[Ch. 26] True Smile

48 1 0
                                    

[Ch. 26] True Smile


Dana's POV

"Fhudge! Anung group mo?" Sabay kalabit saken ni Juris. Nandito na kami sa Wright Park. Paint ball naman ang sunod naming activity. Ang aga pa nga eh. Mga 1pm palang. Ahahaha nagsimula na agad ang next activity namin.

"Group 6 ako eh. Ikaw?" Tanong ko kay Juris


"Group 10. Mukang magkakalaban tayo ah." Juris


"AHAHAHAHAHAHA!" At nagtawanan kaming dalawa.

"Uy, Babes! Anung group mo?" Sam sabay akbay kay Juris.

"Group 10 eh. Ikaw?" Juris


"Asar! Group 2 ako eh," ahahaha ampanget ng mukha ni Sam

"Ikaw, Seb? Anung group mo?" Sabay siko ko kay Seb na nasa tabi ko.


"Group 7 ako eh." Awww.. ahhahaha. Hndi na naman kami magkagroup ni Seb. Pero teka.

"Seb, may problema ba?" Para kasing lutang si Seb. Anu kayang nakain neto.

"Ah.. wala. Wala naman, My Loves." Sabay akbay nya sakin. Eh? Siguro may hang over pa 'to. Uminom kasi silang apat kagabi eh. (Seb, Sam, Clark, Julian.) Duon sa mini bar.


"Ok.." At tumingin nako kay Ma'am na nag-aanounce.


"... ok, kagaya ng ginawa natin kahapon, by 5 ulit ang members ng bawat group. 14 groups at ang water gun ng bawat group ay may magkakaibang kulay. Gaya ng makikita nyo dito sa manila paper na itinataas ni Ms. Morales." Napatawa pa ako konti. Tinawag ni Tita Allona si Ma'am Morales ng 'Ms.'


Tiningnan namin ang manila paper.

Group 1 - Violet
Group 2 - Blue
Group 3 - Green
Group 4 - Black
Group 5 - Red
Group 6 - Yellow
Group 7 - Orange
Group 8 - Pink
Group 9 - Blue Green
Group 10 - White
Group 11 - Brown
Group 12 - Gray
Group 13 - Light Blue
Group 14 - Maroon


Yellow yung akin. Galing! Pero sayang hndi ako napunta sa may Blue.

".... Itinataas na ulit ng mga teachers ang group number nyo. Punta na kayo sa group nyo guys."

"Hatid na kita, My loves." Sabay palakad na namin. Meju hndi ako mapalagay. Bakit ganito ung mga kilos ni Seb? Spell awkward?


Nandito na kami sa group line ko. Humarap ako kay Seb.

"Sure ka bang ok ka lang, Seb? Nag-aalala ako sayo eh." Nagulat naman ako ng bigla akong yakapin ni Seb at halikan ako sa noo.

"Ok lang talaga ako, My loves. Pasensya na ah. Kung matamlay ako. Hayaan mo. Ibabalik ko yung sigla ko mamaya huh?" Sabay yakap pa ulit sakin ni Seb. I hug him back at bumitaw na kami.

Umalis na sya nun at pumunta naman na ako sa linya ko.

"Shocks! Ang gwapo talaga ni Sebastian 'no!" Kilala ko 'to. Mga Senior 'to eh.

When It Comes To Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon