[Ch. 20] Announcement
Dana's POV
"Una na po kami, Tita Ella." Sabay beso ni Seb kay Mama.
"Ay, mag-iingat kayo ah! Salamat nga pala sa dala mong cake ah! Ahohoho." Si Mama talaga. Makatawa, wagas.
"Walang anuman po yun, Tita Ella." Sabay akbay sakin ni Seb.
"Ahihihi! Bagay talaga kayo ni Ate, Kuya Sebby!" Eto na naman ang pakialamera kong kapatid.
"Talaga, Dashika?" Wag mo sabihing papatol ka dyan, Seb? Hay..
"Hoy! Hoy! Ikaw! Kumekerengkeng ka na naman ah! Bakit hndi ka papasok? Hah?"
"Si Ate naman..." Aba't nagpuppy eyes pa.
"Una na nga kami 'Ma. Tara na Seb." Sabay hila ko kay Seb. Kakairita yung kapatid ko eh.
Pagkarating namin sa kotse, sinuot ko na yung seatbelt pero, hndi ko na naman masuot! 'Nu ba naman 'to!
"Ahahahaha.. ako na nga My loves." Lumapit si Seb sakin at inilagay ang seatbelt ko.
*DUGDUGDUGDUGDUGDUGDUGDUG*
Woah! Ang lapit ng mukha ni Seb sakin. N-Nakakapraning. Napatingin din sya sakin at nagkita ang mga mata namin.
*LUNOK LAWAY*
Bakit ganito yung nararamdaman ko ngayon? Bakit biglang uminit? Woah! Ang inet!
Nakita kong bumaba ang tingin ni Seb sa lips ko. MYGHAD! Anu ba 'tong puso ko! Naaabnormal na sa pagtibok!
Hinawakan nya ang baba ko at bahagyang itinaas. A-Ang mga mata ni Seb. P-Parang lasing.. anyare sa kanya?
Unti unti nyang nilapit ang mukha nya. Omo! Nararamdaman ko na yung paghinga nya! Kinakabahan ako.
Unting unti nalang at maglalapat na ang labi nya sa labi. Napapikit na sya nun at kahit ako. MYGHAD! I think im hypnotize!!
"Ate.. Ate..." Napabalikwas kami ni Seb at bumalik sa pwesto namin. SHET!! Bakit ba may umeksa!!!
Tumingin kami ni Seb dun sa may batang kumakatok sa kotse ni Seb. Dito pa talaga sa gilid ko. Shet talaga!
"A-Anu bang----" Eh? Biglang tumakbo yung bata? Tarantado yun ah!
"Uhm.. ano.. uhmm.. alis na tayo?" Napatingin ako kay Seb. SHET! Nakakahiya yung nangyari!
"M-Mabuti pa nga." Nakapangumbaba ako sa may windshield ng kotse. SHET NA BATANG YUN! Kakaasar!
Sa pagtitingin ko sa daan, biglang may nahagip ang mata ko.
0_________________________0
Bakit sya nandito malapit samin? At... bakit ang sama ng titig nya saken?
Si Jacob..
----
Habang naglalakad kami ni Seb papuntang room, hndi kami nagkikibuan. Kasalanan talaga 'to ng batang yun eh! Asar. Ewan, bakit ba ako galit na galit.
BINABASA MO ANG
When It Comes To Love ♥
RomanceKwento ng buhay pag-ibig ng magbabarkada. Kung paanong malalaman at masusubukan ang lahat ng mga imposibleng bagay sa larangan ng pag-ibig. Tampok ang pinaka bida sa istorya. Ang wagas at tunay na pagmamahalan nina Daniala Ivvone Chavez at Jacob Sha...
