[Ch. 81] Some Arrangements

38 1 0
                                    

[Ch. 81] Some Arrangements

Dana's POV

Hay.. sobrang nakakapagod talaga. Gusto ko na munang ipahinga ang ulo ko.

Nauna na kaming umuwi ni Kevin dito sa pilipinas. Pinauna na kami ni Tito Robert eh. Ang dami nyang binilin saming dalawa. Para kaming mga sundalo na kelangang sumunod sa utos ng kumander namen.

Inusog ni Tito Robert ang deal namin. Hahayaan nya akong makapag-isip for 9 months. At sa september daw ang araw ng Engagement namin ni Kevin. Sa araw pa talaga ng debut ko. Naiiyak akong isipin na ikakasal ako kay Kevin gayong si Jacob naman ang mahal ko. At bakit? Dahil sa utang na loob. Tsk. Hndi ko man lang matandaan na nangyari saken yun. Pero sabi ni Mama yun daw talaga ang nangyari. Nagkaamnesia daw kasi ako dahil sa lalim daw ng bangin na nahulog ako. Hay.. ewan. Hndi ko talaga alam gagawin ko ngayon. Pag tumanggi ako apektado ang trabaho ni Papa at ayokong mangyari yun. Nakakainis.

"Tara na, Daniala." Napabuntong hininga nalang ako at sumunod kay Kevin.

Alam mo pa yung nakakainis na part dito. May mga guards kami na nakabuntot samen. Mula ng pag-alis namin ng NY hanggang sa pagbalik namin dito sa Pilipinas. Ewan. Isa 'to sa mga kaayusan ni Tito Robert. Pag aalis kami dapat may guards kaming kasama or dapat may mauutusan kami. Hay.. talaga.

"Oh. Ingat." Inalalayan ako ni Kevin na makasakay sa van. Pinauna nya ako at sumunod na sya sa pagpasok. Sinara na nya agad ang van.

Napabuntong hininga pa ako at isinandal ko ang ulo ko sa gilid ng windshield. Hndi talaga ako makapaniwala sa mga nangyari. Ewan ko kung panu ko haharapin ang bawat bukas. Panu ko haharapin si Jacob neto? Hay... nakakainis talaga.

"Uhm.. Daniala. D-Dun ka ba.. sa b-bahay natin matutulog." Napabuntong hininga ako nun.

Oo. Isa pa sa kaayusan ni Tito Robert. Simula ngayon, hndi na ako sa bahay namin titira. May bahay na kasi kami ni Kevin sa isang subd. mga 2 sakay ng jeep ang layo sa school. Matagal na daw yung pinagawa ni Tito Robert para saming dalawa. Dun na daw ako titira para daw masanay na kami ni Kevin sa isa't isa. Nakakainis!

"Psh.. naiilang ka din?" Nahalata ko kasi sa boses nya na nauutal utal sya.

"Uhm.. hehe. Medyo." Napabuntong hininga ulit ako. Sht! Parang wala talaga akong ganang komontra ngayon. Ang saket pa ng ulo ko.

Isinandal ko pa ang ulo ko nun sa may upuan ko. Saket talaga eh. Dala 'to ng byahe.

"Dun nalang muna siguro ako. Saket kasi ng ulo ko eh. Bukas ko nalang kukunin yung mga damit ko sa bahay. Ok lang ba?" Idinilat ko pa yung isa kong mata at tumingin ako kay Kevin. Nakita kong nakangiti sya.

Kinuha naman nya ang ulo ko at sinandal sa balikat nya. Tapos inakbayan nya pa ako.

"Mukhang pagod ka nga. Sige.. pagdating na pagdating natin magpapahinga agad tayo dun sa bahay, huh?" Ngumiti naman ako nun at niyakap ko nalang sya.

Oo. Kahit na sya si Stephan Kevin Brook na kaaway ni Jacob, naging kaibigan ko na din sya at kailangan ko mapagsasabihan ng mga hinaing ko. Dagdag mo pa na... sya pala yung kababata ko noon kaya, magaan na din ang loob ko sa kanya. Pero hndi mababago ang katotohanan na si Jacob ang mahal ko. Mahal na mahal na mahal ko sya...

------

Kevin's POV

Huminto na ang van sa harap ng magiging bahay namin ni Daniala. Napangiti ako ng makita ang bahay. 2 storey ang bahay na 'to. May kalakihan ng konti. May garden at may malawak na bakod. Ang ganda ng bahay. Ang saya siguro dito pag palagi kong kasama si Daniala dito.

When It Comes To Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon