[Ch. 65] My Worst Nightmare Ever
Juris's POV
Nandito na kami sa loob ng booth. Ilang oras nalang magsisimula na yung pagpasok ng mga students sa iba't ibang room. Ngayon na kasi yung horror booth opening. Mamaya na yung pag aanounce ng mananalo.
Nakita kong hinatid ni Shaun si Dana dito sa room. Aww.. ang sweet nila. May pahug hug pa sila. Nalaman kong sila na kahapon. Haba talaga ng hair ni fhudge! Ang isang napakagwapong Shaun pa ang naging boyfriend nya. Ikaw na, fhudge.
"Wow.. haba ng hair natin fhudge ah." Bati ko kay Dana na kakapasok lang. Nakabihis na din sya ng black dress. I bet si Shaun bumili nyan. Ganda eh. Bagay pa sa kanya. Hmpf! Hndi naman halatang nananakot 'to eh. Ang ganda nya kaya.
"Grabe fhudge ah. Ahehehe. Uhm.. kamusta na pala kayo ni Sam?"
"Hay nako. Wag na nating pag usapan yan. Pasok ka na nga." Sabay patulak ko ng konti kay Dana.
"Aray fhudge ah. Spell bitter?"
"Tse!" at lumayas na si Dana sa harap ko.
Tsk. Speaking sa halimaw na yun. Wala parin sya hanggang ngayon. Shete talaga yun! Palagi nalang akong pinag-iintay. Sa buong isang linggo walang araw na hndi ako nabaliw kakaisip kung san sya nagsuot tapos bigla bigla syang papasok at sasabihing pinapunta sya ng Mama nya sa america for 1 week? Siraulo ba sya?! Hndi man lang nya inisip na may gagang nag-aabang sa kanya dito at nag-aalala sa kanya? Tapos gusto nya mapatawad ko sya agad agad?! Lul! Gag* sya!
Tapos ngayon wala pa sya. So ano na naman ngayon? Ano na namang palusot nya? Takte. Nanggigigil na ako sa kanya. Naiintindihan ko naman si Seb ng sabihin nyang intindihin ko si Sam kasi sya talaga pinagkakatiwalaan ng Mama nila sa bussines nila sa States, pero ghad! Sana man lang magpaalam sya ng maayos! Hndi yung bigla bigla nalang syang mawawala ng parang bula.
"Ok! Ilang minutes nalang dadating na yung mga students! Be ready guys!" Saad ni Clark. Takte! Wala pa talaga sya! Hndi ba dadating yun dito?!
"Seb." Sabay kalabit ko kay Seb nun. Kausap nya si Julian
"Oh? Bakit Juris?" Sht! Galit ako kay Sam ngayon pero hndi ko parin mapigilan ang mag-alala. Takte, mahal ko yun eh!
"Ung kapatid mong gag*.. pupunta ba daw yun dito?" Nagtawanan naman sina Julian at Seb. Tsk tsk. Tatawan tawanan pako ng mga 'to pag untugin ko 'to eh.
"Ang alam ko papunta na sya dito. Nandun pa yun sa condo nya eh. Kasama yung pinsan mo? Si Thalia. Sabi kasi ni Thalia sasama daw sya dito." At bigla ng bumilis ang tibok ng puso ko.
"Ah.. eh.. ganun ba? Sige.." at mabilis akong umalis sa harap nila.
Lumabas ako ng room at napasandal ako sa pader. Hinawakan ko ang dibdib ko. Ghad! Ayokong mag-isip ng masama kay Thalia. Pinsan ko yun pero.. pangalawang beses na 'to! Una kong narinig ang pangalan ni Thalia kay Aj. Yun yung time na pinagtatanung ko sila (Barkada) isa isa. Eto yung binulong saken ni Aj.
"Ayokong makasira ng relationship nyo pero ayokong hayaang gawin kang tanga. Kasi.. nakita kong may kasamang babae si Sam sa sasakyan nya galing sa building ng condominium nila. Kilalang personality yung babae. Thalia ata kung hndi ako nagkakamali. Isang model sa states."
BINABASA MO ANG
When It Comes To Love ♥
RomanceKwento ng buhay pag-ibig ng magbabarkada. Kung paanong malalaman at masusubukan ang lahat ng mga imposibleng bagay sa larangan ng pag-ibig. Tampok ang pinaka bida sa istorya. Ang wagas at tunay na pagmamahalan nina Daniala Ivvone Chavez at Jacob Sha...