[Ch. 1] 'Wipe This'

203 0 0
                                    

[Ch. 1] 'Wipe This'

Dana's POV


Hmmmp! Hmmmp! Ayan maayos na ang buhok ko.. Inayos-ayos ko pa ang bagsak ko na bangs sa harapan. Yay! Ok na!


"*Blow**Blow*" Hinipan ko ang bangs ko pataas. Ayieh! Ok na talaga!


"Ate, para kang timang. Tanda mo na, pang-'chun li' parin tali mo?" Tiningnan ko ng masama 'tong kapatid ko.

"Ikaw Juno, napakakontrabida mo! Shooo~ layas sa harap ko!" Tsss kulit ng kapatid ko na yun.


That's Daniel Juno Chavez. My one and only utol. 2nd yr high school palang yun sa pasukan pero malapit na nya akong matangkaran! Ajujuju hehehe

Tumakbo na ako papuntang kusina. Nandun si Mama eh. May iuutos kasi sakin.


"Ma! Maayos na buhok ko. Akina listahan!" Inutos kasi ni Mama na mamalengke ako para sa tanghalian namen. Tinalian ko lang ng pang 'chun li' yung buhok ko. Na kulay pink ang laso! Nyah!!!


"Anak.. 16 ka na ganyan ka parin magtali sa buhok mo?" Sabay bigay saken ni Mama ng listahan at pera. Hihihi.. nang-asar pa si Mama.


"Kaya nga 'Ma.. nag-aasta elementary si Ate. Yung ibang babae dyan na kaedad nya nakakulot o rebonded ang buhok sya ganyan parin." Tinitigan ko ng matagal 'tong bunso namen.


"Wow ah.. ilang taon ka na ba, Dashika at sinasabihan mo ako ng ganyan?" Nakataas pa kilay ko sa kanya nun ah! Nilagay ko na sa wallet ko yung pera at listahan


Si Dashika Ivvet Chavez. Bunso naming kapatid at pinakamaldita sa lahat. Tinalbugan nga ako neto sa ganda eh. Grade 6 palang pumorma kala mo kasing edad ko lang.


"Blah.. Blah.. Blah.. ang sabihin mo lang napakaisip bata mo talaga 'teh."


"Nagsalita ang hindi." Pinipikon na naman ako neto ah.


"Mas mature ako kesa sayo 'no!"


Aba't talagang...


"Hep, hep, hep. Dana umalis ka na nga lang at nang maaga akong makapagluto ng ulam.. dali na." Tinulak na ako ni Mama papalabas ng bahay. Tsk. Mamaya yun sakin.


Naglakad na ako palabas ng bahay at masayang nakangiti sa lahat ng tao. Nyahahahaha

Ay! Hndi pa pala ako nakapagpakilala! Hi, there! Im Daniala Ivvone Chavez. 16 yrs old. Pero tawag saken ng mga friends ko, Dana lang. Incoming 4th yr high school na ako and im REALLY excited na bukas! Ahahahaha pasukan na naman!


"Uy! Kamusta, Dana!"


"Ok na ok lang, Manong Freddie!"


"Ay kay bibong bata talaga ni Dana oh. Ahahaha"


"Syempre naman po, Aling Leny! Pampagudvibes!"

Ahahaha kilalang kilala ako ng mga kapitbahay namin. Eh kase nga, madaldal daw ako. Kaya kahit gabihin ako sa daan, kilalang kilala naman ako dito!


Masaya lang akong naglalakad papuntang palengke. Meju malayo layo konti pero ayos lang.

Si Papa? Ayun. Nasa ibang bansa. Sa Canada sya nagtatrabaho. Nalulungkot ako na wala si Papa pero, dapat na maging matatag kami para kay Mama!

Napa-double look ako at namangha sa nakita ko. OHMYGHAD?!?! TOTOO BA 'TO?!


Third Person's POV


Agad agad na lumapit si Dana na parang timang sa nakita nya. Hindi sya makapaniwala.

"OH MY! TOTOO BA 'TONG NAKIKITA KO?!" At hinipo hipo nya pa ito.


Isa itong White Tinted Lambourghini. Isa ito sa pinapangarap nyang sasakyan kahit nung bata pa sya. Madalas magpadala ang papa nya ng postcard ng ganitong mga sasakyan at ngayon ay nakakita na sya ng isa.


Sinilip silip pa ni Dana kung may tao sa loob pero dahil tinted nga ito ay wala syang makita.

"Wow! Ang ganda talaga neto! Ahahahaha! Teka, makapagselfie nga." Kinuha na nya ang cp nya at nakapose na sya kadikit ng kotse.

Hindi nya alam na may tao sa loob. Hndi din namalayan ng tao sa loob na may tao sa labas dahil may kung anong hinahanap sya sa ilalim. Walang pakundangang binuksan nya ang windshield ng kotse at tinapon dun ang natirang Mc Float nya.

"AY BUSET! SHOCKS!!!.." Tumalsik sa kanya ang tira-tirang coke dun at pati sa kotse. 

Inis na inis si Dana. Kapapalit lang nya ng damit at ngayon ay nadumihan na ito. Napatingin naman ang lalaki sa kanya sa loob ng kotse. Sinamaan ng tingin ni Dana ang lalaki pero hndi makita ni Dana ang reaksyon dahil naka-shades ito.


"Who are you?" Tanong ng lalaki kay Dana.

Meju nataranta naman si Dana dahil nagpicture-picture lang naman sya at di nya alam na may tao sa loob.

"S-Sorry. Nagandahan kasi ako sa kotse mo, kaya--------" Nagulat si Dana ng abutan sya nung lalaki ng tissue.


Napangiti naman si Dana. Akala nya suplado ang lalaki dahil nga sa mayaman ito. Pero, sa halip ay inabutan pa sya ng tissue para sa damit nya.

"AHAHAHAHA..Nako, salamat ah! Sorry kung naabala pa kita." At pinunasan na ni Dana ang damit nya. Napataas naman ang kilay nya ng abutan sya ulit nung lalaki ng tissue.

"Hah? Ok na 'to, Kuya! Salamat ah." Kukunin pa sana ni Dana kaso inilagan nung lalaki.

"Its not what i meant you to do. Wipe this." Sabay tap nung lalaki sa kotse nya. Nanlaki naman ang mata ni Dana at napatawa.

"Hah! Kaya pala binigyan mo ako ng tissue para sa kotse mo?" Bahagyang nadisapoint si Dana. Akala nya gentleman ang lalaking nasa harapan nya. Yun pala ay akala nya lang.

"Yes." Diretsong sagot nung lalaki. Napabuga nalang ng hininga si Dana at tumaas saglit ang bangs nya.

Pabalang nyang kinuha ang tissue at pinunasan ang basang parte ng kotse.


"Ayan, malinis na. PASENSYA NA ULIT AH!" Talagang pinagdiinan nya ang pagpapasensya nya dahil nainis sya bigla sa lalaki. Napaka hambog kasi para sa kanya.


"Good then." Bigla nalang sinara na ng lalaki ang winshield nya at kaagad agad 'tong umandar.


Napatawa lang si Dana dahil di sya makapaniwala sa nangyari.


'Mukang gwapo pa naman sana, pero napaka-hambog nya! Asar! May araw din yun!' Ang naisip ni Dana.

------------

When It Comes To Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon