[Ch. 68] Aj's Confession

32 0 0
                                    

[Ch. 68] Aj's Confession

Aj's POV


"Aww.. aray.. d-dahan dahan lang, Dana." Saad ko kay Dana. Nandito kami sa kwarto ko at ginagamot nya ang sugat ko.

"S-Sorry. Dadahan dahanin ko na." Ngumiti pa si Dana at dinadahan dahan na nya ang pagdampi ng bulak na may betadine sa sugat ko sa labi.


Hindi ko makakalimutan ang mukha ni Shaun ng komprontahin nya ako. Galit na galit sya sa mga litratong nakita nya. Tsk. Ang babaw nya. Para lang sa mga litratong yun kukwestyunin na nya agad ang katapatan ni Dana sa kanya. Ang sarap nyang bigwasan.


Totoo.. nung magkalapit ang mga mukha namin ni Dana nun, hndi ko na naman napigilan ang damdamin ko kay Dana. Akala ko nakalimot na ako kasi si Jhelie na ang gusto ko. Pero hndi pa pala. Hndi pa nawawala si Dana sa puso ko.

I just can't help it! Bawat kilos ni Dana, napapahulog ako sakanya. Hndi ko magawang balewalahin sya. At ng makaharap ko si Shaun, sinabi ko sa kanya ang totoo.

*PUNCH!!*


Sinuntok agad ako ni Shaun ng marinig nya ang mga katagang yun. Pinunasan ko ang labi ko at humarap sa kanya.


"What did you say?! WHAT DID YOU FCKING SAY?!" Napangiti ako sa reaksyon nya. Galit na galit sya.

"Tsk. Bingi ka pala? I said i love Dana. I love her in the very first day i saw her. I love her!"

*PUNCH! PUNCH! PUNCH!*

Dun nako sunod sunod na sinuntok ni Shaun. Isang beses lang akn nakasuntok. Sht! Ang lakas talaga ng taong 'to!


"FCK YOU! STOP HITTING THE FCK OF HER! SHE'S MINE! SHE'S FCKNG MINE! IM GONNA KILL THE LIVING SHT OF OF YOU!!"

Nakakatawa. Ayaw nyang mawala si Dana sa kanya. Tsk. Pero sya ang gumagawa ng paraan para mawala sa kanya si Dana. Ang tanga nya.


"Uy, Aj. Natulala ka dyan. Bakit?" Napatingin ako kay Dana. Alam ko namang wala akong panalo kay Shaun. Na kay Shaun na ang puso ni Dana. Pero.. wala namang masama kung susubukan ko diba?


"Dana.." hinawakan ko ang kamay nya nun na syang kinagulat nya. Napatingin naman sya sakin. "Dana.. alam mo bang.. kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko.. hndi ko pa din maiwasang mahulog sayo?" Nakita kong nanlaki ang mga mata nya. Nagulat siguro sya.


"A-Aj.. a-anung ibig mong sabihin?" Hndi sya makapaniwala? Tsk. Kahit din ako. Di ko alam na magkakaganito ako. Na ang isang genius na gaya ko magpapakatanga sa gaya ni Dana.

"Dana.. sana.. maniwala ka sa lahat ng sasabihin ko. Dana, mahal kita. Mahal na kita una palang kitang nakita." Mas lalong nanlaki ang mga mata nya.


She's speechless. Alam ko. Tanga ko lang kasi at ngayon lang ako umamin kung saka may boyfriend na sya. Pero.. wala namang masama diba? Hndi pa sila kasal.


"Alam kong hndi kapani-paniwala, Dana. Pero yun ang totoo. Mahal kita. Mahal kita, Dana." Sana maniwala ka. Sana maging akin ka. Gustong gusto kita, Dana.

"Pero.. hndi pwede, Aj." Kinuha ni Dana ang kamay nya. Napatingin naman ako sa kanya. Hndi.. hndi pwede, Dana.

"Salamat. Salamat sa pagmamahal na inaalay mo. Pero hndi ko yan matatanggap..." Tumingin naman sa mga mata ko si Dana. "... mahal ko si Jacob, Aj. Tapat ako sa kanya. Hndi ko matatanggap yung pagmamahal mo. Dahil si Jacob lang ang mahal ko. Sya lang, Aj. Im sorry." Napayuko ako. Tsk.. ang saket. Ang saket naman neto. Tanga ko kasi eh. Sinubukan ko pa.


"Im sorry, Aj. Sana maging magkaibigan parin tayo." Niyakap nya ako. Kaibigan? Tsk. Ang saket namang malagay sa friendzone. Pero wala akong magagawa. Mahal ko si Dana. Kaya.. hahayaan ko nalang sya sa kasiyahan nya.


"O-Ok lang.. Sinubukan ko lang talaga. Ahahaha. Alam ko naman nang si Shaun talaga ang mahal mo." Niyakap ko din si Dana. Ang saket naman. Ang saket naman na ang lapit lapit ko sa kanya pero parang ang layo nya saken.

-------

Naglalakad ako ngayon papasok sa room. Parang nakakatamad pumasok ngayon. Binasted ako. Sa pinakaunang pagkakataon, nabasted ako. Kaya ko namang makuha si Dana kung gugustuhin ko. Gamit ang lahat ng yaman ko. Pero hndi. Hndi pwede.

"Aj.." Napaangat ako sa ulo ko nun at nakita ko...

"Jhelie?" Bigla akong nagulat na ewan ng makita ko sya. Namumugto ang mga mata nya. Teka.. bakit sya umiiyak?

"Jhelie, bakit? Anong nangyari?" Hinawakan ko ang magkabila nyang balikat. Bigla akong nag-alala sa kanya.


"A-akala ko ba... akala ko ba may gusto ka na din sakin? B-bakit?! Bakit siya pa din?!" P-Panu nya nalaman?

"J-Jhelie..." ang sama ko. Pinaasa ko sya. Dapat sinigurado ko na muna ang nararamdaman ko bago ako nagtapat kay Jhelie. Ang sama ko!

"Bakit ka ganyan?! B-Bakit...."


"Jhelie. JHELIE! JHELIE!!" Nahimatay sya. Sht! Anung nangyari?! Sht! Sht!!


Binuhat ko si Jhelie at tinakbo ko sya papuntang kotse ko. Takot. Kakaibang takot ang nararamdaman ko ngayon. Takot na baka mawala saken si Jhelie. Sht! Hndi ko mapapatawad ang sarili ko pag may masamang nangyari sa kanya!


-----

When It Comes To Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon