[Ch. 27] Illusion or Memories?

57 1 0
                                    

[Ch. 27] Illusion or Memories?


Seb's POV

"... Dahil mamaya pang 6:00pm ang activity natin for this day. Napagdesisyunan naming payagan kayong maglibot sa buong Baguio.."

At nagkaroon ng hiyawan sa buong lobby.

"AHAHAHAHA!! Narinig mo yun, Seb?! Pwede na daw tayong maglibot!!! Ahahaha!" Sabay yakap sakin ni Dana.

"Oo nga, My loves! Makakagala na din tayo!" At inakbayan ko siya nun.

Alam kong meju bangag ako kahapon. Hndi ko lang kasi maintindihan ang sarili ko. Habang tumatagal, parami na ng parami ang nakikita ko. Minsan parang pakiramdam ko, kasama ko lang yung batang babaeng yun. Hndi ko maintindihan. Kinuwento ko na nga 'to kay Sam eh. Pati kina Clark at Julian. At alam nyo ba reaction nila?


"Alam mo, Seb? Napapraning ka na." Sabay tungga ni Sam ng beer.

"Yan ang ayoko sayo, Sam eh. Kakaurat ka! Pano ka ba pinalaki ni Mommy sa States?" Buset na Sam 'to. Hndi ko alam kung pano sya pinalaki ni Mom.


Oo, kambal kami ni Sam . Pero magkahiwalay kami na pinalaki. Sya kay Mom at ako kay Dad. Nagkasama lang kami nung 1st yr high school. Pero nagkakausap naman kami via Skype noon.

"Aba't ako pa sinisi mo! Ahahahaha! Nakasinghot ka ba ng droga? Pakinggan mo nga sinasabi mo. Nakakakita ka ng isang babae sa panaginip mo? 'Lul, Seb! Ako pa ginagag* mo!" Tama naman si Sam. Kaya naaasar ako sa kanya.

"Alam mo, Seb?" Sabay tap sakin ni Clark. ".. ayusin mo yang nararamdaman mo. Isipin mo ang mararamdaman ni Dana, once na malaman nya yan. Seb! May gusto sayo yung tao. Wag mo namang gag*hin!" Sabay tungga ulit ni Clark sa baso nya.

Aish! Naguguluhan na ako. Taena. Baka nga illusyon ko lang ang lahat. Wala naman siguro 'to. Pero bakit ganun ang epekto saken? Tinungga ko nalang ang beer ko. Taena. Gusto kong magpakalasing!


"Seb...." napatingin naman ako sa kumag na 'to. Ok lang naman samin na isama 'to. Mainit lang talaga dugo ko dito.

"... wala akong alam sa buhay nyo o sa kung anung meron ka sa Dana na yun pero, try to examine your self. Si Dana nga ba talaga ang mahal mo? O may iba talaga? Alam mo kasi brad, hndi ka naman magkakaganyan kung si Dana lang talaga. Think of it, Seb." At uminom din si Julian. May punto din 'tong kumag na 'to. Pero mahal ko si Dana! Alam ko yun! Pero, bakit nga ba ako nagkakaganito?

"Seb? Napapatulala ka na naman? Anu bang problema?" Tiningnan ko si Dana.


Habang tinitingnan ko sya, alam ko na sa sarili ko. Mahal ko talaga sya. Si Dana! Si Daniala Ivvone Chavez. Pero bakit nga ba may iba parin akong babaeng nakikita? Hndi na tama 'to. Kelangan kong bumawi kay Dana. Ayoko syang masaktan.

"Wala, My Loves. Tara, prepare na tayo! Andami kong gustong puntahan kasama ka." Sabay pisil ko sa pisngi nya. Ngumiti naman sya. That smile. Ngiti nya na nagpapabaliktad ng mundo ko.


"Sige, Sebby!"

----

Inayos ko na ang sarili ko dito sa may information desk. May sari sariling lakad ang mga barkada. Dun nalang daw kami magkita kita sa ******* restaurant. Dun na daw kami sabay sabay kumain ng lunch. Tiningnan ko ang wrist watch ko. 9:30am palang. Marami pa kaming mapupuntahan ni Dana.

When It Comes To Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon