[Ch. 54] Dream On! Aj Enriquez.

49 1 0
                                    

[Ch. 54] Dream On! Aj Enriquez.

Aj's POV

Hay... kung minsan talaga.. kahit anung yaman ng tao. May mga bagay parin sila na.. hanggang pangarap nalang nila makakamit. Parang ako. Abot kamay ko na sya. Pero, akala ko lang pala yun.

"Uy, Aj! Bakit ka nga pala umabsent kahapon? Ikaw ah. Namis kaya kita." Ang mga ngiti ni Dana. Ngayon lang nagkaroon ng meaning at epekto saken ang isang pangkaraniwang ngiti.


"Sorry, Dana! May business trip kasi si Dad kahapon. Sinama nya ako." Sinungaling. Ang saket pala pag sarili mo na, niloloko mo pa.

"Oww.. ahahahaha. Ikaw na mayaman! Ahahahaha." Dana, kung pwede lang. Kung pwede lang na gamitin ko ang yaman na meron ako makuha lang ang puso mo gagawin ko.


Unang pagpasok ko palang dito sa school na'to, sa kanya agad napokus ang tingin ko. Ang pagpili sa kanya na maging tutor ko? Plano ko yun, para mapalapit sa kanya.


**Flashback

Naglalakad ako nun, papasok sa school na 'to. Ang Springfields high. Balita ko, puro mayayaman dito. Unang tingin ko palang ayoko na, pero...

"Fhudge! Tara na kaya. Baka nasa room na ang babes ko!" Napatingin ako sa mga babaeng nagsisigawan na yun.


"Teka lang kaya, Fhudge. Lumuluwag yung tali ko sa buhok eh." Woah. Isang buhok na style chun li? Pfffft. Kakaiba naman 'tong babaeng 'to.

"Hay nako, fhudge. Laking pasakit talaga ng buhok mo!"


Nagulat naman ako ng batukan ng chun li yung kaibigan nya. Pfffft. Mayayaman ba talaga 'tong mga 'to? Nasa gitna sila ng maraming tao pero ang lakas nilang magganyanan.


"Siraulo ka din, fhudge eh 'no? Naging kayo lang ni Sam eh. Ganyan ka na? Sabihin ko nga kay Sam na ibreak ka na." Oh! Sabay takbo nung chunli paakyat sa building.


"HOY!!! HOY DANA!!! WAG!!!!" At tumakbo na din yung kaibigan nya.

Napangiti ako. Napaka free spirit naman ng chun li na yun. Gusto ko syang makilala.

Pinatunog ko ang daliri ko at lumapit saken si Sec. Han.

"Yes, Master Aj."


"Yung chun li'ng buhok na yun. Alamin mo kung anong sec. nya. Tapos dun mo ako ipasok at gawin mo syang tutor ko for 2 weeks. Gusto ko syang makilala."

"As you wish, Sir Aj."

**End of Flashback

At hndi naman ako nabigo. Napakabait ni Dana. Masayahin. Bubbly. Marami syang kaibigan na mapagkakatiwalaan nya. Pero, kahit na ganun sya kasaya. May malungkot parin syang mga side. At hndi ko alam na nakakahawa pala yun. Kasi nung time na malungkot sya, nalulungkot din ako. At hndi ko kaya na makita syang ganun. Kaya nga gumawa ako ng paraan para sumaya sya. Yun yung time na pumunta kami ng luneta.


Sobrang saya ko pa nun ng sumakay kami ng tricycle. Tsk. Naalala ko tuloy...


**Flashback

"Sa terminal po ng Jeep, Kuya." Saad ni Dana dun sa driver ng maliit na vehicle na 'to.

When It Comes To Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon