam mo?" dugtong na tanong niya at inilagay niya ang dalawang siko niya sa mesa at pinag clasp ang dalawang kamay niya habang nakatingin sa akin. Hindi ako makasalita sa sinabi niya. Napayuko na lang at napatawa ng mapakla. So, alam nga niya na hindi totoo ang arrange marriage namin ni Sab? So para saan lahat 'yun? Para saan pa at bakit sinabi nila 'yun sa akin?! Atsaka dapat sinabi nila 'yung totoo na hindi kami ikakasal! Kasi. Para masabihian ko naman ang sarili ko na 'Back-off Luke! 'Wag mong mahalin ang babaeng 'yan dahil laro lang lahat ng 'to!' Pero para saan lahat ng 'yun?
Narinig kong bumuntonghininga ulit si lolo.
"Luke, I'm sorry but I think you need to know the truth. Ang buong katotohanan." Madiin na sabi niya. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
Literatura Feminina"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...
