[Ch. 23] Moments At The Bus

54 0 0
                                    

[Ch. 23] Moments At The Bus

Dana's POV

"Nak..." Hmmm...

"Daniala. Anak.. gising na." Napadilat ako sa kumakalabog sa katawan ko.

"Hmmm.. bakit 'Ma?" Napakusot kusot pa ang mata ko habang napabangon sa kama ko. Nanggigising na naman 'to si Mama eh.

"Anong bakit, Anak? Diba alas onse ang alis nyo papuntang Baguio? Daniala, 10:00pm na. Magpeprepare ka pa." Napamulat na ng malaki ang mga mata ko.


"OO NGA PALAAAAAA~"


Dali dali akong naligo na kahit NAPAKALAMIG. Nagbihis at mabilis kong ni-dry ang buhok ko. Tinalian ko na ng pang 'chun li' ang buhok at yan! Ready na!!

"AY JUSME! Mama naman, nakakagulat ka." Pano ba naman, nakaupo sya sa kama ko ngayon.

"Inaayos ko lang yung mga dadalhin mo. Kompleto na 'to. Mga damit mo pang isang linggo. Etong favorite mong tootbrush. Toothpaste. Mga personal mong gamit----" niyakap ko bigla si Mama sa likod.


"Salamat, Ma." Ewan. Bakit biglang niyakap si Mama. Kasi naman... talagang ginising nya ako, sya pa nagprepare. Ang swerte ko talaga sa Mama ko.


"Ay nako. Daniala talaga. Ok lang yan. Anak kita eh. Nga pala, nag-aantay si Seb sayo dyan kanina pa." Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Talaga?!" Kinuha ko na yung bag ko at lumabas na ng kwarto at.. andun nga sya! Wow naman..


"Seb!" Sigaw ko kay Seb. Ahahahaha inantay nya talaga ako?

"My loves!" Dali daling umakyat si Seb at binuhat ang bag ko.

"Nako! Sorry! Nakatulog ako. Sorry talaga!" Nakakahiya. Sabi ko pa naman hndi ako matutulog. Ngayon na ang alis namin papuntang Baguio. Kyah!!! Im really excited!

"Ok lang. Sabi ko na nga ba at makakatulog ka. Kaya maaga na akong pumunta dito sa inyo eh." Sabay akbay sakin ni Seb.

"Nako, sorry talaga." Kakakonsensya naman. Ako nakatulog samantalang siya hndi.


"Ay.. ok lang yan, Anak. Mukhang sanay na si Seb sa ugali mo. Ahohoho! Osya, umalis na kayo Seb at baka mahuli pa kayo. Ingatan mo ang prinsesa ko ah." Sabay kindat ni Mama. Ay.. si Mama talaga.


"Makakaasa po kayo, Tita Ella. Una na po kami." At nagbeso si Seb kay Mama.


"Alis na kami Ma."


"Sige! Mag-iingat kayo."

Inalalayan ako ni Seb pababa ng hagdan. Nakarubber ako ngayon. Maong na fitted at nakapolo shirt. Nagbaon din ako ng Jacket kasi nga malamig. Pero parang tinatablan parin ako. Buti baon ko yung leather jacket ni Jacob. Ahahaha. Kaso hndi ko pa sinuot ngayon. Pag nasa Baguio na kami.


Sumakay na kami sa kotse ni Seb. At, buti naman ay nakayanan ko ng isuot ang seatbelt.


"Ready ka na, My loves? Ilang oras nalang at nasa Baguio na tayo!"


"Ayieh!!! Ahahaha excited na nga ako eh!!" Pinaandar na ni Seb ang sasakyan papuntang school.

When It Comes To Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon