[Ch. 17] Womanizer
Dana's POV
Its Sunday. May kanya kanyang lakad ang barkada. Kaya eto, family day kami ngayon. Pumunta kami nina Mama, Juno at Dashika sa church. Simba kame.
Paakyat na ako ng may nakita ako sa tabi.
Teka... kilala ko 'to ah...
"Daniala, anak. Tara na, pasok na tayo."
"O-opo Ma." At pumasok na kami sa simbahan. Hndi ako pwedeng magkamali. Sya yun eh.
Pero bakit ganun? M-May kahalikan sya. M-May girlfriend na pala sya? Hah! Pakialam ko ba sa gangster na Jacob na yun! Eh anu ngayon kung may gf na sya? Tss...
Natapos na ang misa. Quarter to 10am na din.
"Sa mall nalang tayo magtanghalian mga anak. Ok lang sa inyo?" Mama
"Ok na ok Ma! Ahahahaha, laro tayo sa time zone Ma ah!" Juno
"Ma, karaoke tayo! Para mapractice ko naman ang golden voice ko! Ahahahaha." Nangarap ka pang may golden voice ka Dashika. Tss.
"Sige, sige. Malaki laki din ang ipinadala ng papa nyo. Mga 100thou. Kaya sige, magpakagalante tayo."
"Yes!!! Ahahaha." Nag-apiran pa ang dalawa
"Laki nun Ma ah. Natuloy ba daw ang promotion ni Papa?" Kompanya kasi nagtatrabaho si Papa dun eh.
"Oo, anak. Executive Branch Manager na sya kaya malaki laki na ang ipapadala nya. Baka nga daw makauwi sya sa Birthday mo sa September Ahahahaha" Ay, kinilig bigla si Mama? Tss..
Nag-aabang kami ng taxi. Maya maya may umistop na sa harapan namin.
"Dana, dun ka sa likod, tabihan mo yung mga kapatid mo." Mama
"Opo, Ma." Papasok na ako sa loob ng may nakita ako...
S-Si.... Jacob na naman... may kahalikan na naman syang babae. Pero, iba yun sa kahalikan nya kanina.
Napakuyom ang mga kamay ko. Nang-aasar ba sya? Bakit kelangang makita ko pa? Nakakabuset ah. Ang sarap nilang pag-untuging dalawa.
"Dana, sumakay ka na." Napabalik ako sa realidad sa sinabi ni Mama.
Pumasok na ako sa loob na yamot na yamot.
"Anong mukha yan, Ate?" Dashika
"Nakikisama yung mga buns mo sa ulo oh! Ahahahaha." Juno
"Sige, pagtawanan nyo pa ako at kayo ang paghuhugasin ko ng mga plato mamaya."
*Tunog kuliglig*
"Ate, ang ganda mo ngayon ah!" Juno
"Blooming na blooming si Ate! Ayieh!!! Dahil siguro yan kay Kuya Sebby." Dashika
Parang mga ewan talaga 'tong mga kapatid ko. Ewan!
----
Inayos ko pa ang tali ko sa buhok. Yan.. ok na. Pati 'tong bangs ko.
Isinukbit ko na ang backpack ko at pumunta sa kusina. Andun kasi si Mama
"Ma, alis nako. Baon ko?"
"Oh eto. 200php na!" Ngiting ngiti si Mama ah.
"Ay, Ma. Padagdag ng 100php. May babayaran kami eh. Project." Dumukot naman agad si Mama.
"Oh eto, anak. Hahahaha." Parang ewan naman 'to si Mama.
"Gumagalante tayo, Ma ah." Sabay lagay ko na ng pera sa bulsa ko.
BINABASA MO ANG
When It Comes To Love ♥
RomanceKwento ng buhay pag-ibig ng magbabarkada. Kung paanong malalaman at masusubukan ang lahat ng mga imposibleng bagay sa larangan ng pag-ibig. Tampok ang pinaka bida sa istorya. Ang wagas at tunay na pagmamahalan nina Daniala Ivvone Chavez at Jacob Sha...