[Ch. 41] Love Is In The Air!

41 1 0
                                    

[Ch. 41] Love Is In The Air!


Dana's POV

Lumakad ako papalapit sa lalaking ito na nakatayo sa madilim na parkeng ito. Tanging ang liwanag lang sa bilog na buwan lang ang ilaw namin. Nakatingala sya sa buwan.

"Pangakong hindi lilisan
Hanggang sa panahon ay lumipas
Pangakong ito sa ilalim ng buwan
Kailan ma'y hindi bibitawan"


Nanlaki ako sa sinabi ng lalaking yun. P-Paano nya nalaman yun?!


Unti unting tumingin sa akin ang lalaking yun. Na dahilan para lumaki pa ang mga mata ko.

"Ivvone...."

"WAAAAAAAAAAH!!!!!!!" Huminga ako ng malalim.

P-Panaginip. Panaginip lang. Napahawak ako sa dibdib ko. Woah! Bakit ko napanaginipan ang lalaking yun?!

Pinagsasampal ko pa ang mukha ko. Tama na nga 'to! Nababaliw na nga talaga ako! Haish!!!

Magreready na nga ako sa pagpasok!

-------

Third Person's POV


"Ma, alis na ako. Baon ko?" Sabay lahad ni Dana ng kamay nya sa kanyang Mama.


"Oh eto na anak. Mag-iingat ka ah." Tumango tango lang si Dana at lumabas na ng bahay.


Pagkalabas ni Dana ng bahay nila, medyo napangiwi ito. Nakasanayan na nya kasing may kotse na nag-aabang duon. Ang kotse ni Jacob.


"Hay!! Paki alam ko ba? Tama lang na wala sya." Ang naibulalas ni Dana.


Naglalakad na sya all the way papuntang school ng may nararamdaman syang may sumusunod sa kanya. Lumingon ito.

"Huh?" Walang tao sa likuran nya. Tumingin pa sya sa kaliwa't kanan, wala talagang tao.

Nagpatuloy nalang sya sa paglalakad. Maya maya may narinig syang parang tumatakbo. Mabilis itong lumingon.

"Anu ba yun?" Wala na namang tao. Humarap na ito at paunti unti nang binilisan ang paglakad. Hanggang sa tumatakbo na ito.

-----

Hingal na hingal si Dana ng makarating sya sa school nila.


"Grabe talaga. Sino kaya yun?" Saad nito.

Hinawakan nalang nya ang magkabilang strap ng backpack neto at naglakad na.

Napatingin naman si Dana sa paligid at nagkakamot sa ulo.


"Bakit may mga banderas dito?" Ang buong palibot kasi ng school may may iba ibang kulay ng banderas. Yung parang nakikita pag fiesta.

Nagtataka lang si Dana habang naglalakad hanggang sa makarating sya sa tapat ng court. Nagtataka naman 'to habang binabasa ang tarpaulin sa stage.


Happy Aniversarry Day! Springfields High!


"Ahhh... Aniv pala ng school. Ay! Pag ganito mahilig silang mang----" Nagulat nalang si Dana ng biglang dumilim ang paligid nya. May pumiring sa kanya.

When It Comes To Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon