[Ch. 80] Revelation

43 1 0
                                        

[Ch. 80] Revelation


Dana's POV

"Ayan.. ang ganda mo na, anak." Napangiti naman ako kay Mama.

Nakabihis ako ng gown ngayon. Eto yung paborito kong kulay! Royal blue ang gown na 'to na palobo ang skirt! May mga wraffles pa! Ahahahaha! Ang ganda talaga! Sleeveless 'to pero may glooves din ako na abot hanggang siko ko. Royal blue din yun! Ahahahaha! Nakapusod ang buhok ko ngayon na may nakadikit pa na royal blue pearls. Tapos yung hikaw ko at bracelet royal blue din, pati nga sapatos ko eh, royal blue ang iba lang yung palagi ko ng suot. Yung kwintas na bigay saken ni Jacob. Ayoko kasi 'tong alisin. Sabi nya diba?

"Nak.. eto na yung amulet na regalo ni Mr. Brook sayo. Eto daw ang isuot mo para sa ball." Eh? Isa iyong heart na malaki. Pure ruby. Ang ganda. Kumikinang kinang pa.


"Pero, Ma. Ayokong alisin 'to." Hinawakan ko ang kwintas na binigay ni Jacob. Sobra na akong nangungulila sa kanya. Mahigit isang linggo narin kami dito, pero hndi pa kami pinapauwi ni Mr. Brook. Hay... hndi naman ako kasi maka-hndi kay Mr. Brook kasi.. sobrang bait nya samin. Pati na kina Mama at Papa.


"Sige na, Anak. Ngayon lang naman." Napabuntong hininga nalang ako at ako na mismo ang naghubad ng kwintas ni Jacob.


Isinuot na ni Mama ang kwintas saken. Wow. Ang ganda ganda naman.


"Ayan.. ok na." Napangiti naman ako kay Mama pero tiningnan ko ang kwintas ni Jacob.


'Saglit lang naman eh..' bulong ko. Para kasi saken pag suot ko ang kwintas na 'to si Jacob ang kasama ko. Kainis! Miss na miss ko na talaga sya.

"Nak.." Napatingin naman ako kay Mama. Inaya naman nya ako hanggang sa makaupo kami sa kama ko. Nakabihis din si Mama eh. Straight gown naman yung kanya. Kulay red.


Tiningnan ko ang mukha ni Mama. Eh? Bakit parang sumeryoso ata sya? Bakit?


"Nak.." hinawakan nya ang dalawang kamay ko. "Kung may malaman ka man ngayong gabi... sana.. sana mapatawad mo kami ng Papa mo.." hah? Napayuko na si Mama nun. Hala.. bakit? Anung meron?


"Bakit? Anu yun Ma?" Ngayon ko lang nakitang ganito si Mama. At humihikbi hikbi na sya. Hala! Hala! Bakit?


"B-Basta.. *sniff* sana.. mapatawad mo kami huh? Ginawa namin ang lahat para sa ikabubuti mo. Lahat lahat, Dana. Patawarin mo kami." At niyakap pa ako ni Mama. Niyakap ko rin naman sya pabalik. Hala. Bakit kaya? Bakit ko sila papatawarin? Parang ganito din yung narinig ko sa kanila nung umaga bago magbagong taon. Ano ba kasi yun?


-----

Pagkababa na namin ni Mama sa kwarto, nakita ko na si Papa nun. Naks, ang gwapo naman ni Papa! Naka white tux sya ngayon. Ahahaha.

Inaya ni Papa ang kamay nya at kinuha ko naman yun. Eh? Bakit parang nalugi mukha nya? Nu ba kasi yun.


Napatingin naman ako sa lalaking nakatalikod sa akin. Maya maya humarap naman sya. At as ussual.. si Kev--- ay hndi. Stephan na daw itawag ko sa kanya, sabi ni *ehem! Ehem!* T-Tito Robert at T-Tita Martha. Shemay! Sabi kasi nila yun daw ang itawag ko sa kanila eh.

When It Comes To Love ♥Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon