[Ch. 11] Afraid
Seb's POV
"'Tol, anu ba problema mo hah? Kahapon ka pa ganyan." Sabay tungga ko ulit ng isang bote. Sunud sunod ang lagok ko.
"Hoy, Sam! Pigilan mo yang kapatid mo! Hah! Mamamatay yan sa alak eh!" Clark
"Seb ano ba! Para kang gag*! Ano ba kasi problema mo?!" Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang braso ko.
"Pwede ba? Wag nyo nalang akong pakialaman? *Hik* hndi pa'ko lasing. Kaya ko pa kaya *hik* hayaan nyo lang ako dito sa bar ng ating espren na si Clark!" Sabay tap ko sa balikat ni Clark "Salamat sa pagpapatuloy, brad! Ahahahaha" At tungga ko pa ulit.
Gusto ko muna makalimot. Kahit isang oras lang. Ayoko munang mag-isip tungkol sa kanya. Natutuliro na kasi ako.
Clark's POV
Gag* talaga 'tong si Seb. Ano kayang problema ng gunggung na 'to? Taena. Hndi ko mabantayan ng maayos yung bar ko dahil sa tarantadong 'to. Baka gumawa ng eksena eh.
Pagkauwian na pagkauwian kanina dumiretso kaming tatlo dito sa bar. Nangyaya ang animal eh.
"Ano ba daw kasi problema ng utol mo, Sam?" Eto ring si Sam eh. Napakawalang kwentang kapatid mahilig lang na sagot nyan...
"Aba't malay ko sa gag* na yan! Kambal kami pero hndi ibig sabihin alam ko lahat ng kilos nyan!"
Kitams? Ganda ng sagot?! =_______=
*PAAAK!*
"Aray! Taena nambabatok ka na naman ah!"
"Tarantado ka kasi! Tanungin mo kaya! Napakagag* mo talaga!" Grabe 'tong magkapatid na 'to. Kung minsan parang mga walang utak eh. Minsan naman ubod ng talino. Ay ewan!
"HOY SEBASTIAN! ANO BANG PROBLEMA MONG GAG* KA! MAGSALITA KA NGA!" Napasapo ako sa ulo ko. Asar talaga 'tong dalawang 'to. Gumagawa ng eksena sa bar ko.
"'Tol... wala siguro talaga akong pag-asa sa kanya *hik*. Sht! Hanggang kaibigan lang talaga tingin nya sakin! *Hik*"
Nagkatinginan kami ni Sam. Taena. Si Dana pala pinuproblema ng gunggung na 'to. Kaya pala.
"Sira ka ba, Seb? Wag ka nga munang magconclude agad! Bakit? Tinanong mo na ba sya? Nanligaw ka na ba?" Alam kong parang tanga lang kasi kinakausap ko ang taong lasing. Pero si Seb yan. Hndi yan ganun agad nalalasing.
"Tama nga naman si Clark, Seb. Wag ka munang mag-isip ng kung ano ano kung wala ka pang ginagawang hakbang." Wow, talino mode na naman 'to si Sam
"Ginawa ko na. *Hik* sinimulan ko nung nakaraang araw. Pero alam nyo ba sabi niya? *Hik* wag ko daw syang gamitan ng chicser moves ko. *Hik* pakiramdam ko wala talaga ako sa kanya. Sht! Damn this feelings!" At tungga nya ulit ng beer.
Napailing iling ako. Ang lakas talaga ng tama ng gunggung na 'to kay Dana. Tss.. sinu ba namang hindi? Sweet si Dana. Bubbly. Madaldal sya pero imbes na mainis ka, matutuwa ka. Maalaga din sya. Maalalahanin. At ready pa syang tumulong kahit sa mga maliliit na mga bagay. Minsan din akong nabaliw kay Dana. Pero ng malaman kong may gusto din si Seb kay Dana. Ginawa ko ang lahat para mawala yung feelings ko kay Dana. And im glad dahil wala na nga. Bestfriends nalang kami. Pero alam kong may isang nasasaktan dahil malakas ang tama ni Seb kay Dana. Si Selene.
BINABASA MO ANG
When It Comes To Love ♥
عاطفيةKwento ng buhay pag-ibig ng magbabarkada. Kung paanong malalaman at masusubukan ang lahat ng mga imposibleng bagay sa larangan ng pag-ibig. Tampok ang pinaka bida sa istorya. Ang wagas at tunay na pagmamahalan nina Daniala Ivvone Chavez at Jacob Sha...