[Ch. 37] The One I Can Always Lean On

45 1 0
                                        

[Ch. 37] The One I Can Always Lean On

Dana's POV

Nandito ako sa bahay ngayon. 1 week. 1 week na walang barkada. 1 week na puro aral. 1 week na si Jacob lang ang kasama ko. 1 week na si Jacob lang ang humahatid saken sa bahay. Masaya akong kasama ko si Jacob. Masungit man sya, mayabang, pero mabait sya. Basta! Ang saya ko pag sya ang kasama ko.

Halos makalimutan ko na nga ung mga nangyari eh. Yung tungkol kina Seb at Selene. Pero, andun parin yung galit, inis at sakit. Lalo na pag ako lang mag-isa. Naaalala ko.

"Ate!.." Bigla namang tumabi saken si Dashika. Andito kasi ako sa sofa, nanonood ng tv. "... parang hndi na bumibisita si Kuya Seb dito, pagkauwi nyo ng Baguio. LQ kayo 'no!"

Minsan, naaasar ako sa radar ng kapatid kong 'to. Lakas makaramdam.


"Hndi ah! Busy lang yun. Tantanan mo nga muna ako, Dashika." At ipinokus ko na ang tingin ko sa tv. Asar. Gusto ko nga muna mag laylo, pinapaalala naman sakin.


"Ay, ang sunget ni Ate. Menuposal period.." Aba't talagang! Tinakbuhan lang ako ng malditang 'to. Tampalin ko yun eh.


Tsk. Napacross arms ako habang nanonood ng tv. Kakainis.


Netong mga nakaraan, pilit akong inaaproach ng dalawa. Sorry nalang sila dahil wala pa ako sa kondisyon para kausapin sila. Kung hndi lang dahil kay Jacob, siguro hanggang ngayon napaka devastated ko. Sobrang laki talaga ng tulong na binigay ni Jacob saken.


Nagulat ako ng may biglang tumabi saken.


"Hmmm.. nakakunot na naman ang noo mo, anak. May problema ba?" Si Mama pala 'to. Napayuko lang ako. Pagdating kasi kay Mama ayokong maglihim. Gusto kong open ako kay Mama sa lahat.

Tumango tango ako bilang sagot kay Mama. Ngumiti naman sya. Inakbayan nya ako at tumingin saken.


"Gusto mong pag-usapan natin? Makikinig ako." Ngumiti lang ako kay Mama.

Inabot naman nya ang remote at pinatay ang tv.


"Sige na. Umpisahan mo." Napayuko ako nun kay Mama. Nakakahiya. Pero gusto ko paring sabihin kay Mama.


"Ma..." whoooh. Kaya ko 'to. "... p-pano ko ba malalaman kung mahal ko na ba talaga ang isang tao? Kasi 'Ma, nasaktan ako..." naaalala ko na naman ang eksenang yun. Ang araw na makita kong halikan ni Seb si Selene.

"... si Seb 'Ma.." Napapaluha na naman ako. "... akala ko magiging tapat yung pagmamahal nya sakin *sniff*. Akala ko, *sniff* hndi nya ako magagawang lokohin..." pinunasan ko na ang mga luha ko.


"... pero 'Ma... niloko nya ako. Ginawa nya akong tanga. At ang pinakamasakit pa 'Ma.. si Selene pa. Si Selene pa ang nakita kong kahalikan ni Seb..." Tuloy tuloy na ang pagbagsak ng mga luha ko. "... Ang sakit 'Ma. Ang sakit na mga kaibigan ko pa ang nag-traydor sakin. Kaya.. ang bigat sa loob ko na .. na patawarin sila." Pinunasan ko na ang mga luha ko.


Nilapit pa ako ni Mama sa kanya.

"Hmmm.. mukhang mabigat nga ang problema mo, Daniala. Pero.. alam mo ba? Isa lang ang alam ko na makapagpapagaan ng loob mo." Nakangiti pa si Mama nun. Nagtaka tuloy ako.


"Ano naman yun, Ma?"

"Magpatawad ka, Anak." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Mama.

Napailing iling ako.

"Mukhang hndi ko kaya 'Ma. Masyadong masakit yung ginawa nila saken. Hndi ko kaya." Napayuko pa ako nun.


"Anak.. anak tumingin ka sakin..." Pinaharap ako ni Mama sa kanya. ".. mawawala lang ang sakit na nandyaan sa puso mo kung aalisin mo yung galit mo sa kanila. At magagawa mo yun kung papatawarin mo sila." Napaisip ako sa sinabi ni Mama.

"Anak, lahat tayo nagkakasala. Lahat tayo nagkakamali. Sige, ganito nalang para madali sayo ang magpatawad.." hinawakan ni Mama ang mga kamay ko. Tumingin ako sa kanya. ".. alamin mo muna ang dahilan kung bakit nila nagawa yun sayo. Pakinggan mo sila. Intindihin mo sila. Pag tingin mo, deserving sila sa kapatawaran mo. Patawarin mo sila. Dun lang gagaan ang loob mo. Dun lang mawawala ang bigat na nararamdaman mo."


Nakuha ko na ang punto ni Mama. Tama sya. Kung papatawarin ko sila, gagaan na ang loob ko. Pero.. parang hndi ko parin kaya eh.

"Hndi ko parin alam 'Ma. Tama ka naman. Pero..." pinigilan ako ni Mama sa pagsasalita.

"Isipin mo nalang ang barkada mo. Ang barkada'ng binuo nyo. Matagal na ang pinagsamahan nyo. Makakaya mo bang masira ang barkada nyo dahil sa galit na meron ka? Wala akong kinakampihan, Anak. Ang akin lang.. alamin mo muna ang puno't dulo ng lahat. Para maliwanagan ka rin, huh?" Sabay yakap sakin ni Mama.

Tama si Mama. Kelangan ko munang malaman ang lahat. Ayokong mabuwag ang KMG. Masyado ng malalim ang pinagsamahan namin. Kaya gagawin ko.


Niyakap ko pabalik si Mama.

"Salamat, Ma. Salamat kasi andyan ka palagi para sakin. Para intindihin ako. Para payuhan ako. Hindi kayo napapagod. Mahal na mahal kita, Ma."

"Awww.. ang sweet ng anak ko. Ahahaha. Mahal din kita, Daniala. Ay! Bago ko makalimutan.." nagtaka naman ako at napaharap ako kay Mama.


"Bakit po, Ma?"

"Nakita kita, kasama ang isang matanggkad, maputi, astig at napakagwapong lalaki. Nakita kong hinatid ka nya dito nung isang araw ah. Sino yun, huh? Ahahaha." Napaismid ako. Mama talaga. Tsismosa.

"Si Jacob yun, Ma. Kaibigan ko. Kaschoolmate namin. Alam mo 'Ma, sya ang tumulong saken para medyo mawala yung saket na dinulot nina Seb..." naalala ko tuloy yung sinabi saken ni Jacob ng icomfort nya ako.

"... Im here to help you to ease the pain. Im here to help you to forget that dumbasr. Only, if you allow me."

Napangiti ako. Sobrang saya ko na nandyan palagi si Jacob para sakin. Sana, magtagal pa sya sa tabi ko.


"... Tapos 'Ma, alam mo ba? Ang saya saya ko pag kasama ko si Jacob. Kahit napakayabang nya, arogante, mahilig makipagbasag ulo at habulin ng babae. Sya yung Jacob na, palaging nandyan pag kailangan ko sya, oa kung magprotekta sakin at ayaw nyang makitang umiiyak ako. Ano kayang ibig sabihin nun 'Ma?" Nagulat naman ako kay Mama na parang nagpapacute. Pano ba naman! Yung kamay ni Mama sa ilalim ng baba nya.

"A-Anung mukha yan 'Ma?.." weird. Nakangiti pa sya huh.


Nagulat naman ako ng biglang yakapin ako ni Mama ng pagkahigpit higpit. Aaachk!


"Ay, nigugma mo na da!" Eh?! Nagbibisaya na naman si Mama! Ano na naman ibig sabihin nun? (Ay, mahal mo na yan!)


"Anu yun, Ma?" Sya lang nakakaintindi.


"Ay wala yun, Nak. Hehehe. Tara na, tulungan mo akong ihain ang dinner natin." Ngumiti ako kay Mama

"Sige po, Ma."

Mother's knows best. Kaya mahal na mahal ko 'tong si Mama eh.


-----

When It Comes To Love ♥Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon