Sabrina's POV
"Matulog na kayo... " utos ko sa kanilang dalawa ni Corin at Luke-pero si Luke lang naman talaga ang gusto kong matulog na! Bukod sa may klase pa sya bukas, may mga bagay na pag-uusapan kami ni Corin na sobrang napakaimportante at napaka-confidential na hindi dapat malaman ni Luke! Kasi 'pag nalaman nya 'yun, hindi ko alam kong ano ang mangyayari pagkatapos.
Damn it!
In my 21 years of existence, ngayon lang ako natakot ng ganito! Hindi gaya ng takot na nararamdaman ko tuwing nakikita ko si Spencer!
Nakahinga ako ng maluwag ng pumasok si Luke sa kwarto nya. Napatitig ako kay Corin na ngayon ay nakayuko. Tsk! Tsk! Guilty!
"Rin..." tawag ko sa kanya. Dahan-dahan nyang iniangat ang mukha nya.
"Bakit po Rina-sama?" inosenteng tanong nya sa akin. Napailing na lang ako.
Huli ka Rin!
Kung 'yung iba maloloko mo, pwes hindi ako. Sinenyasan ko syang pumasok sa kwarto ko kaya agad na lumapit sya sa akin. Umuna na akong pumasok sa kwarto 'tapos maya-maya ay sumunod sya. Sya na 'yung sumirado ng pinto. Umupo ako sa kama at tumingin kay Corin na ngayon ay nasa pintuan at nakasandig at nakayuko.
"Bakit mo ginawa kay Luke 'yun, Corin Smashfield?" seryosong tanong ko sa kanya. Nag-angat sya ng tingin sa akin. Tinap ko 'yung kama para sabihin sa kanya na maupo sya doon. Agad namang ginawa ni Corin 'yun.
"Ang alin po?" inosenteng tanong nya sa akin pagkaupo na pagkaupo nya.
Tinaasan ko lang sya ng kilay kaya napalunok si Corin. Magsisinungaling pa eh! Yumuko sya. Hay kailangan ko pa talaga sigurong sabihin ang kasalanan nya para aminin nya!
"Alam mo na may shortcut ang subdivison nila Luke papunta dito sa bahay mo..." sabi ko. Nakita kong kinagat ni Corin ang ibabang labi nya 'tapos iniangat nya ang mukha nya.
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
ChickLit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...