[Ch. 40] The Spark

35 1 0
                                    

[Ch. 40] The Spark


Dana's POV

Inayos ko pa ang pagkakatali ko sa buhok ko. Binagsak ko pa ang bangs ko sa harap. Yan.. ok na.

Lumakad na ako papunta kay Mama. May ipapabili daw kasi sya.

"Ma, andito na ako. Ano po ba yun?" Saad ko kay Mama na nasa kusina.

"Medyo sumakit kasi yung tuhod ko kaninang tanghali, ikaw nalang bumili ng para sa hapunan natin. Eto listahan oh. Pati yung pera. " Tinanggap ko naman ang pera at tumingin kay Mama.


"Ma, magpacheck-up na po kasi kayo. Baka hndi na epektibo yang gamot nyo." Nag-aalala na kasi ako kay Mama. Kung ano ano na lang iniinum nya pero parang hndi naman na epektibo.


"Hay nako anak. Ako nakakaalam sa sarili ko huh. Kaya ko 'to. Sige na, mamalengke ka na." At pinagtulakan na ako ni Mama palabas ng bahay.


Lumabas naman na ako at nagsimula ng maglakad.


Linggo na ngayon. Bukas pasok na naman. Hndi ko na alam kung kakayanin ko pang hndi sila pansinin. Ang KMG. Sobrang namimis ko na sila. Lalo na si Seb.

*SIGH* napabuntong hininga nalang ako. Si Seb. Namimis ko na din sya. Sobra. Pati., yung pagturing nya saken na 'Prinsesa'. Yung pagtawag nya saken ng 'My loves'. Yung pag-akbay nya palagi saken. Lahat yun, namimis ko na.


Kung papatawarin ko ba sya, babalik ba ang lahat sa dati? Kung papatawarin ko ba sila ni Selene, magiging 'My loves' nya ba ulit ako? Nyah. Pakiramdam ko hndi na. At nasasaktan ako.


Nang makita ko silang maghalikan sa harap ko parang kinakatay ng paulit ulit ang puso ko. Pakiramdam ko yung mga halik na yun sa labi nila, parang halik ng tunay na pag-ibig. Kahit hndi ko pa nararanasan yun, pakiramdam ko yun talaga yun.

Hinawakan ko ang labi ko. Bigla kong naalala si Jacob. Sya ang 1st at 2nd kiss ko. Nakakainis lang kasi laro lang yun para sa kanya. Gusto kong mandiri kasi ang labing humalik saken ay marami ng nakahalik na mga babae. How i wish na ako nalang din ang 1st kiss nya.


0_________________________0?

Ha?! Teka.. anu bang pinagsasabi ko? Bakit biglang nag-init muka ko ng si Jacob na ang naiisip ko.

AAAAAAAH!!!!! Erase! Erase! Wooh. Para akong timang.

Speaking of Jacob, gustong gusto ko na ang pakiramdam na kasama sya. Hindi alam ng iba pero may kakulitan din syang tinataglay. Nakakainis lang kasi napakayabang nya talaga. At tsaka pakiramdam ko pag kasama ko si Jacob, pinapatay na ako ng mga babaeng nakakasalubong namin sa isip nila. At hndi talaga mawala wala sa isang Jacob ang pagkabipolar nya. Hndi ko rin mapredict ang ugali nya.

Pero isa lang ang masasabi ko.


I feel happy and safe whenever im with him.


------

Tapos ko na ang lahat ng nasa listahan ni Mama. Whooh. Magtitinola pala si Mama ngayon. Ahahahaha! Super sarap!!! XD


Teka, may dala ako ditong extra'ng pera. Makabili nga ng paborito kong donut! O(∩_∩)O

Papunta na ako sa bilihan ko ng donut ng biglang...

When It Comes To Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon