[Ch. 31] Why?

63 1 0
                                    

[Ch. 31] Why?

Dana's POV

Bumaba na kami sa room namin ni Juris papuntang dining area. Gutom na din kasi.


"Alam mo, fhudge? Feel ko may iba talaga sa Jacob na yan eh,"

"Eh? Iba? Anung iba? Nako, fhudge. Wag mo ngang lasunin utak ko." Kung ano ano na naman pagsasabihin neto eh,

"Grabe makalason Fhudge ah. Im just saying. Wala ka bang... napapansin sa kanya pag kasama mo sya?" Pag kasama ko sya?

"Wala naman.. bakit? May kapansin pansin ba?"

"Alam mo, fhudge. Kung hndi lang kita bestfriend. Kanina ko pa dinukot yang puso mo at tinanggalan ko ng kalyo. Manhid mo, fhudge." Eh? Ako manhid? Kitams? Kaya ako pag ganyan sya magsalita eh, sya lang nakakaintindi,

"Alam mo fhudge? Gutom lang yan. Kain na tayo." At pumunta na kami sa table ng barkada. Si Sam, Seb, Clark at Divine palang ang nandun. Nasan na yung dalawa pa?


"Oh? Nasan yung dalawa?" Tanong ni Juris sabay upo na sa tabi ni Sam.


"Wala pa, Babes eh. Paparating na din yun." Sabay akbay ni Sam kay Juris pagkaupo neto.


Umupo naman ako sa tabi ni Seb ng may napansin ako sa kanya.

"Seb, natulog ka ba? Bakit... ang laki ata ng eyebags mo?" Sabay hawak ko sa kamay nya na nasa mesa. Grabe. Parang zombie naman 'to si Seb. Masyado kasing halata pag nagka eyebags sya kasi maputi sya eh.

Nagulat ako ng biglang alisin ni Seb ang kamay ko sa kamay nya. Tiningnan ko sya.

"Medyo puyat lang ako, Dana. Hehehe. Excuse me lang, magccr lang ako." Sabay tayo na nun ni Seb.

Tatayo din sana ako para sundan sya kaso pinigilan ako ni Clark.

"Hayaan mo na muna yun, Dana. Baka masama lang pakiramdam nya." Napaupo na din ako nun.

Kakaiba talaga kinikilos ni Seb ngayon. Para syang may malalim na iniisip. Sana naman bumalik na ang sigla nya. Nag-aalala na talaga ako dun eh.


-----

Nandito kami sa malaking maze ng Botanical Garden. Ang ganda grabe. Pati yung maze! Ahahahaha! Naexcite tuloy ako bigla.


"So... kanina bago ako humarap sa inyo, binigyan ko na ng chips ang boys chaka ang girls. Gaya ng alam nyo, Find your Mate ang activity natin ngayon. Bawat studyante binigyan namin ng chips ng initials ng hahanapin nilang mate. So pag nalaman mo na kung sino yun, hahanapin mo na sya sa malaking garden maze na 'to. Understand? Paghihiwalayin namin ang boys sa girls. Dito sa kanan ko ang lahat ng boys at dito sa kaliwa ko ang lahat ng girls." At nagsipuntahan na sa kanya kanyang pwesto ang mga studyante.

Tiningnan ko ang chips ng akin. 'Alguire'. Sino naman kaya 'to? Tumingin naman ako kay Seb na katabi ko ngayon.


"Seb, sino yung iyo? Patingin naman." Sabay abot ko sa kanang kamay ni Seb. Dun nya kasi hawak yung chip nya.


Nagulat ako ng bigla nyang itaas yun. Tiningnan nya ako and i assure you guys. Ngayon lang ako tiningnan ng ganito ni Seb. Napaka-cold ng tingin nya sakin. Hndi sya bubbly gaya ng dati. Napaatras ako.

When It Comes To Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon