[Ch. 18] Mother and Daughter Talk

75 1 0
                                    

[Ch. 18] Mother and Daughter Talk


Dana's POV


Umuwi na ako. Hndi ko na sila inantay pa. Kahit si Seb. Sobrang hiyang hiya ako. Lalo na kay Seb. Pakiramdam ko nagtaksil ako. Buti at naintindihan ako ni Juris at hinayaan na ako umuwi.


Pagdating ko sa bahay, walang tao. Siguro namalengke si Mama. Dire-diretso ako sa kwarto ko at dumapa sa kama ko.

Tuloy tuloy lang ang pagbagsak ng luha ko. Ang sama nya. Ang sama sama! Pero, kasalanan ko din eh. Masyado akong nagpadala. Nakakainis! Nakakainis talaga!

Tiningnan ko yung stuff toy sa tabi ko. Umupo ako ng maayos sa kama ko at kinuha yung stuff toy na binigay ni Seb. Si Sena.

"*Sniff* Sena... sorry ah... *sniff* pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko sa Daddy mo*sniff* Hindi ko naman sinasadya eh.. *sniff*. Nadala ako ng emosyon ko*sniff*. Pag sinabi ko kaya 'to sa Daddy mo, *sniff* magagalit sya saken? *Sniff*. Pandidirian nya kaya ako?*sniff*" Para akong timang. Kinakausap ko yung stuff toy.


Niyakap ko ang stuff toy. Napakalambot. Nakapagpapagaan ng loob. Parang si Seb.

Napaiyak lalo ako. Kinakain ako ng konsensya ko.

"Sena.. *sniff* pakisabi naman sa Daddy mo *sniff* sorry. Sorry.. sorry talaga!" At hinigpitan ko pa ang yakap ko kay Sena. Nakakainis! Ayoko ng makita ulit si Jacob! Ayoko na!

"Anak?.." Napabalikwas ako at dali daling pinunasan ang luha ko. Andito na agad si Mama?

"Namalengke kasi ako kaya umalis ako. Ang aga mo ata umuwi ngayon. May problema ba?" Umupo si Mama sa gilid ng kama ko. Nakatalikod lang ako sa kanya.


"Uhm.. wala po Ma.. m-maaga lang talaga ang dismissal ngayon." Ngayon lang ako nakapagsinungaling kay Mama. Open kasi ako sa kanya sa lahat ng bagay.


Naramdaman kung lumapit si Mama at pinaharap ako sa kanya. Nagulat ako kaya tumalikod ulit ako.


"Anak... alam kong may problema ka. Ishare mo saken. Nandito lang naman ako eh." Napakagat labi ako. Sasabihin ko ba? Ung nangyari kanina? P-Parang ayoko.


".. kung nababahala ka na baka magalit ako, hndi anak. Hndi ako magagalit, uunawain kita. Basta ayoko lang na naglilihim ka saken. Ganun naman tayo diba? Kahit nung nandito pa ang Papa mo. Walang secrets. Yun ang motto natin diba?" Napaluha na naman ako. Naalala ko tuloy si Papa. Yung kalokohan namin.


"M-Mama..." Humarap ako sa kanya pero nakayuko ako. "... a-anu pong naramdaman nyo nung... nung first kiss nyo?" Alam kong nanlaki ang mga mata ni Mama kahit hndi ko sya makita.


Narinig kong tumawa ng mahina si Mama sabay angat nya sa ulo ko. Itinaas nya ang baba ko.


"May first kiss ka na, Daniala?" Nakangiti pa nyan si Mama ah. Tumango tango lang ako.


"Hay.. dalaga ka na nga. Hahaha.. uhm.. panu ko ba iexplain 'to. Sa totoo lang, Daniala. Si Papa mo ang 1st boyfriend ko. Sya din ang 1st kiss ko." Kumikinang kinang pa mata ni Mama. Halatang inlove kay Papa.


".... nung una akong halikan ng Papa mo, sinampal ko sya. 2nd yr college palang kami nun. Syempre, nashock ako eh. Galit na galit kasi ang Papa mo nun ng may umakbay sakin na lalaki. Nung time na yun 2 weeks kong hndi pinansin ang Papa mo nun. Hiyang hiya ako. Tsaka nanginginig pa nga ako nun eh. Ahahaha." Mama talaga. Lakas maka-teenager.


Napayuko ako nun. Hinawakan ang labi ko. Iba naman kasi yung akin eh. Sa isang womanizer napunta ang 1st kiss ko. Nakakainis! Kahit naman nung nasa library kami. Kinuha na nya yun. Nakakainis!


"Eh.. Ma, p-panu kung... kasi Ma.. iba kasi sya eh. Hndi ko alam! Nalilito na ako." Sabay yakap ko ulit kay Sena. Sena tulong naman oh! Dalawa ng lalaki ang nasa utak ko. At talagang nalilito na ako!


Nakita kong ngumiti si Mama.


"Hindi si Seb ang 1st kiss mo 'no?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mama.


"AHAHAHAHAHA!! Lumalove life na ang anak ko!" Sabay yakap sakin ni Mama.


"Mama naman." Mama talaga eh. =___________=


"Kaya ka ba natutuliro ngayon, Anak? Kasi pakiramdam mo ay pinagtataksilan mo si Sebastian?" Wow Ma! Manghuhula ka ba dati?

Tumango tango lang ako sa sinabi ni Mama.


"Ahohohoho! Anak... ang mga lalaki kasi, may ibat ibang paraan para maipakita nila ang pagmamahal nila sa isang babae. Napaka-unpredictable nila. Kay hndi mo talaga sila mahuhuli. Unless sasabihin nila ng Verbal." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Mama. Wala akong maintindihan.


"Alam mo, Daniala...." Sabay paistraight ni Mama sa nakakunot kong kilay. ".... Kahit sinung piliin mo sa dalawa, ok na ok lang sakin. Basta, tatandaan mo lang ang limitasyon mo huh? Bata ka pa, kaya mas bigyan mo ng priority ang pag-aaral mo. Pero maganda din kung may inspirasyon ka! Ahohohoho!" Sabay tayo na nun ni Mama. Eh? Ang gulo naman neto.


"Osya.. tama na yang pagmumukmuk mo! Bumili ako ng pancake sa palengke. Tara, tulungan mo akong magluto at ng magmeryenda tayo." Ngumiti ako kay Mama. Si Mama talaga. Kahit medyo kalog 'to minsan, mahal na mahal ko 'to!


Tumayo na din ako at inakbayan si Mama.


"Sige Ma! Gutom na din ako eh!"

Nagtawanan lang kami ni Mama at lumabas na ng kwarto ko.


Thanks! Ma!


----

A/N: Maganda pag close ka sa magulang mo! Gaya nga ng sabi ng idol ko na si Papa Jack: Gawin mong bestfriend ang mga magulang mo, at gaganda ang buhay mo!

Intindi hoh?! Ahahahaha xD

When It Comes To Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon