[Ch. 33] Call Out My Name

34 1 0
                                    

[Ch. 33] Call Out My Name


Juris's POV

Hmmm.. nasan na ba ako.. anla! Naliligaw na ata ako. Kanina pa ako palakad lakad dito sa malaking maze na 'to. Wala na din akong nakikitang mga tao. Huhubells! Nasan na ba ako?


Lakad pa ako ng lakad hanggan sa..

"HMMMMP!!!!"


Shemay! May humatak sakin! Tinakpan ang bibig ko! N-Natatakot ako!


"Kamusta ka na, Belinda." Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. B-Belinda?!


Kinagat ko ang kamay nyang yun para makawala ako.

"AHHHHHHH!! SHT! ANG SAKIT!!!" Agad syang humiwalay sakin at tiningnan ko sya. Nanlaki ang mga mata ko.

"Louis?" D-Dito parin sya nag-aaral?

"Hndi ka parin nagbabago, Belinda. Napakarahas mo parin." Pinatunog nya ang daliri nya at bigla bigla nalang may humawak sa magkabila kong braso.


"T-Teka.. bitawan nyo ako. Ano ba?!" Pilit akong kumakawala sa dalawang lalaking humahawak ng braso ko pero.. ugh! Ang lakas nila!


Lumapit sakin si Louis at...


"Alam mo, Belinda. Napakaganda mo parin.." Sabay hawak ni Louis sa pisngi ko. Ugh!! Nandidiri ako sa kanya!

"Pwede ba, Louis! Layuan mo ako!" Natatakot na talaga ako sa kanya. Si Louis. Matagal ko na 'tong suitor. Masasabi kong obsess na obsess sya sakin. Oo gwapo sya pero ayoko sya kanya!


Gusto nya lahat ng bagay makukuha nya ng pwersahan. Lahat gusto nyang makuha ng shortcut! Kaya nakakainis!

"Mahal parin kita, Belinda!" At tahasan nya akong hinahalikan pero iniiwas ko ang labi ko sa kanya.

"Pwede ba Louis.. ugh! Ugh!!!" Natatakot na ako. Walang katao tao dito. Tulong.. tulong.. Sam.. Sam..

"SAMMMMMMMMY!!!!!!" Tulungan mo ako Sam!!!


-----

Sam's POV

"SAMMMMMMMMMY!!!!!!" Napatingin ako sa paligid. Boses yun ni Juris. Tiningnan ko ang cp ko. Wala namang tumatawag. So ibig sabihin... totoong tinatawag ako ni Juris.


"Sht! JURIS!!!!!!!!"


At tumakbo ako ng tumakbo. Taena. Nasan sya? Sht! Kanina ko pa sya hinahanap pero hndi ko sya makita. Taena. Kinakabahan ako.

"JURIS! JURIS!" Kanina pa ako paliko liko, pero hndi ko parin sya makita. Sht! Nasan ka ba, Juris?!


"SAMMY! SAMMY! HUHUHU.." Naririnig ko na naman. Sht! Nasan ka ba?!


"Saglit mo lang mararamdaman ang sakit, Belinda. Ahahahaha." At nakarinig pa ako ng mga nagtatawanan. Belinda?! Taena! Parang kilala ko na yun!


Dali dali akong tumakbo sa bandang kaliwa ko. Sht! Sana mali ang iniisip ko.

Pagkadating ko dun, nanlaki ang mga mata ko.

"LOUIS!!!! TARANTADO KA!!!" Agad akong lumapit kay Louis at sinuntok sya. Sht! Nahuli na ako!


Sa isang suntok ko lang nakatulog na si Louis. Sinunod ko na yung mga gag*ng nakahawak sa braso ni Juris.

*BOOOOOOOGSH!*

*KAPOOOOOOOOW!*

*KABLAAAAAAAAAM!*

Nakatulog na din ang dalawa. Sht! Nakakabuset!

"JURIS! JURIS! SHT!" Tinanggal ko ang jacket ko at binalot yun sa kanya. Tarantadong Louis 'to! Sht! Muntik na!

"Sam! Sam! Buti at dumating ka! Huhuhu.." at niyakap ako ni Juris. Meju nailang pa ako. Taena. Wala na syang pang itaas pero may bra parin sya. Gag*ng Louis yun! Rereypin pa si Juris.


"Sinaktan ka ba ng gag*ng Louis na yun?! Taena, papatayin ko yun!" Pero nagulat ako ng higpitan pa ni Juris ang yakap saken.

"Salamat.. salamat at niligtas mo ako, Sam. T-Takot na takot ako. Huhuhu.." niyakap ko pa si Juris at hinawakan ang buhok nya.

"Wag ka nang matakot. Dahil kahit nasan ka man, tawagin mo lang ang pangalan ko. At darating ako." Pakiramdam ko mas lalo pang lumalim ang pagtingin ko kay Juris. Natakot akong mawala sya sakin.


Hinalikan ko sya sa noo nya. Mahal na mahal kita, Juris. Hndi na ako matatakot ngayon. Narealize kong.. susulitin ko nalang ang mga araw na pwede pa kitang mahalin.


Pagbalik natin sa Springfields, aamin na ako.


------

When It Comes To Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon