[Ch. 28] Save Me!

53 1 0
                                    

[Ch. 28] Save Me!


Dana's POV

Kanina pa parang natutuliro si Seb na ewan. Ano bang nangyayari sa kanya ngayon?

"Seb? Masama ba pakiramdam mo? Pwede naman sigurong magpahinga ka na muna." Nag-aalala talaga ako dito eh. Para syang.. kulang sa tulog na ewan.


"Ok lang ako, My loves. Pasensya na. A-Ano bang group mo? Ihahatid na kita." At inakbayan ako ni Seb. Ayaw nya kasing sabihin eh. Alam kong may problema.


"Group 1 ako."


"Sige." At naglakad na kami papuntang group 1.


"Mag-iingat ka, Dana ah. Boat Race ang activity natin ngayon. Mag-ingat ka sa pagsagwan mo." Tumango lang ako kay Seb at niyakap ko sya. Umalis na sya nun at pumunta na ako sa line ko.


"Hmmpf! Trip trip parin ba ang status mo kay Sebby? Huh? Daniala?!" Napatingin ako sa nagsabi nun. T-Teka.


"Cynthia?.."


"Long time no see, Daniala. Ahohoho!" At tumawa pa sya ng parang pang kontrabida. Tsk. Si Cynthia Marie Alejandro. Ang dati naming kaklase at baliw na baliw kay Sebby. Eto yung kinaaayawan ko sa Star Section eh. Ako sana mapupunta dun kaso nandaya sya kaya sya ang napunta. Pero ok lang naman. Atleast kasama ko parin ang KMG.


"Hi din, Cynthia." Nakakainis. Kung minamalas ka nga naman. Sya pa ang kagrupo ko.


"Eww.. Cynthia? You know THAT poor?" Napaismid pa ako sa sinabi ng kagrupo kong isa. Owwwkay.. siguro sila na yung masasabi kong kasama sa mga mayayabang na studyante ng Springfields High,


"Unfortunately, yes Jamaica. She's a former friend." Ang arte talaga neto ni Cynthia.

"Oh! I see.. sya ba yung sinasabi mong FLIRT at MANG-AAGAW , Cynthia?" Hah! Hndi halatang pinariringgan nila ako ah. Hndi halata!

"Ahahahaha! You've got it alright, Heather." Tsk. Nakakaasar ah. Mukang hndi ko maeenjoy ang activity na 'to.


Ang ganda pa naman ng view dito sa Burnham Park pag ganitong pagabi na. May mga lights. Ang ganda talaga.


"Well.. your always be the one, Cynthia." Saad pa ng isa.


"I know, Roxxane! I know." Tsk. Lahat silang apat magkakakilala. Ako lang hndi. Shemay. Sarap magpalipat ng group!


".. so gaya ng nasabi ko na kanina. Paunahan kayo hanggang sa white flag na yun di kalayuan dito sa pang pang. Kunin nyo iyon at paunahang makabalik dito. Alrights students?" At sumang ayon naman na ang lahat ng mga students.

Sumakay na kami sa meju malaking bangka. Kasya dun ang limang katao. Isa isa na kaming nagsuot ng life jacket namin pero teka. Bakit parang iba yung akin? Tsk.

Lahat kami may kanya kanyang pansagwan. Nasa unahan ako at ewan ko kung bakit ako na unahan. Napatingin ako sa kanan ko. Nakahelera dun ang 13 pang mga bangka. Ready na sa pagsagwan. Marami din ang nanonood.

When It Comes To Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon