[Ch. 13] Juris The Cupid
Juris's POV
Tinitingnan ko si Seb sa salamin sa taas ng kotse ni Sam. Sheteng frog 'to. Akala mo naman luging lugi na.
Papasok na kami sa school. Sinundo ako ni Sam sa bahay tapos pati 'tong si Seb na 'to. Pagpasok palang nya kanina hndi na mapinta ang mukha nya. Alam ko naman binubutok neto eh. Matagal ko nang alam na hndi trip trip ang ginagawa nya kay fhudge. Totoo na yun.
Pagkadating namin sa parking lot ng school hinatak ko agad ang nectie ng katabi ko.
"O-Oy Babes! Wag naman dito! Mahiya ka kay Seb." =________=+
*PAAAK*
"Aray! Ano bang problema mo, Juris?"
"Wag mo 'kong susundan hah. Kakausapin ko 'tong utol mo."
"Hah? Bakit? Sa kanya ka na ba may gusto? Hndi mo na ba ako love?!" Grabe talaga 'tong kupal na 'to! Kung hndi ko lang 'to mahal uupakan ko 'to eh.
"Eh kung sinisipa kaya kita dyan? Basta! Wag mo kaming susundan, ipapaliwanag ko sayo mamaya. Intindi?!" Lumingon ako sa likod. Eh? Nasan na yun?
"Ayun sya Babes oh!" Sabay turo ni Sam kay Seb na malapit pa naman samin.
"Sira ka talaga! Dyan ka na nga!" Sabay labas ko na nun ng kotse. Hinabol ko si Seb at hinawakan ang kamay nya.
Napatingin naman sakin si Seb.
"Mag-usap tayo."
------
Nandito kami sa rooftop ng building namin. Maaga pa naman kaya hndi masyadong masakit ung init.
"Ano bang kelangan mo, Juris?" Tiningnan ko si Seb.
"Bakit ba ang tanga tanga mo? Bulag ka na, torpe ka pa." Napakunot naman ang noo ni Seb
"Ano bang sinasabi mo hah?"
"Pwede ba, Seb. Wag na tayong maglokohan dito. Matagal ko ng alam na hndi trip trip ang pinapakita mo kay Dana. Alam kong gusto mo sya. Baka nga mahal mo na sya eh." Nanlaki naman ang mga mata ni Seb sa narinig nya.
"4 na taon ko nang bestfriend si Dana, Seb. Kilala ko ang kaibigan ko. Ang problema lang kasi sa inyong dalawa masyado kayong takot. Ano bang kinakatakot nyo? Na ireject nyo ang isat isa? Mga tanga nga kayo." Napa-cross arms ako at humarap sa langit.
"I-Ibig mong sabihin----" pinigilan ko syang magsalita gamit ang index finger ko.
"Hephep! Wala akong sinasabi na ganyan. Mas maganda na ikaw mismo ang makaalam ng tunay nyang nararamdaman. Wag ka ngang duwag, Seb. Kung anong kinatapang mo kapag nanchi-chics ka, sya namang kaduwagan mo sa taong mahal mo. Umayos ka nga!" Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Seb
"Salamat! Salamat, Juris! Ahahahaha naliwanagan ako." Tsk..
"Osya, bitaw na! Baka may makakita pa." Bumitaw na sya sa pagkakayakap at ngumiti sya. Ngiting tagumpay.
BINABASA MO ANG
When It Comes To Love ♥
RomanceKwento ng buhay pag-ibig ng magbabarkada. Kung paanong malalaman at masusubukan ang lahat ng mga imposibleng bagay sa larangan ng pag-ibig. Tampok ang pinaka bida sa istorya. Ang wagas at tunay na pagmamahalan nina Daniala Ivvone Chavez at Jacob Sha...