Chapter Nine

4.3K 132 9
                                    

"~A, e, i, o, u, a, e,i, o,u,a, e, i, o, u~...." tinakpan ko ang tenga ko ng hindi ko na matiis si Sabrina. Utang na loob! Nakakainis ang trip nya. Kanina pa sya kanta ng kanta-kung kanta ba talaga ang ginagawa nya.... nang  'a, e, i, o, u'. Seriously?! Inis na tumingin ako sa kanya. Hindi nya kasi ako nakikita eh kaya malakas ang loob ko na gawin 'yun. Nakadapa kasi sya at nilaru-laro 'yung cellphone nya.

"~A, e, i, o, u, a, e,i, o,u,a, e, i, o, u~..."

Nagpaturo kasi ako sa kanya nitong assignment ko sa BUSMATH, kaya nandito sya sa loob ng kwarto ko.  At tingin ko wala syang balak na umalis dito. Mas malakas daw kasi ang signal ng WIFI sa kwarto ko kaysa sa kanya.

Biglang tumihaya si Sabrina kaya agad na tumingin ako doon sa ginagawa ko.  

"Luke, may facebook ka?"  tanong nya. Takang tumingin ako sa kanya. 

"Oo..." sagot ko sa kanya.  "Bakit?"

Umupo si Sab sa kama at tumingin sa akin. "Umalis ka dyan sa kinauupuan mo ngayon mismo!" utos nya. Kumunot naman ang noo ko. Aba't, kita nyang nag-aaral ako.

"At bakit?" inis na tanong ko sa kanya. Gusto kong mapasa ang exam na 'to! 

"Gagamitin ko laptop mo..." sagot nya. Tumayo sya at pumunta sa akin.  Ano na naman ang gagawin nya sa laptop ko? Mayroon naman sya, kaya bakit nya pang manggamit ng iba. Hindi ako tumayo sa kinauupuan ko. Bahala sya.

"Alis!" nakamaywang na utos nya sa akin. Hindi pa rin ako tumayo.  "Luke!" pinandilatan nya ako ng mata. "Don't push me..." banta nya. Bigla naman akong kinabahan.  Inis na napatayo ako at kinuha 'yung libro ko at lumipat sa kama. Nakita kung ngumiti si Sabrina. Edi sya na ang panalo! Lagi naman eh! Baka may mangyari pang masama sa akin 'pag pumalag ako sa kanya. Umupo agad si Sabrina doon ng makaalis ako doon.

Binuksan nya ang laptop ko. At wala na akong pakialam kung ano ang ginagawa nya doon. May narinig akong tunog ng camera kaya napatingin ako kay Sabrina. Sumalubong sa akin ang Sabrinang busy sa pagpopost.

Napangiwi ako. May ganito din palang side si Sabrina. 'Yung parang gaya ng normal na babae... Well, normal naman talaga sya... May kakaiba lang talaga sa kanya. Hindi ko alam kong ano 'yun.

Hindi ko namalayan na napangiti na pala ako habang nakatitig sa kanya. Araw-araw kasi may nalalaman ako tungkol sa kanya. At sa araw na 'yun, na realize ko na hi--

"Luke, ano ang e-mail add at password mo sa facebook?" tanong ni Sabrina. I blink my eyes.  Tss! Kung anu-ano ang iniisip ko. Tumingin ako kay Sab na ngayon ay busy sa pagkalikot noong cellphone nya.

"Bakit?"  takang tanong ko sa kanya.

"Pwede ba 'wag ka ng matanong? Sagutin mo na lang ako." she looked so pissed ng lumingon sa akin. 

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon