[Ch. 72] A Dream
Dana's POV
"Ivvone..." A-ang boses na yun. Jacob.. si Jacob yun. Gusto kong magsalita. Gusto kong idilat ang mga mata ko. Pero.. wala akong lakas para gawin yun.
"I love you. I really do." B-bakit ganun yung boses nya? Naiiyak ako. Bakit? Bakit ganyan ka magsalita Jacob?
"Can you hear me? Stop crying.." Pinunasan nya ang luha ko. Pero hndi ko parin maimulat ang mga mata ko. Ni makapagsalita man lang.
"I love you so much. There's no words can exactly express how much i love you. But, believe me. I love you more than my life, more than anything. You are my life, Ivvone. And living without you is like a fckng hell to me. Its torture! Its a suicidal." Gusto kong yakapin si Jacob ngayon. Gusto kong ipadama sa kanya na ganun din ang nararamdaman ko. Mahal na mahal ko din sya. Jacob..
"Dana.. Dana anak.." Unti unti kong idinilat ang mga mata ko. Kasabay nun ang pagkakita ko sa sari saring mukha na nasa harapan ko ngayon.
Naramdaman ko kaagad ang bagay na nasa ilong ko. Eto yung nagbibigay saken ng hangin. Hmmm.. may nakatusok din sa kamay ko. Tsk. Andami namang aparatus sa katawan ko.
"Gising ka na. Gising ka na, anak! Salamat." Sabay kuha ni Mama ng kamay ko at haplos nito sa mukha nya. Yung kamay ko na walang nakatusok.
Naramdaman ko pa ang luha sa mata ni Mama. Nag-alala siguro sila. Sorry Ma.
"Ate.. buti gising ka na. Dalawang araw ka ng walang malay. Akala namin magtatatlo na." Si Dashika, at Juno. Nandito din. Natutuwa ako.
"M-Mama.." Hinawakan ko ang pisngi ni Mama. Akala ko hndi ko na makikita ulit si Mama. Sa gitna ng apoy, bago ako malagutan ng hininga, pamilya ko lang, ang barkada, at si Jacob ang nasa isip ko.
"Anak. Masaya ako at ligtas ka.." Ngumiti ako kay Mama na may halong luha sa mga mata ko. Ang saya ko din Mama.
"Tita Ella.. nagdala po kami ng...." Nabitawan ni Juris ang dala nyang banana cue pero nasalo naman yun ni Clark.
"Siraulo ka ba, Juris? Bakit mo..." napatingin na din si Clark saken. Napangiti ako na may kahalung iyak. Ang KMG.. grabe.. namis ko sila.
"D-Dana.. fhudge.. gising ka na.." lumapit si Juris saken at hinawakan ang braso ko. Nagsilapitan na din ang mga barkada at ngumiti saken. Aww.. naiiyak talaga ako.
"Juris... Seb.. Selene.. lahat kayo. S-Salamat at nandito kayo.." Meju mahina pa ang pagkakasabi ko. Wala akong lakas para makapagsalita ng malakas.
Nagtawanan naman sila ng mahihina at nagsiiyakan din sila.
"Grabe ka, My loves! Pinag-alala mo kami!" Seb
"Buti at ligtas ka, Dana." Julian
"Tinakot mo kami, Dana!" Clark
"Bakit ang hilig mong manakot, Chun li? Huh?" Nagtawan naman kami kay Divine
"Masaya kami at ligtas ka na." Selene
"Pinag-alala mo talaga kami, Dana." Aj
Natawa lang ako sa kanila.
"Wag na kayong mag-alala. Ligtas na ako. Salamat kay Jacob. Nasan nga pala sya?" Bigla namang nag-iba ang mga aura nila at nag-tinginan sila. Teka.. bakit?
"Uy.. nasan nga si Jacob. Gusto ko syang makita. Ma, nasan ba sya?" Bakit ba ang tatahimik nila?! Simple lang naman ang tanung ko ah.
"Uhm.. Nak.. hndi ata sya makakapunta ngayon. May gagawin ata sya. Ahm.. sila nalang muna kausapin mo hah? Hehehe." Umm.. weird. Bakit ganun si Mama.
"O-oo nga Dana! Blah.. blah.. blah.. blah.." at nagsalita na sila ng kung ano ano na hndi ko maintindihan. Kay Jacob lang nakapokos ang utak ko. Nasan ka na, Jacob? Miss na kita.
-------
Gabi na. Sina Juris at Divine ang nagbabantay saken ngayon. Nandun sila sa sofa natulog. Pero hndi ako makatulog. Iniisip ko si Jacob. Gustong gusto ko syang makita. Namimis ko na talaga sya. Bakit hndi sya nagpakita saken? Nakakainis naman sya.
Yung panaginip ko nung isang araw. Parang totoo yun. Mas lalo akong nalulumbay sa kanya. Pakiramdam ko walang buhay ang paligid ko. Nasan ka na ba?
Maya maya lang nakaramdam na ako ng antok. Sana.. sana mapanaginipan ko ulit sya.
A soft lips touches mine. Naramdaman ko yun. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Ang mga labing yun. Alam kong kay Jacob yun. Gusto kong idilat ang mga mata ko. Pero sht! Bakit hndi sila sumusunod saken?!
"They say you already wake up. Wake up now my love. I really miss you." Ako din. Ako din, Jacob! Miss na miss na kita! Gusto kitang yakapin, gusto kitang makasama, gusto kitang halikan. Pero bakit hndi ko magawa ngayon?
"I love you, Ivvone. I'll fight for you until you want too. Lalaban ako hangga't mahal mo ako. Wake up now my princess. How i miss your angelic voice." Naiiyak ako. Maramdaman ko lang ang mga haplos nya sa mukha ko nagtatayuan ang mga balahibo ko. Jacob.. Jacob..
"Jacob!!!" Napadilat ang mga mata ko.
"Dana.. Dana.. ok ka lang?" Napatingin ako kina Juris at Divine na bumangon sa sofa.
PAnaginip.. panaginip na naman..
GUsto kong umiyak. Jacob.. nasan ka na ba?
------
BINABASA MO ANG
When It Comes To Love ♥
RomanceKwento ng buhay pag-ibig ng magbabarkada. Kung paanong malalaman at masusubukan ang lahat ng mga imposibleng bagay sa larangan ng pag-ibig. Tampok ang pinaka bida sa istorya. Ang wagas at tunay na pagmamahalan nina Daniala Ivvone Chavez at Jacob Sha...