[Ch. 59] Little Things

40 1 0
                                    

[Ch. 59] Little Things


Dana's POV

"What's with that stare?" Tanong ni Jacob saken.

Naglalakad kami ngayon dito sa school grounds papuntang canteen. Ewan ko ba. Matapos nung mga sinabi saken ni Jairo nung isang araw, parang.. may dapat akong malaman? Ewan.. nahiwagaan kasi ako sa sinabing yon ni Jairo.


"Wala.. wala naman. Gusto lang kitang tingnan. Masama ba?" Napatawa naman si Jacob at napabuga sa hangin. Napangiti ako. Grabe.. ang kowt ng mukha nya ngayon. Ang aliwalas!

"Man! She know how to make me smile!" Napatawa naman ako sa sinabi nya.


Pagdating namin sa canteen, meju marami palang estudyante. Aww-- Oww-- nagkakabanggaan na..


"Excuse. Excuse us. Fck! I said, excuse!" Pfffft! Short tempered naman neto.


Inakbayan nya ako at pinaghahawi nya yung mga estudyante na bumabangga saken. Aiyt grabe. Kilig to the bone na naman ako. Bakit ba ganito sya kasweet saken? Ayieh!!! Haba ng hair!!!

Habang kumakain kami. Abala ako sa pagnguya ng ng hamburger ko ng biglang...


"Eh?" Lumapit sya saken para... para lang punasan ang ketchup na nasa lips ko gamit ang thumb nya.

"Ang baboy mo kumain." Sabay sip nya ng ketchup sa kamay nya. Woh! B-bakit nya ginawa yun?!

"S-sira ka talaga. Baboy agad?! Hmpf!" Sabay sip ko ng softdrinks ko. Napatingin ako sa kanya at ngumingiti ngiti lang sya. Enjoy na enjoy ah.

"Teka.." napatingin naman sya saken nun na nagtataka. Ako naman ang lumapit sa kanya at pinunasan ang baba ng lips nya. ".. may bakas kasi ng biscuit." Napaubo ubo naman sya nun. Eh?! Bakit?!


"Hoy! Bakit ka inuubo? Eto oh!" Sabay abot ko ng softdrinks ko na pinag inuman ko. Nagsip naman sya nun at ngumiti. Pero.. alam nyo yun? yung ngiti nya parang ngiting tagumpay?

"Do you believe in Indirect Kisses?" Sabay lagay naman nya ng softdrinks ko sa harap ko. Napataas naman ako ng kilay ko habang nagsip sa softdrinks ko.

"Indirect kisses. For example, yung ginagawa mo ngayon. I already sip that straw on your softdrinks and yet you still sipping the same straw. Ibig sabihin, nag-indirect kiss tayo."

*PRRRRRRRRRRRRRTFFFF*


Naibuga ko naman sa lapag ang softdrink na ininom ko. Kaloka! Anong indirect-indirect kiss na yan?! Tiningnan ko sya nun at.. aba! Tawa ng tawa!! Wala na bang bukas ah?! Shemay!!!!

"Samahan mo na kasi ako sa Leisure room ko. Wala naman kayong teacher ngayon eh!"

"Ayoko! Mamaya dumating na yun! Nalate lang!" Ano ba 'to si Jacob! Nabalitaan lang na wala kaming teacher pumunta na dito at nagpipilit na dun muna kami sa leisure room nya!


"I told you. I already ask the principal. Wala nga yung teacher na yun. So why not come with me."

"Ayoko nga kasi, Jacob!" Binitiwan naman nya ang kamay ko.


"You really not, coming?"

"Hmm!" Tumango tango pa ako.


"Ok." Tumalikod na sya nun. Papasok na ulit sana ako pero...


"WAAAAAAAAAAAHHHHHH!!! JACOB!! IBABA MO AKO! IBABA MO AKO!" Kainis! Buhatin ba daw ako ng bridal style?! Naisahan ako neto ah!

"Dont want, Love. Kilala mo ako. What i want, is what i get. And your what i want, Ivvone. So.. im getting you." Ugh!!! Kitams?! Nang-aasar pa talaga sya nyan ah!! Pero aminin mo, Daniala Ivvone Chavez! Kinilig ka diba?! Diba?! Diba?!


"Aish!! Talo talaga ako." Napahawak nalang ako sa leeg nya nun at ngumiti.


----

"Wow.. tototohonin mo talaga yung sinabi mo? Magluluto ka talaga? Ahahahaha." Lumapit ako sa kusina nya at tiningnan sya.

Sabado ngayon. Pero imbes na lumabas kami eh, gusto nya daw akong itour dito sa condo nya. Anyaman eh.

Malaki yung condo nya. Mas malaki ng konti kina Seb. Ang ganda ganda pa.

"Yeah. Magluluto talaga ako. You want to try?" Sabay pagbibigay daan nya dun sa carrots na hinihiwa nya.

"Sure! Ahahahaha." Lumapit naman ako dun at kinuha yung kutsilyo. "Mincing tawag sa chop na 'to diba? Ahahahaha. Anong lulutuin mo?"

Napapitlag naman ako ng maramdaman ko yung mga kamay nya sa bewang ko. Nagtaasan na naman yung mga balahibo ko! Whoah! Ano ka ba, Jacob!!!


"O-Oy.. ahahahaha. Ano bang lulutuin mo?" Naramdaman ko na naman yung hininga nya sa ulo ko. Inaamoy amoy ako. Ano ba 'to si Jacob! Nagliliparan na yung mga paru paro sa tyan ko eh!!

"Oy! Ano bang--- Ouch!!" Argh!! Kaines! Nahiya ako ng kutsilyo. Aish! Dampi lang yun ah! Talim naman neto.


"What happen--- oh sht! Im sorry! Im sorry, Ivvone." Anla! Tarantang taranta sya habang pinapaawas nya ng tubig mula sa gripo yung daliri ko.


"Ok lang ako, Jacob. Hndi naman malalim yan eh."

"No. Its my fault. Sht! Im sorry, Ivvone. I just can't control my self whenever your near to me. You'r scent makes me crazy. Im sorry." Napangiti naman ako sa sinabi nya.


"Sorry.."


"Ok lang talaga ako."


"Im really sorry.."

"Hey.. listen to me." I cupped his face kahit na meju basa yung kamay ko. Para kasing tanga. Alalang alala sya.


"Im fine. Ok? Hndi mo kasalanan. Huh?" Napayuko naman sya nun pero tiningnan ko ulit sya. ".. totoo ba yun? Hndi mo makontrol sarili mo pag malapit ako sayo?" Ang saya lang kasing isipin na ganun sya kabaliw saken. Ahahaha. Ang sarap sa pakiramdam.

"Yes, Ivvone. Its fckng true. Its hard to control my self. The way you bats your eyes, pout your lips and form a smile, the way you laugh, the way you talk, the way you treated me. Everything about you seems so perfect. I just love you for who you are. Im crazy inlove with you." Gusto kong umiyak sa mga sinabi nya.

Niyakap ko sya. Ghad! Mahal ko na 'tong taong 'to. Sobra sobra pa ang pagmamahal nya saken. Gusto kong gawin ang lahat para suklian yun, dahil sa bawat maliliit na bagay na ginagawa nya para saken, mas lalong nadadagdagan ang dahilan para mahalin ko ng lubos ang taong 'to.

-----

When It Comes To Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon