[Ch. 51] Welcome Home, Papa!
Dana's POV
Nandito kami sa airport ngayon. Ngayon na daw ang uwi ni Papa! Kahit friday ngayon at may pasok, umabsent talaga ako. Miss na miss ko na talaga si Papa at gusto ko syang makita ngayon!
Lumalabas na yung mga passenger ng eroplanong sinakyan ni Papa. Excited na ako! Medyo maluha luha pa ako.
"Konting tiis nalang mga anak. Makikita nyo na ulit ang Papa nyo!" Meju garalgal pa ang boses ni Mama. Halatang pati sya miss na miss na din si Papa.
"Mama..." at niyakap ko si Mama. Baka kasi magbreakdown si Mama eh. Masyado kayang mahal ni Mama si Papa. Alam kong mas nahihirapan si Mama kasi miss na nya si Papa.
"Mama naman! Baka pag nakita tayo ni Papa dito pagtawanan tayo nun!" Natawa naman kami sa sinabi ni Dashika
"Tama na nga yang drama'ng yan Ma! Nababakla ako sa inyo eh." Natawa pa ako sa sinabi ni Juno.
Bumalik ang tingin namin sa mga lumalabas na pasahero at nanlaki ang mga mata ko sa lalaking naka royal blue na polo shirt.... s-si Papa..
"Si Papa! Mama ayun na si Papa! PAPA!! PAPA!!!!" Dashika
"S-Si Papa..." Juno
"Iñigo... sya na nga.. ang papa nyo.," Mama
"Anak! Mga anak ko! Ella!" At lumapit na samin si papa.
"Papa... Papa.. huhuhuhu..." Dashika.
"Papa.."at niyakap pa namin si Papa. Naggroup hug kami. Grabe.. sobrang namis namin si Papa. Halos dalawang taon simula ng huling dalaw nya samin. Sobrang miss na namin talaga si Papa!
"Papa..." Juno
"Tara nga dito, unico ihjo ko! Namis ko kayong laht." At niyakap pa kami ni Papa. Wala akong paki kahit tingnan pa kami ng maraming tao. Basta, gusto kong makasama si Papa!
Bumitaw naman na samin si Papa at tumingin na kay Mama. Si Mama naman, iyak ng iyak! Tsk...
"Ella..." Papa
"Iñigo... Iñigo... namis kita!" At niyakap na ni Mama si Papa. Tsk.. mas lalo pa akong naiyak. Grabe.. miss na miss talaga nila ang isa't isa!
"Mga anak.. talikod muna kayo." Ngumiti ako. Alam ko na gagawin ni Papa. Tumalikod kaming tatlo nun at nagka-akbay akbay kami. Ang saya ko! Kompleto na kami ulit!
------
Nandito na kami sa bahay. Si Mama hndi magkandaugaga para sa paghahanda ng hapunan namin ngayon. Dapat daw espesyal kasi nandito si Papa. Kaya yun, tinutulungan ko sya ngayon dito sa kusina.
"Papa! Papa! Diba sabi ko sayo noon, magdala ka ng snow dito sa pilipinas? Bakit wala kang dala?" Napatawa naman ako ng marinig ko ung sinabi ni Dashika. Pasaway talaga yung bata'ng yun.
Nasa sala kasi sila ngayon, kaya matatanaw namin sila dito sa kusina.
"Anak.. hndi nga pwede kasi tunaw na yun pagdating ko dito." Paliwanag naman ni Papa kay Dash na kaakbay ni Papa ngayon sa sofa. Tsk. A priceless scene. Sana forever nalang dito si Papa. Pero alam kong hndi pwede dahil kelangan nya ding magtrabaho para mabuhay kami.
BINABASA MO ANG
When It Comes To Love ♥
RomanceKwento ng buhay pag-ibig ng magbabarkada. Kung paanong malalaman at masusubukan ang lahat ng mga imposibleng bagay sa larangan ng pag-ibig. Tampok ang pinaka bida sa istorya. Ang wagas at tunay na pagmamahalan nina Daniala Ivvone Chavez at Jacob Sha...