[Ch. 5] Were Trap
Seb's POV
2 days nang wala sa sarili si Dana mula nang nangyare sa library. Hndi din naman sya nagkukwento. Hndi ako sanay ng ganito. Na tahimik ang My Loves ko.
Wag lang kayong maingay ah. Matagal na akong may gusto kay Dana. Dating dati pa. Kaso, dahil nga sa habulin kami ng kapatid ko, hndi siniseryoso ni Dana lahat ng mga paramdam ko. Akala nya joke time lang lahat ng pinapakita ko sa kanya.
Masakit, pero mas pipiliin ko nalang 'to. Kesa naman, hndi ko sya makasama. At least, nagagawa ko ang lahat para mapasaya sya. Hndi nga lang sa paraang napapasaya ang puso ko.
"Psst! Juris!.." Sabay kalabit ko kay Juris sa kanan ko. Nag sosolve kasi kami ng problem sa Math. Kaya dapat tahimik lang.
"Ano na naman nais mo, Sebby? Wala na 'kong extrang ballpen!" Juris
"Baluga ka talagang leader! Hndi yun ang gusto kong sabihin!"
"Eh ano ba? Hay nako, Seb. Nahihirapan din ako sa number 6. May sagot ka ba? Pakopya naman oh!" Mababatukan ko na 'to si Juris eh.
"Pwede ba patapusin mo muna akong magsalita? Pwede?" Lakas makatanga ng babaeng 'to. Kaya siguro nagiging tanga na din sa kanya si utol eh.
"Hehe, sorry naman. Ano ba kase yun?" Juris
"Itatanong ko lang sana kung nasabi na ba sayo ni Dana kung anung nangyari sa kanya sa library nung isang araw. Kasi tingnan mo naman! Para syang sabog netong nakaraang araw."
"Ah yun ba? Nako, sorry Seb ah. Nangako kasi ako kay Dana na hndi ko ipagsasabi kahit kanino. Yaan mo, gala nalang tayo mamaya sa mall after class. Libre natin sya para mawala na yung bad aura nya huh? Lam mu naman yan, mahilig sa libre. Sorry talaga ahh." Juris
"Ah, ganun ba? Sige. Gala nalang tayo mamaya." Ako
"Sige, sorry talaga Sebby ah." Juris
"Ok lang.."
Bakit ayaw nya ipasabi? Anu kaya yung nangyari sa kanya nung araw na yun? Nag-aalala ako pero sa mukha ni Juris, parang hndi naman siguro ganun kalaki ang nangyari. Sana nga. Pero, di bale. Hndi ko man alam kung ano yun. Tutulungan ko na lang sya para mawala yun sa isipan nya.
I will make her happy today!
Dana's POV
Hndi ko parin maayos yung sarili ko. Hndi ako mapakali. 2 araw na ang lumipas pero pakiramdam ko parang kanina lang yun nangyari. Nakakainis! Ang sarap nya talagang----- urgh! Nakakapanggigil!
Bakit nya ba ginawa yun? Anu bang trip nya? Tsaka kilala nya ba ako? Bakit parang kahit saan nakikita ko sya? Shemay! Palagi nalang nag a-auto replay yung eksenang yun sa utak ko eh! Nakadilat pa ako nun! Kaya kita ko ang pagpikit ng mga mata nya kasabay nun ang..... ang...... ang.....
"Dana, masakit ba ulo mo? Namumula ka na naman eh." Seb.
Urgh! Nakakainis talaga yun!
Bigla-bigla ko namang niyakap si Seb kahit naglalakad kami sa gitna ng daan. Nasa hallway kasi kami pauwi na.
"D-Dana..." Bakit ang bilis ng tibok ng puso ni Seb? Kinakabahan ba sya?
"Pwedeng.... payakap saglit, Seb? Kahit saglit lang."
Sabay ginantihan ako ng yakap ni Seb. Hndi siguro kami namalayan ng barkada kaya tuloy tuloy lang sila.
"Sure, ok lang." At ibinaon ko pa ang mga yakap ko kay Seb. Alam kong maraming estudyante ang nakatingin samin. Kahit nakapikit ako, ramdam ko yun. Hndi ko nalang sila papansinin.
BINABASA MO ANG
When It Comes To Love ♥
Storie d'amoreKwento ng buhay pag-ibig ng magbabarkada. Kung paanong malalaman at masusubukan ang lahat ng mga imposibleng bagay sa larangan ng pag-ibig. Tampok ang pinaka bida sa istorya. Ang wagas at tunay na pagmamahalan nina Daniala Ivvone Chavez at Jacob Sha...