Chapter fifty-six

1.3K 30 10
                                    


Teban's POV


"TINGIN niyo, okay lang kaya si Cap?" concern na tanong ni Teban sa iba pa nilang kaibigan. Napansin niya kasing para wala sa sarili ang kaibigan nilang 'yun! Parang tuliro! Nakakatakot kaya 'yun, baka bigla na lang maisip ni Luke na magpakamatay. Uso pa naman ang suicide ngayon! 

Nasa isa silang coffee shop at nag-uusap sa maggiging laro nila. Nagkatitigan lang ang mga kaibigan niya. 

"Baka, nag-away sila ni Sab..." sagot naman ni Louie. "Si Sab lang naman kasi ang naiisip kong magiging problema ni Cap eh..." dugtong niya.

Napaisip si Teban sa sinabi ni Louie. Baka nga! Kasi malapit na ang graduation kaya malapit na rin ang engagement nila. 'Tapos magiging busy na sila sa kasal nila! Knowing Sab, she wants everything to be perfect kaya siguro, prinepressure niya si Luke! At si Luke naman napressure kaya namoroblema!

"Pero 'di nga, pagkatapos ng graduation, engagement na nila?" tanong ni Stanly. Napatingin ang iba sa kanya. "Kasi parang ang bilis naman yata. 'Tapos... Ah, ewan!" parang nahihirapan siya kung ano ang idudugtong niya sa sasabihin niya.  

Binato ng kutsara ni Louie sa mukha si Stanly. "Baliw! Baka plano mulang na ligawan si Sabrina!" inis na sabi ni Louie! Ngumiti lang si Stanly! Hay, naku! Ewan ko talaga Stanly! Parang sira! "Tsk!" inis na sabi ni Louie! "Alam mo, ikaw, tigilan mo na 'yang illusyon mo kasi halata namang walang ka-amor amor si Sab sa atin noh, sa 'yo pa kaya..."  

Napatango kaming lahat sa sinabi ni Louie. 

Totoo naman kasi! Oo nga at maayos ang pakikitungo ni Sab sa amin pero ma fi-feel mo rin naman talaga 'yung pagkaayaw niya. 'Yun nga lang, hindi niya pinapahalata! 

"Anong walang ka-amor amor?" palag ni Stanly!  "Tinutulungan niya kaya tayo sa problema natin..."

Napaisip silang lahat at nagkatitigan!  Well, oo nga naman! Pero... Ewan! Ang hirap kasing spellingin si Sabrina! Baka naawa lang siya sa amin.

"Excuse me..." napatingin kaming lahat sa may harapan namin  ng may biglang nagsalita ! Napatulala ako sa nakita ko. Ghad Dammit! Hindi ako 'yung tipong pumapatol sa mga babaeng mas matanda sa akin pero kung siya ang papatulan ko, okay lang! Ngayon lang sa tanang buhay ko, nagkagusto ako sa mas matanda sa akin! Napatingin ako sa mga kaibigan ko, ganun din sila! Manghang nakatingin sa babaeng nasa harapan namin! Biglang ngumiti ang babae, kaya napasinghap kaming lahat. Ang ganda niya! Sana, kasing edad ko na lang siya! Kasi kung ka-edad ko lang siya, liligawan ko 'to! "Pwedeng makiupo?" nakangiting tanong niya sa amin.

Tulalang tumango kami.

Mabilis na umupo siya at tumingin sa akin. Oh my God! Ang bilis ng tibok ng puso ko! Bwisit! Tingin niya ba prosti ako? "Kain tayo..." alok niya. Napatingin ako sa pagkain na binili niya. Isang slice ng banana cake at isang cup ng black coffee.

"Thanks, pero kumain na kami eh..." sagot ni Sandro. Tumango lang siya at kumain nung cake. Napatitig lang kami sa kanya habang kumakain siya. Nang maubos niya ang cake ay uminom siya nung kape niya.

"Ah, artista ka ba?" biglang tanong ni Louie dun sa babae.

Tumawa lang 'yung babae! Shucks! Nakak-aroused ang tawa niya! Wala na, baliw na ako! 

"I'm not."tumatawang sabi niya. "Isa akong plain housewife na may tatlong anak at tatlong apo!" proud na dugtong niya. Parang naguho ang pagpapantasya ko sa sinabi niya. Tatlong anak? Tatlong apo? What?! Pero biglang bumalik ang pantasya ko ng may na-realize ako...Tatlong anak?

"May anak po ba kayong babae?" sabay naming tanong sa kanya. Ngumiti lang 'yung babae at tumango. "Yup, isa! But dude, sad to say, hindi na available 'yun, may boyfriend eh!" nanlulumong nakatitigan kami ng mga kaibigan ko. Bwisit naman oh! Napatingin ako kay Stanly, nag mouthed siya na 'okay lang, paghiwalayin na lang  natin 'yung boyfriend ng anak niya at anak niya' Napailing na lang ako. Baliw! 

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon