Epilouge....
Dana's POV
Parang isang kisap lang ng mata, ang dami ng nangyari sa buhay ko. Parang.. ang dami ng nagbago. Parang.. pagod agad ang katawan ko sa mga nangyari.
"Nak.. Ok ka lang ba? Sigurado kang kayang mo nang magbyahe? Alam mo pwede mo namang---"
"Ma.. Ok lang ako." Pagpipigil ko kay Mama. Isang araw palang kasi ang nakakalipas ng i-release ako sa hospital. Todo naman kasi kung makareact 'to si Mama. "Wag ka ng mag-alala huh?"
"Mamimis kita, Dana. Mag-iingat ka dun ah! Skype ka palagi." Tsk. Nagdrama na naman si Mama.
"Bakit kasi hndi nalang kayo sumama nina Dashika? Pinapasama naman kayo nila Tito Robert ah."
"Hndi na anak. Dito nalang kami. Yung pag-aaral pa ng mga kapatid mo, dito na sila nasanay kaya mabuti pang ituloy na dito." Hmmm..
"Ok Ma. Sabi mo eh."
"Ate! Nandito na si Kuya Kevin." Napalingon naman ako sa may pinto namin at ngumiti. Nandito na nga sya. Lumapit sya saken nun at inakbayan ako.
"Sure po ba talagang hndi kayo sasama sa NY, Tita Ella?" Tanong ni Kevin kay Mama.
"Dito na lang talaga kami, ihjo. I-Ingatan mo ang anak ko ah." Mama
"Mama naman.."
"Wag po kayong mag-alala, Tita. Iingatan ko po talaga si Daniala." At ngumiti pa sya saken nun. Aju~ hanggang ngayon hndi ako makapaniwala na boyfriend ko ang isang 'to eh. Grabe lang. Sobrang ganda ko pala para makasungkit ng gwapong gaya nya? Gwapo na, mabait pa! Ahahahaha! Parang unbelievable lang talaga.
"Sige na.. mag-iingat kayo ah."
"Opo Ma." Nagbeso pa ako kay Mama nun na kinagulat nya. Eh? Bakit?
"Tara na, Daniala." Ngumiti lang ako sa BOYFRIEND KO DAW! Ahahahaha! May daw pa kasi hndi pa din talaga ako makapaniwala. Pero yun naman ang sabi nila eh. Boyfriend ko daw si Kevin at nakatakda na nga daw ang engagement at kasal namin eh. Wow lang talaga. As in hndi ako makapaniwala. Sobrang dami na palang nangyari saken 'no? Ni hndi ko man lang namalayan.
"Sige, tara na." Inakbayan lang ako ni Kevin at niyakap ko naman ang bewang nya. F na F ko 'to eh.
Habang naglalakad kami papunta sa kotse nya may naisip ako..
"Kevin.."
"Hmmm?"
"Ganito ba tayo kasweet noon?" Napansin ko naman na nag-stiff sya.
"O-Oo.. ganito tayo. Hehehe. Ganyan! Yang ginagawa mo ngayon. Pag naglalakad tayo ganyan palagi mong ginagawa saken. Yayakapin mo ang bewang ko."
"Wow. Talaga? Kahit maraming tao?"
"O-Oo.. kahit maraming tao. Hehehe." Wow. Ganun ko pala talaga sya kamahal noon? Tsk. Tsk. Bakit kasi hndi ko matandaan?
"May isa pa akong tanong!"
"A-Ano yun, Daniala?"
"Nagkiss na ba tayo noon?" Kasi wala pa nga akong first kiss diba? Kung ganito kami ka-close at sya ang pinaka una kong boyfriend, ibig sabihin nagkiss na kami?
"Ah.. Eh.. o-oo! Oo naman! A-Ako nga first kiss mo eh. Yun ang sabi mo. Hehehe." Woah. So talaga ngang mahal ko sya noon. Kasi nakuha nya first kiss ko. Tahahahahaha! Para ka palang timang pag may amnesia ka. Magugulat ka nalang sa mga ala alang sasabihin nila na ginawa mo naman talaga. Ahahaha.
