[Ch. 77] Thief
Dana's POV
"Ano? Itutuloy yun ni Mr. Brook?! Akala ko ba hndi na yun matutuloy?"
"Hndi ko alam. Hndi ko alam, Ella. Ang tanga ko! Masyado kasi tayong gipit nun para sa pagpapagamot sa kanya, kaya pumayag ako. Akala ko talaga wala na yung kasunduan na yun. Pero naalala nya pala."
Hmmmm.. ano ba yung ingay na yun? Eh? Si Mama at Papa? Nag-aaway? Bakit naman? Weh? Bago yun ah. Hndi naman nag-aaway sina Papa eh.
Napabangon ako sa kama ko at tiningnan ang digital clock na nasa aparador malapit sa kama ko.
Dec. 29 20×× Friday 4:30am
Alas kwatro palang pala ng madaling araw, gising na agad sila? Napatingin ako sa mga katabi ko. Malawak kasi yung room na 'to. May tatlong kama kaya tig isa kami ng mga kapatid ko. Tingnan mo 'tong mga 'to. Tulog na tulog at balot na balot pa ng blanket. Kung sa bagay, sobrang lamig nga naman.
Napatingin ako sa pinto na gumagalaw ang doorknob. Oh! Sina Papa! Papasok dito?! Nagmadali akong humiga ulit at nagbalot na blanket. Ayoko makitang gising ako.
Nakaramdam ako ng mga yabag na papalapit sa akin. Whoh? Saken nga? Naramdaman kong may umupo sa kama ko at hinaplos ang noo ko. Inalis nila yung buhok ko na nasa noo ko. Si Mama ata 'to.
"Pano natin ipapaliwanag sa kanya, Iñigo?" Si Mama nga 'to. Ipapaliwanag? Ang alin? Bakit magpapaliwanag?
"Hndi ko pa alam, Ella. Asar! Mapapatawad pa kaya nya ako, Ella? Pag nalaman nya?" Si Papa. Anung mapapatawad? Bakit? Anung hndi ko alam? May dapat ba akong malaman? May tinatago ba sila saken?
"Mapapatawad ka ng anak mo, Iñigo. Sigurado yan." Ano ba yun? Bakit ganun usapan nila?
------
"Nasan si Papa, Ma?" Tanong ko kay Mama. Kakatapos ko lang maligo sa mainit na baththub! Hohoho! Pero paglabas ko malamig na naman. Kaya yun, nagjacket ulit ako ng makapal. Natatandaan nyo 'to? Yung leather Jacket ni Jacob nung nastranded kami sa elevator dati? Eto yung suot ko. Shemay talaga! Miss ko na sya!
"Ah.. ang Papa mo, pinatawag sa opisina saglit. Pero babalik din agad yun mamaya." Ahh.. napatingin naman ako sa ginagawa ni Mama. May kung ano kasi syang sinusulat eh.
"Ano yan, Ma?" Saka ako lumapit sa kanya.
"Ah. Oo nga pala, pwede ba akong makisuyo sayo, Dana? Bilhin mo 'tong mga 'to. Maghahanda na tayo para mamayang media noche." Ay! Oo nga pala 'no? Bagong taon na mamaya. Hohoho! Nakalimutan ko.
"Sige, Ma." Ay teka. Hndi ko alam kung san bilihan dito. Like, hello? Nasa New York na kami?!
"Sasamahan ko na po kayo, Ma'am." Napatingin ako sa tumabi saken. Ah... yung staff ni Papa na babae.
"Sige. Salamat ah."
-----
Naglalakad lang kami ng staff ni Papa dito sa gilid ng kalsada. Ahahahaha! Sobra akong natutuwa ngayon! Lam nyo kung baket? NAG-ISNOW NA NGAYON!! AHAHAHAHA!! Grabe... inilalahad ko ang palad ko sa hangin habang naglalakad. Hohoho! Ang cute ng snow!!
BINABASA MO ANG
When It Comes To Love ♥
RomanceKwento ng buhay pag-ibig ng magbabarkada. Kung paanong malalaman at masusubukan ang lahat ng mga imposibleng bagay sa larangan ng pag-ibig. Tampok ang pinaka bida sa istorya. Ang wagas at tunay na pagmamahalan nina Daniala Ivvone Chavez at Jacob Sha...