[Ch. 14] Where Do Broken Hearts Go

65 0 0
                                    

[Ch. 14] Where Do Broken Hearts Go


Divina's POV

"Huhuhuhuhu... a-ang sakit, Bessy. Akala ko ok na ako kasi 1 week na. Pero... huhuhuhu parang kahapon lang nangyari ang lahat! Huhuhuhu... ang sakit!!!"


Hay... naaawa talaga ako kay Selene. Andito ako sa condo nya ngayon at sinasamahan sya habang umiinom ng tequilla. Matapos umamin ni Seb sa harap ng klase, hndi na si Selene ang palagi kong kaharap. Isang pekeng Selene.


"Sinabihan naman na kita Selene eh. Nakalimutan na ni Seb ang nakaraan. Kaya matuto ka na ding lumimot."


"Hindi ko kaya! Huhuhuhuhu... mahal na mahal ko si Seb, Divine. Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko!" Sabay tungga nya ulit ng isang shot.


"Wag mong sisihin ang sarili mo, Selene. Wala kang pagkukulang. Sya ang unang bumitaw. Kaya hndi mo kasalanan." Hinahagud hagod ko pa ang likod nya. Hndi ako sanay na nakikita ko ang cheerful kong kaibigan. Nahihirapan ako.

"Kung... kung ipaglaban ko kaya, Divine? Kaya pa naman diba? Nanliligaw pa lang naman sya eh." Sinampal ko si Selene. Alam kong nagulat sya.


"At ngayon, maninira ka ng buhay ng iba? Hndi ganyan ang Selene na kilala ko. Sa ganyang iniisip mo para ka na ring gumawa ng paraan para sa ikakasira ng barkada!" Bigla na namang ngumiti... pero tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha nya.

Niyakap ko si Selene.

"Sorry.. sorry Divine.. huhuhuhuhu ang sama ko na. Ang sama sama ko na.. sorry., sorry Divine." At niyakap na din ako ni Selene.

Kung may magagawa lang sana ako.. kung meron lang.

Selene's POV

Pagkapasok namin sa room, nagulat ako ng may mapansin akong bulaklak sa table ni Dana. Wala pa kasi si Dana eh.

"Anung pauso yan?" Tanung ni Divine sa barkada. Kompleto na ang lahat pwera lang kay Dana.


"Syempre! Ang manok natin, sweet sweetan kay Dana! Ahahahaha" Juris


"Ang baduy mo 'tol!" Sam

"Anu pang asahan mo dyan, Sam! Ahahahaha" Clark

"Gag*! Alam nyo namang hndi ako marunong manligaw! Kinakabahan na nga ako eh!" Seb

Ahh.. surprise nya kay Dana. Ang sakit talaga. Ang sakit na hndi ang ang dahilan kung bakit ngumingiti si Seb.


'Nakalimutan mo na ba talaga ang nakaraan, Sebby?'


Umupo na kami ni Divina sa upuan namin. Inayos ko na ang gamit ko.

"'Lul ka rin, Seb eh. Dapat sinundo mo sya sa bahay nila!" Clark

"Wala.. weak yan si Seb eh." Divina.

"Tsk.. tantanan nyo nga ako! Teka... bakit namumugto ang mata mo Selene? M-May... problema ba?" Nanlaki ang mga mata ko.

*DUGDUGDUGDUGDUGDUGDUG*


"H-hah? Ah.. hehehe kakapanood ko ng korean novela! Huhubells, nakakaiyak kasi eh." At nagtawanan ang buong barkada, pwera kay Divine. Nginitian ko lang sya.

For the first time, ngayon nya lang ako tinanong kung ok lang ako. Hndi yung parang nandidiri sya. Hndi yung nilalayuan nya ako.


"Ahahahaha.. yun lang pala." At humarap na ulit sya dun sa harap. Napabuntong hininga ako. Kung pwede lang ibalik ang nakaraan, gagawin ko.


"Hi, guys!" Dumating na ang hinihintay namin.

Isa isa kaming bumating magbabarkada sa kanya pero sakin sya tumitig ng matagal.


"Bakit namumugto ang mga mata mo, Selene? Huh?" Nilapitan nya pa talaga ako. Napangiti ako. Eto ba? Eto ba ang kaibigan na dapat kong kagalitan? Masyado syang mabait. Kaya hndi nya deserve ang kagalitan.

"OA much, Dana ah! Ahahahaha wala lang 'to! Nanuod lang kasi ako kagabi ng korean novela, magdamagan! Ahahahaha" ngumiti naman sya nun


"Akala ko kung ano na eh.." Umupo na sya nun at napansin nya ang bulaklak sa desk nya. Isa iyong royal blue rose. Tiningnan namin ang reaction nya. Nakangiti habang nakatitig kay Seb.

"Sayo 'to galing, Seb?" Dana


"Malamang fhudge! Alangang dito kay Sam!" At nagtawanan kaming magbabarkada.


"Parang tukmol kasi 'to si Seb eh." Clark

Tumingin naman na si Seb kay Dana.


"Hehehe.. oo.. sakin galing yan." Nagulat kami ng biglang yakapin ni Dana si Seb. At mas lalo na si Seb.


"Ahahaha salamat Seb! Alam mo talaga ang paborito kong kulay!!" Ngumiti ako. A fade one. Kailangan ko na nga sigurong tanggapin ang mga bagay bagay.


Sebastian Ferrer will never be mine... again.


----

Nagdadrive na ako pauwi. Ang gulo parin ng utak ko. Hndi ko alam kung pano ko sisimulan ang pag momove on ko.

Binuksan ko ang radio ng kotse ko. And to my surprise...


NP: Where Do Broken Hearts Go by Whitney Houston


Chorus:

Where do broken hearts go
Can they find their way home
Back to the open arms
Of a love thats waiting there

And if somebody loves you
Won't they always love you
I look in your eyes
And i know that you still care, for me

Nang aasar ba talaga ang tadhana ngayon huh? Bakit ganito pa ang madadatnan kong kanta.


I've been around enough to know
That dreams dont turn to gold
And that there is no easy way
No you just cant run away

Naaalala ko na naman. Ang nakaraan. Yung nakaraan na akin sya. Na wala akong kaagaw. Naluluha na naman ako.

And what we have is so much more
Than we ever had before
And no matter how i try
You're always on my mind


Tama. Kahit lumipas ang mahabang panahon, wala namang nagbago eh. Kahit anong pilit na ipaintindi ko sa sarili ko na... hndi na sya akin? Hndi eh. Hndi nakikisama ang utak ko. Nandito parin sya.


So here i am
And can you please tell me, oh

Pinatay ko na ang radio. Tama na. Pano ako makakamove on kung palagi kong maaalala ang nakaraan.

Badtrip! Kelangan ko nang pag-aralang makalimot!

----

When It Comes To Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon