[Ch. 38] Mission: Say Sorry
Seb's POV
"Dana.. Dana, Kausapin mo naman ako. Kahit saglit lang." Kinuha ko ang braso nya at napatigil sya sa paglalakad. Nandito kami sa may pintuan ng room.
Tumingin naman sya sakin. Walang emosyon ang mga mukha nya. D-Dana..
"Wala tayong dapat pag-usapan, Seb. After all, nanliligaw ka palang naman diba? Eh di basted ka na saken." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa buo kong katawan. Nakakawala naman sya sa pagkakahawak ko.
Ang sakit. Totoo namang minahal ko sya eh. Naguluhan lang talaga ako. Nagsisisi na ako. Ayokong ganito kami ni Dana.
"Dana!" Hinabol ko si Dana nun pero kasama na nya si Jacob sa corredor. Sabay pa silang lumingon sakin.
"Tara na, Jacob." Hinatak ni Dana si Jacob. Hndi. Hndi, Dana.
Hinabol ko si Dana at hinila sya kay Jacob.
"Kausapin mo muna ako, Dana. Please, gusto kong magpaliwanag sayo."
Bigla naman akong tinulak ng Jacob na 'to palayo kay Dana. Nabitawan ko tuloy sya.
"Pwede ba, idiot. Tigilan mo na ang pagsunod sa kanya. Is'nt it obvious that she don't want to see you?" Ang yabang ng gag*ng 'to ah.
"Wag ka ngang mangealam dito, pwede? Si Dana ang gusto kong kausapin, hndi ikaw." Nagulat naman ako ng bigla akong sapakin ng ungas na 'to.
"Dumbass!!" Sht! Taena. Ang lakas manapak ng lalaking 'to! Buset. Natumba ako sa sahig habang hawak ang labi kong dumudugo.
"Jacob! Tama na." Napayakap na si Dana kay Jacob. Yung pinipigilan sya. Napatingin si Dana sa akin.
"Seb, wala na tayong dapat pag-usapan pa. Kaya pwede ba, tantanan mo na kami. Tara na, Jacob." Hinila naman na ni Dana si Jacob at umalis na sila sa harap ko.
"'Tol, ok ka lang?" Sam
"Tarantado ka rin, Seb eh. Alam mo bang malakas yun si Shaun?" Clark
Tinulungan nila akong makatayo nun. Pinunasan ko pa ang labi kong dumudugo. Buset.
"Oh! Tapos na ang sine, magsilayas na kayo dito. Shooo~" Juris
"Wala, Seb. Palpak ka. Mukhang hndi mo na mababawi pa si Dana." Divine.
"Kasalanan nya yan. Kung ako kay Dana? Hnding hndi ako gagawa ng paraan para makapag-usap sila ni Seb--- aray! Sam naman!" Juris
Nagkasundo sundo na kami. Pinaliwanag ko na ang lahat. Oo, nagkamali akong nahalikan ko si Selene noon. Pagkakamali lang ang lahat. Pag kami ni Selene ay napatawad ni Dana, mapapatawad din kami ng barkada. Kaya gagawin ko an4 lahat. Hndi lang para sa barkada, kundi para din kay Dana.
"Nag-uumpisa pa lang ako, Divine. Mababawi ko din si Dana." At hndi ako titigil hanggat hndi ko sya nababawi sa mayabang na Jacob na yun.
BINABASA MO ANG
When It Comes To Love ♥
RomanceKwento ng buhay pag-ibig ng magbabarkada. Kung paanong malalaman at masusubukan ang lahat ng mga imposibleng bagay sa larangan ng pag-ibig. Tampok ang pinaka bida sa istorya. Ang wagas at tunay na pagmamahalan nina Daniala Ivvone Chavez at Jacob Sha...