[Ch. 39] My Selly
Seb's POV
Weekends na. Nandito ako sa condo ko. Still thinking kung pano ko makakausap si Dana. Gusto kong magpaliwanag sa kanya. Gusto kong magsorry. Nangungulila na ako sa kanya at pakiramdam ko malapit na akong mabaliw kakaisip sa kanya.
Napapitlag ako habang nag-aalmusal. Bigla kasing nagvibrate cp ko. Teka.. may tawag.
Calling.. Daddy
Anung kelangan ni Dad saken?
*ANSWER*
"Hello, Dad?"
[Seb, i want you to do something.]
"What is that, Dad?"
[I want you to go in our house in Laguna. Wait Mr. Capistrano there. He will give you some papers. Bring me that in my office, understand?]
"Ok, Dad."
[Ok, bye Seb.] And i hung up the phone.
Sht! . Ngaun pa talaga nakisabay si Daddy. Asar! Bakit kasi ako ang paborito nyang utusan at hndi yang si Sam? Tsk. Hayahay yun ah! But, no other choice. Kelangan ko munang sundin si Dad.
------
Lumabas na ako ng kotse ko habang tumitingin sa bahay namin. Eto yung bahay namin ni Dad nung bata pa ako. Dito din sila nagkahiwalay... ni Mom.
Nyah! Bakit ko ba inaalala yun? Past is past. At marami akong ginawang paraan makalimutan lang yun.
Nagsimula na akong maglakad papasok sa bahay. Nakabukas naman ang gate eh. Nagulat ako ng biglang may lumabas sa may likod ng bahay.
"Sino po---- WAAAH!!! Sebastian!!!" Napangiti naman ako habang papalapit saken si....
"Mama Cely! Ahahaha.... nandito pa po pala kayo?" At niyakap ko si Mama Cely. Sya yung pinakamatagal na talaga namin na kasama sa bahay. Kahit nung wala pang mga anak sina Mom at Dad, nandito na si Mama Cely. Hanggang sa alagaan na kami ni Sam.
Kumalas naman na si Mama Cely at hinampas ako ng mahina sa dibdib.
"Pasaway ka parin hanggang ngayon, Sebastian! Ahahaha. Halika, at magmerienda ka na. Alam ko ang pinunta mo dito."
------
Nandito ako sa sala, naglilibot, habang si Mama Cely nasa kusina at naghahanda ng merienda.
Palakad lakad lang ako. Ang bahay. Ganitong ganito parin ng iwan namin. Walang pinagbago. Ang portrait nina Mom and Dad nung bagong kasal nila sa may gitna ng sala. Sa tabi nun ay ang mga pictures naming buong pamilya. Sa kanan yung pictures namin nung baby at 1 year old kami ni Sam. Sa kaliwa yung pictures naman namin nung family day namin sa pre-school at... teka...
"Oh? Inaalala mo ang kabataan mu sa States, Sebastian?" Napapitlag ako ng biglang magsalita si Mama Celly.
Lumapit naman saken si Mama at inilagay ang sandwhich sa maliit na mesa sa likuran ko.
"Mama Celly, hndi ko matandaan ang isang 'to? Sino 'tong babaeng kaakbay ko?" Sabay turo ko sa litrato.
"Saan 'nak? Ikaw ah.. makakalimu---" Bigla naman napatigil si Mama Celly at nanlaki ang mga mata neto.
"M-Mama Celly? May problema po ba?" Sabay tapik ko sa balikat ni Mama.
"A-Ay.. wala lang 'nak. Ahahahaha. Wala lang yan 'nak. Ano.. uhmm.. kaklase mo ata yan dati. Ahahaha. Tara, meryenda ka na muna." Sabay hila saken ni Mama Celly paupo. Meju weird. Bakit ganun ang pakiramdam ko?
BINABASA MO ANG
When It Comes To Love ♥
RomanceKwento ng buhay pag-ibig ng magbabarkada. Kung paanong malalaman at masusubukan ang lahat ng mga imposibleng bagay sa larangan ng pag-ibig. Tampok ang pinaka bida sa istorya. Ang wagas at tunay na pagmamahalan nina Daniala Ivvone Chavez at Jacob Sha...