"Alam mo, Daniala. Wag mong pilitin ang sarili mo na maalala lahat ng memories mo na nawala. Makakasama daw yun sayo sabi ng doctor. Hayaan mo nalang na kusa silang bumalik huh? Dont worry, dito pa din naman ako sa tabi mo kahit.. nakakalimutan mo ako." Nyah!!!! Kung mahal ko nga talaga sya dati, ayoko syang malungkot ng ganito!
"Nyah!! Wag ka namang ganyan, Kevin! Wag kang mag-alala. Hndi man kita naaalala pero pipilitin kong maging mabuting girlfriend sayo! Wag ka lang malulungkot ng ganyan huh?" Nakita ko namang ngumiti na sya nun. Haay,, ang gwapo nya talaga pag nangiti sya ng ganyan at lumalabas dimples nya.
"Ok. Sabi ng cute kong girlfriend eh. Ahahaha. Pasok ka na." Pinauna nya akong pinapasok sa van sa pangalawa at sumunod na din sya sa tabi ko. Sinara na nya ang van.
"Ah! Eto siguro makakatulong sayo para matandaan mong mahal natin ang isa't isa." Kinuha nya ang cp nya at may pinakita sya saking picture.
"Oh! Ayan ka oh. Ahahahaha. Nakayakap ka pa saken. Eto yung picture natin dito sa van na 'to nung araw na umuwi tayo galing din ng New York. Tulog na tulog ka nun at nakayakap ka pa saken." Oo nga! Nakayakap ako sa kanya sa picture. Hohoho! Totoo nga talaga! 101% boyfriend ko si Kevin at mahal ko talaga sya. Hahaha. Now im more convince.
Napatingin ako sa kanya na nakangiti pa habang nakatingin sa picture. Lumapit naman ako sa kanya at isinandal ang ulo ko sa balikat nya.
"Kevin..."
"Hmmm?" Naramdaman kong inayos nya ang braso nya at inakbayan ako. Parang naging unan ko na tuloy ang bisig nya. Hmm.. ang bango nya pa! Ahahahaha! Pervert. Niyakap ko lang ang bewang nya.
"Sinasabihan din ba kita noon na mahal kita?" Nasabi ko na kaya yun sa kanya o nahihiya ako? Kasi baka lang hndi ko pa nasasabi diba? Eh di sasabihin ko na ngayon.
Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso nya. Rinig ko yun! Malapit lang ako sa chest part nya eh.
"Hah? Ah.. o-oo.. oo naman. Sinasabihan mo ako noon."
"Ahh.. eh di uulitin ko ulit. Mahal kita, Kevin!" Haay.. parang ang sarap sa pakiramdam na may boyfriend ka! Ahihihi! Ang saya ko!
Napatingin naman ako kay Kevin nun. Kasi hinigpitan nya ang yakap saken. Wow. Dama ko ang pagmamahal nya saken.
"Mas mahal kita, Daniala. Mahal na mahal kita." Napangiti ako nun. Parang tumambling yung puso ko sa sobrang saya! Ahahahahaha! Mahal na mahal nya pala talaga ako? Ang saya naman!
I guess.. ang pagpapatuloy ko ng pag-aaral sa New York kasama si Kevin dun ay magiging masaya! Mababait naman sina Tito Robert at Tita Martha plus! Palagi ko pang makikita si Papa! Ahahahahaha!! Ang saya saya ko!!
----
BINABASA MO ANG
When It Comes To Love ♥
RomanceKwento ng buhay pag-ibig ng magbabarkada. Kung paanong malalaman at masusubukan ang lahat ng mga imposibleng bagay sa larangan ng pag-ibig. Tampok ang pinaka bida sa istorya. Ang wagas at tunay na pagmamahalan nina Daniala Ivvone Chavez at Jacob Sha...